Chapter 19 : Kabute!

180 2 0
                                    

"Morning bitch!"

Bati ni Gwen na bumeso sa akin at inilapag sa desk ko ang purse ko.

"Morning."

Nakasimangot na naman siya at naka cross pa ang mga braso niya sa dibdib niya habang nakatingin sa akin, kaya napalunok ako. I need to explain!

"Uhm, the other night—"

"No need to explain. Alam na namin. Nakita ka namin!" sabi niyang inirapan ako at umupo na rin sa cubicle niya.

Shit! Nakita nila? Alam na nila?!!

"A-Alam niyo na?!"

"Oo, alam naming sumama na naman ang tiyan mo kaya bigla ka na namang nawala. Nakita namin na Bicol Express yung inorder mo noong lunch. Bakit ba kasi ang hilig mo sa may gata?" nakakunot ang noo na tanong niya pero hindi nakatingin sa akin.

Whew! Akala ko naman nakita nila na in snatch ako ni Da— este Ian.

Hindi naman na ako sumagot pa sa tanong niya dahil busy na ang isip ko sa pag iisip kung paanong hindi nila ako uuriratin sa pagkawala ko. Hindi nila pwedeng malaman na may nangyari sa amin ni Da— este Ian! Dahil katakot takot na tukso ang aabutin ko sa mga bitches! Lalong lalo na kay Red!

And I'll do all my best para hindi nila malaman. At dapat lang na hindi na nila malaman.

***

It's another Saturday night out at heto na naman kaming lima. Well, lima. Ako, si Ems, si Gwen, si Red at si Rave, dahil wala na naman si Jana. For some reason na hindi daw ito makakarating.

Last Saturday, hindi kami nakalabas dahil nag meet d' friends pala si Red sa mga friends daw ni Rave. And guess what? They're already living together!

Kaya ito, mas lalo silang naging madikit! Grabe, lumandi na rin si Rave! Kung dati pangiti ngiti lang siya sa kalandian ng girlfriend niya, ngayon pati siya malandi na rin!

Ang dami nilang alam! Kaya kami naman nila Ems ay napapailing na lang sa kalandian ng dalawa. Hindi na sila mapigilan, ayaw naman kasi magpaawat! Kung dati yakap-yakap, bulong-bulong, holding hands lang sila sa aming harapan. Ngayon, may tukaan na ring nagaganap! Napaka nilang dalawa!

"Tingin niyo, naaalala pa nang dalawang yan na kasama nila tayo?" pabulong na tanong ko sa dalawang nasa gilid ko.

Kung dati katabi ni Gwen ang dalawa, ngayon sa akin na siya tumabi. At kung dati rin nagso solo si Ems sa couch, tumabi na rin sa akin ngayon. At para kaming nanonood ng lampungan marathon dahil sa ginagawa ng dalawa sa harap namin!

"Tara na lang sa dance floor. Feeling ko 10 years old ako ngayon, at pupukpukin ako ng Daddy ko dahil nanonood ako ng ganito!" pabulong na sabi ni Ems.

"Mabuti pa nga. Tara bitch!" sabi naman ni Gwen.

Tumayo na nga kaming tatlo at hindi nga kami talaga napansin nang dalawa. Sige lang sila sa landian nila!

Katulad nga ng mga nakaraang labas namin, pagdating namin sa dance floor, ilang saglit lang ay may kanya kanya na kaming partners.

Natanaw ko pa ang dalawa na masayang nakikipag usap sa mga kasayaw nila kaya naman in-enjoy ko na rin ang gabi. Maayos naman ang kasayaw ko ngayon. Sakto lang, may kayabangan pero di sing yabang nung Sky at medyo bastos, pero di sing bastos nung Gin. Medyo nice guy din, parang si Marco.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now