Chapter 21: Checkmate

46 4 22
                                    

Samael Dawn's PoV

It's the 29th of November. This is the day of our concert. Excited ako, dahil gusto ko ang crowd na haharapin namin mamayang gabi.

Before the concert tonight, we have a Sound Check Party this morning, and we are now, on backstage for it. Bilang lang ang mga taong naimbitahan dito, dahil sobrang limited lang ng tickets.

"Ano game na? Ang ingay ng crowd, kahit ang konti lang nila" excited na sabi ni Agape, ang aming lead guitarist at nagpasilip-silip sa stage.

"He, palibhasa excited ka, dahil tatlo dyan sa crowd, mga babaeng hinarot mo kahapon" sabi naman ni Elizabeth, ang drummer namin, kay Agape.

"Hoy, kinindat kindatan ko lang naman sila tsaka inakbayan, wala nang iba. Naging friendly lang ako, parang si Samael, friendly" sagot nito.

Walang 'ya, dinamay pa ako. Nanahimik ako rito eh.

"'Wag mo nga bahiran ng kaharutan 'yung pangalan ko" sabi ko nalang habang minamasahe ang kamay ko.

"Noah oh. Sinasabi ko na nga ba, tayo lang talaga ang nagkakasundo dito eh" sabi ulit ni Agape at tumakbo para lang akbayan si Noah na nakaupo doon sa sulok at nagbubuo ng rubik's cube.

Hindi na nagabalang magsalita si Noah, at basta tinanggal ang braso ni Agape na naka-angkla sa batok n'ya, nang hindi manlang tinitignan si Agape.

Dumako naman ang panigin n'ya kay Zaka na nanahimik sa tabi ko, pero hindi n'ya na tinangkang idamay pa si Zaka sa kalokohan n'ya. Kay Zaka lang naman takot 'yang si Agape.

"Can we go out on stage?" tanong ni Elizabeth.

With that, lahat kami nae-excite. Nasa-mood na kaming lahat pumunta sa stage at magperform.

"Kayo nalang muna. I'll go somewhere. Babawi nalang ako mamayang rehearsal"

Binabawi ko na.

Si Zaka nga pala, wala sa mood.

Matapos n'yang sabihin 'yon ay agad na s'yang naglakad paalis. Hinayaan ko na. Ganyan talaga s'ya, kapag iniisip n'ya si Rae.

"Sam, hindi mo pipigilan? Hindi ba malalagot ka nanaman kay Thyrone n'yan?" tanong ni Noah sa'kin.

Oo, totoo, bilang ako ang tumatayong leader ng banda, nasaakin ang responsibilidad na i-handle lahat ng members, kaya lang ayaw ko na munang pigilan si Zaka. Sigurado namang ganyan din s'ya mamayang gabi. Mamayang gabi ko nalang s'ya pipigilan, para may isusumbat akong utang na loob n'ya sa'kin mamaya.

»»»

Pinabayaan lang namin si Zaka, hanggang sa matapos 'yung soundcheck at maging hannggang sa makarating kami sa hotel kung saan kami magpapalipas ng gabi.

Hahayaan ko nalang muna s'yang makapag-isip isip at maging malungkot ng konti.

I am now eating my lunch with Mr. Thyrone Labyrinth in the same table. 'Yung tatlo, nasa separate table.

Alam ko namang sadya 'tong set up na 'to, dahil ganito naman lagi, kapag may pag-uusapan kami nito ni manager.

"Samael, bakit wala si Zaka sa sound check?" deretsong tanong ni Labyrinth saakin. He seemed calm and composed, pero alam kong naiinis s'ya. Nakita ko s'yang pailing-iling no'ng nang makita n'yang kulang kami kanina, kaya alam ko.

New SoundWhere stories live. Discover now