Chapter 16: Moving In

84 6 12
                                    

«Featured Song»
「Hana 0714」
By: MY FIRST STORY

Nashry's PoV

Nagluluto na ako ng lunch ko nang may marinig akong nag-doorbell at tumawag sa pangalan ko. "Nashie"

Oh well, si Damond lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'n, so siguro s'ya na 'yun. Mabuti nalang at saktong tapos na 'yung niluluto ko, kaya agad kong pinatay 'yung gatong at pinagbuksan si Damond.

Napansin kong dala-dala n'ya 'yung gitara n'ya. "Oh. Bakit ka napadpad dito?" tanong ko sakanya.

"Nagpunta ako dito para—," Nahinto s'ya sa pagsasalita at napasinghot. "Sarap, adobo. Pwedeng makikain?"

"Nandito ka para makikain? Anyway, sige na tuloy" sabi ko nalang at pinapasok na s'ya sa bahay. "Thank you" sagot n'ya naman habang pumapasok.

Inaya ko s'ya sa sala. "So, bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit sakanya nang makaupo na kami.

"Ah. Actually nagpunta ako dito para sabihing si Yuki Hikumi na ulit ang titira dyan sa kabilang bahay," sagot naman ni Damond. "Since, wala naman nang mga reporters na umaaligid, siguro ayos na na bumalik s'ya do'n"

"Ahh," Tumango ako. "So, babalik ka na sainyo?"

"Yes. Naligpit ko na lahat ng gamit ko at naiuwi na sa bahay," Huminto s'ya sandali. "So, dahil ito na ang last day ko bilang kapit bahay mo, kailangang matikim manlang ako ng luto mo" dagdag n'ya pa at mabilis na pumunta sa dinning table.

"Sira. Feel at home na feel at home ah" sabi ko kay Damond habang naglalakad na papuntang kusina, para maghain.

"Ah, isipin mo nalang na welcoming gift mo sa'kin 'to, dahil bagong member ako ng banda mo" sabi naman ni Damond habang naghahain ako.

Pinasa n'ya na sa'kin 'yung membership form n'ya kahapon. Nakakatuwa, dahil sa wakas ay nagkaroon din kami ng bagong member. Dalawa o tatlong member nalang, magiging official band na rin kami ng Gassho High.

"You are smiling. Anong iniisip mo?" Usisa n'ya habang inilalapit ang mukha n'ya sa'kin. Nahiya naman tuloy ako.

"W-Wala. Umupo ka na nga lang dyan" sagot ko nalang sakanya at marahan s'yang tinulak, para lumayo s'ya.

Sinandokan ko na s'ya ng kanin at ulam. "Fine, so let's just say that this is a mini welcoming party"

"Okay, thank you" nakangiti n'yang sagot.

Nang mabigyan ko na s'ya ng pagkain ay may narinig akong nag-ring ng doorbell.

At sino nanaman 'to?

Tumingin ako kay Damond. Wala naman kase akong ine-expect na dadating ngayong araw.

"Ah, Baka si Mark"

"Pinapunta mo?" may bakas ng pagkagulat kong tanong.

"I had my reasons. Basta, mamaya, malalaman mo," sagot naman n'ya. Meaning, s'ya nga mismo ang nagpapunta. "Besides, mas masaya ang welcoming party kung mas marami"

Tokwa, ano 'to bahay n'ya?

Ba't hindi n'ya naman ako sinabihan manlang na pupunta s'ya o kung sino-sino pang dadating ngayon?

"He, oo na. Oo na. Siguraduhin mong katanggap tanggap 'yang rason mo ah" sagot ko naman sakanya hanang naglalakad ako palabas para pagbuksan 'yung nasa labas.

New SoundWhere stories live. Discover now