Chapter 10: Faculty's Announcement

116 8 97
                                    

«Featured Song»
「The Remedy (I Won't Worry)」
By: Jason Mraz

Nashry's PoV

♪ When it all amounts to nothing in the end

I... I won't worry my life away he-e-e-ey o-o-o-o-oh
I... I won't worry my life away he-e-e-ey o-o-o-o-oh ♪

P-in-ause ko 'yung kanta sa cellphone ko at sinubukang kapain ang melody no'n. Mabilis ko lang naman nakapa, dahil makapit lang s'ya sa chord. Sinunod ko ang paglapat ng bass notes ng mga chord sa kanta, since kabisado ko maman ang chords no'n ay naging ayos naman. 'Yun nga lang kulang pa 'to sa style. Masyadong plain.

Lunch time na at nandito ako sa music room. Nandito ako para gumawa ng sariling arrangement ko ng "The Remedy" ni Jason Mraz. 'Yung tipong maisasampal ko kay Yuki, para lang mabalik s'ya sa pagtugtog ng gitara. Mahigit isang linggo na din, since noong tennis match nila Damond, at ni Mark Lambert Dela Cruz. Sa mga oras na 'yon, wala akong ibang ginawa kung hindi mag-arrange ng The Remedy dito sa music room, tuwing lunch break, bago pumasok, 'pag maaga akong pumasok, at hanggang hating gabi. Medyo nag-aral ako ng konti sa guitar scales, bumasa ng tablature, tapos nagpaturo ng paga-arrange kay Hiroi. Nakatulong naman ng sobra, dahil may nagka-progress naman ang ginagawa kong arrangement.

T-in-ry kong tugtugin 'yung mga parts na na-arrange ko na tapos ay isinulat sa papel na nakapatong sa table sa harap ko ang tablature ng nai-dagdag kong mga parts.

Chorus na ang kailangan kong i-arrange nang bigla akong magka-problema sa lalayo ng mga agwat ng mga base notes na kailangan kong i-pin, at sa hirap ng finger positioning.

Napakamot nalang ako sa ulo, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"That's today" Napatingin ako sa nakabukas na pinto ng music room, dahil may mga narinig akong nagsalita.

"Thank you, Sir"

"Oh, tulungan na kita Sir, saan ka po ba pupunta?"

"Oh, it must be somewhere near. I heard somebody's playing guitar hugely similar to Yu's style. I want to find out where's that coming from"

Hindi ko na nga lang pinansin at bumalik nalang ulit sa paga-arrange.

Hindi ko talaga magawan-gawan 'yung chorus, dahil ang hirap talaga ng dapat na positions ng daliri. In the end, nauwi ako sa pagtugtog ulit ng mga na-arrange ko nang part, para na din makabisado ko at hindi ko na makalimutan.

"Move your capo on 5th fret or play at a custom tunning, and transpose the notes. It might solve your problem"

Mabilis akong napatingin sa doorway ng music room nang may marinig akong nagsalita.

May isang... well... cute? pogi?... poging cute na nasa doorway ng music room. Sa suot n'ya, mukhang isa s'yang teacher dito sa Gassho High. Sino s'ya? Parang hindi s'ya pamilyar sa'kin.

White skin, pouty lips, big round eyes, tall, and a well-styled hair. 'Yon ang itsura n'ya. Though, there's something weird with the color of his eyes. His eyes are silver. At isa pa, malayo ang tingin n'ya sa'kin, kahit na mukhang para sa'kin naman ang sinabi n'ya, dahil wala namang tao rito sa music room, kung hindi ako.

"Nashry! Ikaw lang pala" Napalingon ako doon sa babaeng estudyante na kasama ni sir poging cute.

"Felice?" nagtataka kong reaksyon. S'ya si Felice Garcia, kaband ni Hiroi, ang pianista ng Random.

"Sir Iwata, si Nashry Miyeru po ng 11 - Beethoven, 'yung naririnig n'yo" Bumaling si Felice doon kay sir poging cute at sinabi 'yon. Sir Iwata pala ang pangalan n'ya. Hindi s'ya lumingon kay Felice. Tumango lang s'ya habang malayo ang tingin.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon