Chapter 18 : Duck Face

166 6 0
                                    

Pakiramdam ko may ngumunguya sa bibig ko. At halos magkandaduling naman ako sa namulatan ko. Si Dave na nakapikit na siyang ngumunguya sa akin!

Naramdaman niya yatang gising na ako kaya naman dahan dahan siyang nagmulat at nasalubong ko ang berdeng mga mata! Why? Hindi ko napansin noon na ganito ang mata niya?!

Alam niyo, ngayon ko sasabihin! Mapagsamantala nga siya! Nakikipagtitigan pa siya sa akin habang wala siyang tigil sa paglantak sa bibig ko! At sinipsip pa nga!

"Good morning sleeping beauty, breakfast is ready." at muli na namang sinipsip ang bibig ko! Bastos!

Humalik siya sa pisngi ko bago siya tumayo at hubad barong nakapamulsa habang nakatingin lang sa akin. Pagkatapos ay napailing.

Ako naman ay hindi makakilos. May nangyari na naman ba kagabi? Bakit wala akong naramdaman?!

"Sumunod ka na lang sa baba, kung gusto mong kumain." pagkasabi niya ay tinalikuran niya na ako. Habang ako natulala na lang. Dahil nakita ko na naman ang malaking dragon! Yung dragon sa likod niya!

Anong nangyayari?!

Nang marinig kong sumara na ang pinto ay para akong nagising sa pagkakahipnotismo. Agad kong tinignan ang sarili ko. I'm fully clothed at nasa gitna ako ng— kama?

Paano ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko kasi, nasa couch ako kagabi.

Siguro dumating yung boss tapos wala sa mood kaya walang nangyari? Ganon siguro. Ah bahala na! Gutom na ako. Might as well bumaba na rin diba?

Pumasok ako sa bathroom at inayos na ang sarili ko. Pagtingin ko sa mukha ko sa salamin, bahagyang maga ang nguso ko. Gaano ba ako katagal pinapak ni Dave?! Ang hilig niyang magpamaga ha?

Lumabas na ako ng kwarto at ng sala. At naglakad na rin sa hallway hanggang makarating ako sa malaki at malawak na hagdan.

Ang ganda ng lugar na to. Pang fairy tale. Feeling ko talaga ako si Belle habang bumababa ako sa malawak na staircase.

Napatingin ako sa kabilang side at may hallway din doon. West wing kung tawagin, dahil obviously galing ako sa east wing. Sobrang yaman naman nong dragon na may ari nito.

Nasa tuktok ng burol tapos mala kastilyo sa laki ang bahay. May malalaki ring chandeliers, floor to ceiling din ang mga glass windows. Paano kaya nalilinisan ito? Eh para namang walang mga maids dito. Ang tahimik nga eh.

Nang makarating na ako sa pinakapuno ng malawak na hagdan, doon ko naman naalala na hindi ko alam kung saan ang kitchen or dining. Palinga linga ako at pakiramdam ko talaga maliligaw ako sa lawak nito.

"U-Uhm, Dave?!" pasigaw na pagtawag ko habang palinga linga. Kasi hindi ko talaga alam eh.

Walang sumasagot. Kaya naglakad ako papunta sa kaliwa, at muling nagtawag habang palinga linga.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now