Chapter 23: Rehearsal

79 5 20
                                    

Samael Dawn's PoV

Nasa backstage na kaming RH. Hinahanda na namin 'yung mga kailangan namin. Sina Agape at Zaka, dapat ang pinakaabala sa ngayon, dahil sila ang maraming ihahandang gitara, pero si Agape lang ang kumikilos habang si Zaka ay hawak parin 'yung isang gitarang gagamitin n'ya at hindi parin tinotono.

Kasama namin nagse-set up 'yung staffs. Konti nalang naman ang kailangan, dahil naihanda na Mr. Seight, lahat ng kailangan, para sa mga gitara, and I'm sure, the guitars was in good condition. Kailangan nalang i-test 'yung audio, at kung nasa tono pa ba 'yung mga gitara.

String instruments are prone to be out of tune, hindi kagaya ng piano.

"Hoy Zaka, baka gusto mong ipatono nalang sa'kin 'yan nang matapos tayo dito" reklamo ni Agape kay Zaka. "Tss, ako na" inis na sabi ni Zaka at saka palang nagsimulang magtono.

Ano nanaman kaseng iniisip nito?

Pero, pasalamat ako at nandito s'ya ngayon, kun'di, malalagot na talaga ako.

"Hoy, Zaka, parang kanina lang mataas na fighting spirit mo ah? Ba't parang hindi ka nanaman okay?" Eliz asked nang mapadaan s'ya sa harap ni Zaka.

"Pa'no kung 'di s'ya pumunta?" tanong ni Zaka kay Eliz.

"T-in-ext ko na nga. Ang sabi n'ya pag-iisipan n'ya. Hindi definite, pero Zaka, pwede ba, be more optimistic! Puro ka kase ka-negahan, hmp, tutuktok ko sa'yo 'tong symbals eh" pangangaral ni Elizabeth habang pinapakintab ang symbals ng drumset n'ya. Gaya ng nakagawian, tagapangaral talaga 'yan si Elizabeth sa mga ganitong pagkakataon. Bununtong hininga lang si Zaka, at bumusangot ulit habang nagtotono ng gitara n'ya. "Hahaha, Eliz, pabayaan mo na 'yan si Zaka, baka mapikon nanaman. Tignan mo, nakasimangot nanaman. Tsaka, alam mo maganda na rin 'yang may kinikimkim s'ya, para mamayang gabi magka-feelings naman 'yung pagkanta n'ya, kesa naman 'yung ganito" sabi naman ni Agape at ginaya ang itsura nakabusangot na si Zaka. 'Yan. Dyan magaling 'yang mokong na si Agape, sa panga-asar.

Ayan tuloy at tinitgnan s'ya ng masama ni Zaka. "May sinasabi ka ha, Agape?"

Natakot naman ang loko, kaya lumapit kay Noah. "Noah oh, peram nga n'yang bass mo. Mukang kailangan ko ng shield" sabi ni Agape at lumapit sa pwesto ng nananahimik na si Noah. Nagpapractice si Noah at parang walang narinig sa sinabi ni Agape.

Binato naman ni Zaka si Agape ng capo. "Puro ka nanaman kag*guhan"

Hay, napikon n'ya nanaman si Zaka.

Inagaw ni Agape 'yung bass ni Noah at pinang-shield doon sa binatong capo ni Zaka, kaya napa-react naman si Noah. "Ah, p*cha naman, Agape"

Mukhang pamura narin 'to si Noah. Paminsan-minsan lang 'yan magsalita, dahil likas na tahimik talaga s'ya, pero dahil sa kakulitan ni Agape, napipilitan nalang s'ya.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon