Chapter 8: A Visit From a Good Old Friend

122 8 44
                                    

«Featured Song»
「Warning」
By: MY FIRST STORY

Hiroi Dion Martinez's PoV

"Oyyy, Hiroi, nasaan nanaman si Damond?" tanong ni Dex, ang drummer ng banda namin. Hindi s'ya gano'n katangkad, pero mabilis s'yang nakakakuha ng tamang beat at key ng kanta.

"May pinuntahan lang. Pabalik na 'yon" sabi ko habang ina-adjust ko ang volume ng gitara ko, at the same time ay chine-check kung naka-tono ba.

Matapos 'yon ay nagkanya-kanya kaming galaw, para mag-set up ng instruments.

Maya-maya lang ay dumating na ang lokong si Damond. "Oyyy, kumusta, ba't parang hindi ka parin ginaganahan?" bungad ko sakanya ng may halong pangaasar. Pa'no kase eh seryoso nanaman ang ekspresyon na akala mo kung anong problema pinagdadaanan.

"Eh kase, mukhang..." sabi n'ya habang nagse-set up na rin ng gitara n'ya. "Mukhang close sila ni Yuki Hikumi" pagtutuloy n'ya.

Umalis kase talaga s'ya para sunduin si Nashry. Haha, mukhang iba ang nadatnan n'ya ah. Iyan kaseng lokong 'yan au may gusto kay Nashry, kaso puro porma, hindi naman kayang magtapat.

"Hahaha. Pakiramdam mo lang 'yon. Ang sabihin mo, nagse-selos ka" sabi ko sakanya habang nakasandal sa amplifier ng bass guitar.

"Eh ano? Kailangan ba talaga akong pagtawanan?" sabi n'ya naman. Lalo tuloy akong natawa.

"Hahaha. Wala ka nang pag-asa!" panga-asar ko sakanya.

"'Lang 'ya ka, hindi ka  naman nakakatulong" reklamo namam n'ya at inapakan 'yung effect pedal tapos ay nag-strum-strum na.

"Pfft. Asar talo" Naibulong ko nalang habang naga-adjust ako ng tono ng gitara.

Haha. Talo na nga sa asaran, talo pa sa love life.

»»»

Matapos ang pagse-set up namin ay nagsimula na kaming tumugtog. Sinimulan na ni Damond na mag-strum sa isang D5 chord tapos ay pumasok si Hayato tapos ay sumabay  na kaming lahat.

♪ I can' take it
Don't need it
The medicines not working,
But Muriyari toyo sa re
Kono ya tekiryo mo shiruyoshi mo naku
Fukaku hikikoma re
Trying not to break
I Just want to leave
Before it gets too late
Kokoro no ochitsuki
Naku shite made teniireta
Hitei to kotei o umaku tsukaiwake
Get out from this boring town ♪

Habang tumutugtog kami ay pansin ko si Damond na nakatingin doon sa bintana kung saan nandoon si Nashry. Kasama n'ya si Yuki Hikumi na nanonood. Mukha namang saamin nakatoon ang atensyon ni Yuki, dahil saamin s'ya naka-focus. Sa itsura n'ya, parang hindi naman s'ya dapat pagselosan ni Damond.

♪ Too many and
I don't remember anyone!
And,Joho sosa sa re
Kankaku wa mahi shi seijo ni kino shinakuri
We are getting out
I Just want to leave
Before it gets too late
Tsugo no I yo ni kakikae rarete shi
Ma tte
Genjitsu ka kuso ka hakkiri mikiwame
You don't have to walk alone ♪

New SoundWhere stories live. Discover now