Chapter 11: Duo

30 3 43
                                    

«Featured Song»
「Pray」
By: [ALEXANDROS]

Nashry's PoV

Tahimik. Wala kahit sino ang nagsasalita saaming dalawa, pero masaya ako. Sanay maman akong ganito s'ya. Isa pa, na-miss ko 'to.

I'm with Ryuji. It's lunch time. Nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch. "Join us, Hikumi" casual na tawag ni Ryuji kay Yuki habang iwinawasiwas ang kamay. Kakakuha palang ni Yuki ng tray n'ya ng pagkain at tumitingin palang kung saan s'ya magte-table nang tawagin s'ya ni Ryuji.

Teka, ako lang ba, pero bakit masyado naman 'ata s'yang feeling close?

Lumapit si Yuki sa table namin. "You're that Ryuji we met in the hall last time, right?" tanong nito kay Ryuji.

Tumango si Ryuji. "Right" tapos ay pinaupo n'ya na si Yuki sa isa sa upuan ng table namin. Matapos 'yon ay wala naman nang nagsalita. Nagsisubo kami ng mga lunch namin ng tahimik.

"I need to ask about something" Huminto si Ryuji sa pagkain at sinabi 'yon habang nakaharap kay Yuki.

As blunt as always. Ryuji. Wala manlang bwelo.

"At ano 'yon?" tanong naman ni Yuki habang sumusubo ng kanin.

Sasagot na sana si Ryuji nang mapadako ang tingin n'ya sa'kin. "Mamaya nalang pala"

Hindi ko tuloy mapigilang mag-pout, dahil sa ginawa n'ya. "Nakalimutan mong nandito ako?" Naka-pout kong tanong sakanya. Tinignan n'ya ako. "Parang gano'n" Walang ka-guit-guilt n'yang sagot.

Aba, ayos 'to ah. S'ya kaya ang nag-aya rito sa cafeteria, para kumain, tapos kakalimutan n'ya lang na kasama n'ya 'ko?

"More like, you wanted a private talk" Nagsaita si Yuki, kaya napalingon ako sakanya.

"Exactly" sagot ni Ryuji at tumingin sa'kin ng matagal.

What? Ako pa maga-adjust? Nakitang kumakain 'yung tao eh.

"Seryoso? Pwede namang lumayo muna kayo sandali dito" Hindi makapaniwala kong sabi, pero tuloy lang sa pagtingin sa'kin si Ryuji at pinagtaasan ako ng kilay.

"Oo na. Bilisan n'yo ah" Labag sa loob kong pagpayag.

Tumayo ako at binitbit ang lunch ko papunta sa walang taong table na malayo-layo sakanila.

Tinignan ko ang mga ekspresyon nila Ryuji at Yuki habang nagu-usap. Makikita ang pagkunot ng noo ni Yuki na para bang naguguluhan sa sinasabi ni Ryuji. May sinabi s'ya tapos ay sumagot naman si Ryuji. Matapos 'yon ay bahagyang umawang ang bibig ni Yuki na parang nagulat s'ya.

Ano ba 'yon? Ba't ayaw nilang ipaalam sa'kin.

Natapos ang usapan nila sa isang tango ni Yuki. Tumingin at sumenyas si Ryuji sa'kin, para bumalik sa table namin kanina, kaya agad akong sumunod.

"Anong pinagusapan n'yo?" tanong ko kaagad sakanila nang makaupo ako ulit sa spot ko kanina.

Tumingin si Ryuji sa'kin. "Wala naman. Hindi naman tungkol sa'yo" sagot n'ya sa tanong ko.

Medyo napataas ako ng kilay ng marinig ko ang gano'ng klaseng sagot. Parang hindi, kase ako sanay na---teka, si Ryuji nga pala 'to.

Okay, hindi nga pala s'ya si Damond, para mag-expect ako ng gentle at ibang approach.

Nang makabawi ako sa bahagyang pagkagulat ay sinagot ko s'ya sa sinabi n'ya. "Siguraduhin mo" Masabayan ko manlang s'ya sa kagaganyan n'ya. Lugi eh.

New SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon