Chapter 1: Random

152 10 31
                                    

«Featured Song»
「Brand New Days」
By: +Plus

Nashry's PoV

"So, the quarter note placed under the 1st line receives one beat and is played in the 1 string, open. In keyboard, it was an this E key. When we play them together, it'll sound the same. Why is that?" tanong ni Ms. Artfield.

"Hay" napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagkabagot. Hindi nagsi-sink in sa utak ko ang nile-lesson.
Gusto ko naman matuto ng tungkol sa notation pero ewan ko ba, hindi ko matutun-tutunan.

Music ang subject namin ngayon. Start na ng second quarter at ang lesson namin ay "notations"
Tumingin ako sa nakadrawing sa board. Sunusubukang intindihin ang mga 'yon pero wala talaga.

Maya maya ay nilibot ko 'yung tingin ko, para tignan kung may may nakakaalam ng sagot sa tanong ni Ms. Artfield. Na-spot-an naman ng mata ko ang kaisa-isang nagtataas ng kamay na naka-upo sa pinakalikod ng klase.

"Yes Mr. Gonzales?"

Si Damond Gonzales.

"It's because the first string open of the guitar is one of the variation of the E2 note. E2 can also be played in 2nd string, 5th fret, and 3rd string 9th fret and it all will sound the same"

Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa umupo ulit s'ya sa upuan n'ya. Sa mukha n'ya, to be specific. Ba't parang ang seryoso n'ya naman 'ata? Hindi naman kase seryosong tao 'yang si Damond. S'ya 'yung tipo ng tao na laging nakangiti at may buhay ang mga mata. Sa nakikita ko ngayon, parang exact opposite ng mga 'yon ang pinapakita n'ya.

And those little things remind me of someone. Someone identical to his face and all, but the character... and I am still missing that person.

"Ryuji?" pabulong kong nasabi. Naalala ko parin kase ang taong 'yon. Lahat-lahat ng sinabi n'ya nung recognition day... Lalo na't magkamukhang-magkamukha sila ni Damond.

"That's correct" Ms. Artfield remarked and resumed on discussing."The half note in the 1st line played on the 1st fret, 1st string with the note of F2 and it sounds like....."

Mukhang naubos ko naman ang oras ng klase kakasulyap kay Damond, kaya hindi ko namalayan ang oras, secretly hoping that I may be right of thinking that the one in our class is was Ryuji...

Kahit alam ko namang hindi, at imposible.

"He, tama na nga Nashry!" Mahina kong sinampal ang pisngi ko, para maiwasan na ang pagi-isip masyado.

Hay. Gusto ko lang naman, kaseng malinawan sa mga ginawa n'ya noong araw na 'yon.

›››

"Naaash, manood kayo ng practice namin mamaya ah. Same place. Sa music room. Aasahan namin kayo ah"

Break time na. Papunta ako ng canteen para bumili ng pagkain nang makasalubong ko ang myembro ng isa sa sikat na banda rito sa campus. Ang bandang binubuo ng mga mahihilig sa japanese pop, rock, RnB and Soul music. Ang bandang...

Random.

At ang nakasalubong ko ngayon ay ang kanilang vocalist.

Si Hiroi Dion Martinez.

Kabanda n'ya si Damond kaya medyo close kami kahit na sikat na sikat silang members ng "Random."

Gwapo s'ya. 'Yung tipong titilian ng mga kababaihan makita palang ang dulo ng buhok n'ya. Maputi s'ya as in 'yung halos nago-commufludge sa liwanag pero 'yun nga lang, hindi s'ya gano'n katangkad. Buti nalang bawing-bawi naman ng mataas n'yang boses ang kinulang ng height n'ya.

New SoundWhere stories live. Discover now