Chapter 84 : Heirloom

169 3 0
                                    

"So, how many trees have you planted?"

Napaangat ang kilay ko sa tanong ni Chic. Marami na siyang tanong na nasagot ko, pero kakaiba itong tanong niya ngayon. We're already at the hotel and well, we're dancing. No, not Phase 3. That can wait. For now, we'll just enjoy first and celebrate our wedding.

Yes! Asawa ko na siya sa wakas. Wala nang lusot, wala nang takas. Sa akin na talaga. Hindi na lang basta selyado.

"Trees? Planted?" napakunot kong tanong. "Hindi ko ma-gets." napapailing ko pang sabi.

Bahagya siyang natawa at idinantay ang ulo niya sa dibdib ko. "You're a Reaper, right?" tanong niya na tiningala ako.

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa tanong niya at parang kumakarera sa pagtibok ang puso ko. Napahinto ako sa paggalaw at napako lang ang tingin ko sa mukha niya. Kasabay na parang nanuyo ang lalamunan ko.

"Ian?"

Napalunok ako at kinalma ang sarili ko. "Y-You have k-knowledge about R-Reapers?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Hmm. Not really." umiiling at nakangiti niya namang sabi. Bahagya naman akong nakahinga sa sinabi niya at muli kaming sumabay sa tugtog. "Naikwento lang ni Red."

"Si Red?!" muli na naman akong napahinto at mariin na napapikit. "Pwede bang umupo na muna tayo sweet?" sabi ko na inakay na siya pabalik sa upuan namin.

Pasimple ko namang sinulyapan si Red at kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na siya. May usapan kami!

"Oo. Nakita ko rin na may tattoo siya sa ulo na katulad ng sayo." sabi ni Chic kaya napahinto ulit ako sa paghakbang at gulat na nailipat ko ang tingin sa kanya. "Ganyan din ang reaction ni Red nung mabanggit ko yung tattoo mo." natatawa niyang sabi at siya na ang humila sa akin pabalik sa upuan namin.

"So you mean, naikwento niya lahat?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"Hmm. Ang sabi niya hindi daw kayo magkakilala. Kasi magkaiba daw kayo ng chapter, base na rin sa pagkakaiba ng initials sa tattoo niyo." nakangiti niya namang sabi. "Sabi niya mahilig daw kayong magtanim." natatawa niya pang dagdag.

Napatingin ako ulit kay Red na ngayon ay nasa table nila at masayang nakikipag usap kila Q. "Magtanim?" tanong ko na kay Red pa rin nakatingin.

Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi ni Chic.

"Oo. Sabi niya palagi daw kayong nag co-community service. Minsan daw nang ha-hunting kayo, o kaya naglalaro, o kaya yung isa pa na sabi niya torture daw kasi makikinig daw kayo ng kumakanta kahit masakit na sa tainga."

"Ha?" lalo lang akong nalito sa sinabi ni Chic. Parang sasabog yung ulo ko dahil hindi ko makuha yung ibig niyang sabihin. "Teka, nalilito ako Sweet. Ano ba yung mga sinabi sayo ni Red?"

"Last year kasi, nakita namin yung tattoo sa ulo niya. Katulad yang sayo. Tapos nabanggit ko na may tattoo ka rin. Ang pagkakaiba nga lang yung initials. Magkaiba nga daw kayo ng chapter kaya hindi kayo magkakilala. Tapos nasabi ko sa kanya kung bakit ka umalis na hindi ko naman talaga maintindihan kung bakit ka umalis. Tapos ayun, dahil gusto kong malinawan, since pareho kayong may tattoo na ganyan sa ulo niyo sinabi niya sa akin. Sabi niya yun nga tawag daw sa inyo Reaper, tapos hindi daw kayo frat. Community daw kayo, tapos may mga assignments daw kayo. Sa pagkaka-alala ko may apat daw, yung blue, torture daw. Kasi makikinig kayo ng kumakanta. Yung red, mang ha-hunting daw kayo. Yung white, maglalaro daw kayo at kailangan daw na manalo kayo, kung hindi kailangan niyo daw magtanim at maglinis. At last yung black, katulad yung nakita ko noon. Blocked out assignment daw yun kasi wala daw time frame. Yun daw yung pinakamahirap. Sabi niya mostly daw is nagtatanim kayo o kaya naglilinis. Yun nga community service." mahabang paliwanang ni Chic.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionOn viuen les histories. Descobreix ara