Chapter 74 : Photographed

91 3 0
                                    

I am left empty handed.

Akala ko pa naman magiging maayos na ang lahat. Akala ko lang pala...

Ang saya ko pa pagkababa ko ng eroplano eh. Pero pagdating ko sa org, hindi lang ako basta nabasag, kundi nadurog. Durog na durog at pinong-pino. Hindi niya ako hinintay. Hindi nila ako hinintay.

Muli na lang akong napailing matapos isang tunggahin ang alak sa baso ko nang maalala ko ang sinabi ni Jarred nong tanungin ko siya.

"They went home three weeks ago. She said that, she needs to prepare. For her wedding."

For her wedding...

Ptangina, ang sakit! Ramdam ko naman na ako pa rin eh! Pero bakit siya magpapakasal sa iba?!

"Alak pa?"

Napatingin na lang ako kay Grayson at bahagyang tumango. Sinalinan niya naman ang baso ko na napapailing sa akin.

Ayokong pumunta kay Black. Siguradong nandoon na naman sa kanila ang mga kaibigan ng asawa niya. Kaya dito ako dumiretso sa bahay nilang mag-asawa para maglabas ng hinanakit, matapos kung manggaling sa bahay nila Chic.

"Peste kasing council yan eh! Tngina talaga!" muli na namang himutok ko at inisang tungga na naman ang nasa baso ko.

"Tsk! Tsk! Tsk!" umiiling na naman na nagsalin si Grayson sa baso ko. "Ganda nga ng dalang balita tol, yan naman ang kapalit. Nahuli ka lang ng tatlong linggo."

Napadukdok na lang ako sa mesa para itago ang mga mata ko. Ayokong umiyak sa harap nilang mag-asawa. Tngina, nakakabakla!

Ni hindi ko man lang alam kung saan ko siya hahagilapin ngayon. Kahit na si Vi, walang alam kung nasaan siya. Nagpunta ako sa kanila para magtanong pero ang ganda ng bungad ng maid.

"Pasensiya na po Sir, hindi po kasi kayo pamilyar. At kabilin-bilinan po ng mga amo ko na, kung may maghahanap ay wag sasabihin kung nasaan sila. Lalo na kung hindi naman po kilala."

Matapos ay bigla na lang akong tinalikuran. Walang lingon-likod na iniwan akong nakatanga sa labas ng gate.

"Kaya mo yan, pare. Kapag nakita mo ulit, itakas mo na. At wag na wag mong kakalimutan yung anak niyo." sabi ni Grayson na tinapik pa ako sa balikat.

"Kasal na siya. Paano pa?" napasabunot na lang ako sa ulo kong kanina pa magulo.

"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga kaibigan niya?" tanong ni Vi kaya napaangat ang ulo ko at tumingin sa kanya.

Umiling ako at muli na namang tinungga ang baso ko, na sinalinan naman agad ni Grayson. "They're not her real friends."

May mga kaibigan bang pandidirihan ka? Ang totoong kaibigan tatanggapin ka kahit na sino ka pa. Kahit isa kang tanga!

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now