Chapter 20: Busy

24 3 6
                                    

Nashry Miyeru's PoV

Orientation palang ngayong araw na 'to, para makilala namin ang mga subjects at teachers namin. Nasa room na ako, and I can notice na occupied na lahat ng seats. Mukhang sa ibang section napunta si Damond at hindi ko na s'ya magiging kaklase.

The only people na nare-recognize ko sa mga kaklase ko ay sina Neuzin Matsumoto, at 'yung crush ni Emi na si Jack. Grouped na kami ayon sa mga instrumentation namin, kaya hindi na dapat ako magulat na may kaklase akong galing sa Mozart section.

Puro lang muna kami introduction at overview sa lahat ng subject. Sa subjects naming Jazz Studies, at Music Theory and Compositions, binigyan kami ng mga practice books na gagamitin daw namin sa mga subject na 'yun.

May kakapalan 'yung mga practice books, at tigdalawa kaagad na gano'n ang binigay sa'min. Mukha ngang marami kaming gagawin, kahit konti lang ang subjects namin ngayon.

Mukhang tama ka nga, kuya Samael.

Before I even notice, lunch break na. Music History nalang at Repertoire ang natitira kong subject after lunch. 'Pagka-dismiss saamin, deretso na kaagad akong cafeteria.

Ang sarap sa feeling ng maglakad sa building namin na 'to, dahil 'pag sumisilip ka sa mga bintana ng mga practice rooms, makakakita ka kaagad ng mga estudyanteng hinaharap agad 'yung practice book at nagpa-practice tumugtog.

»»»

"Hoy, Nashry, may nababalitaan ako sa klase n'yo ah" sabi ni Emi habang kumakain kami. I told her about Damond's idea of performing in small places, rather than on the streets, and nag-agree naman s'ya. Ngayon, mukhang papunta na sa ibang topic ang pag-uusapan namin.

"Ano nanaman 'yan? Kaka-start palang ng grading, may tsismis ka agad"

"Syempre, wala yatang makakatakas na impormasyon sa'kin, basta tungkol kay... kay... Jack. Hihi. Classmate mo pala s'ya ah. Send pics naman, Nashry"

Uh-oh. Oo nga pala at kaklase ko si Jack, at iba nga pala ang bibig nito ni Emi sa tuwing binabanggit 'yung crush n'yang 'yun.

"Alam mo, rhythm guitarist si Jack, and kumpleto na ang mga members nila. Rivival! Oh, 'di ba ang ganda ng name ng band nila? I heard pop-rock ang genre nila, at all boys ang banda nila. Sikat na nga sila sa social media eh. Naka-follow ako sa lahat ng mga members nila. Actually, nasa kalagitnaan ako ng pagse-save ng pictures ni Jack—"

"Shh! Tama na oy, mabisto ka pa dyan sa kaharutan mo" Awat ko kay Emi. Umarya nanaman s'ya sa kakakwento. Hay. Minsan naiisip ko, sana magkaroon nalang s'ya ng ibang crush. 'Yung wala s'yang masasabi, para medyo matahimik naman.

"Oh wait, Nash, wala ka na bang sobrang...," Emi seemed to remember something to ask to me, kaya hindi na s'ya nagpatuloy sa kadaldalan n'ya. Hay, salamat.

She made a rectangle shape sign gamit 'yung daliri n'ya. "Kase, 'di ba friends naman kayo ni fafa Samael?"

Oh. Now, I get it. Pambihira, akala ko pa naman naka-get over na 'yung mga tao doon.

Napa-face palm nalang tuloy ako.

"Wala, joke lang ni kuya Samael na friend n'ya kami, at nataon lang na may pwede s'yang ipamigay na ticket para saamin that time" I explained.

"Gano'n? Doon sa guitar shop kayo nina Mark pumunta no'ng na-meet n'yo si fafa Samael, at mabigyan ng ticket, 'di ba?" tanong naman ulit ni Emi. Tinangoan ko s'ya. "Walang 'ya, talaga 'yang Damond na 'yan eh, sabi ko kaseng sasama ako sa luthier, eh ipagtulakan daw ba ako. Sayang hindi tuloy ako 'friend' ni kuya Samael" inis na sabi ni Emi. At pinagdiinan n'ya pa 'yung friend.

New SoundWhere stories live. Discover now