Chapter 75 : Official

102 3 0
                                    

"Eh, pasensiya na po. Nasa set pa po kasi si Ms. Red."

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi ng babae. Ito daw ang P.A. ni Red.

"Pakisabi importante lang. Kailangan ko lang talaga siyang makausap." pamimilit ko at pati ang babae ay napapakamot na rin sa ulo.

"Eh, titignan ko—"

"Maghihintay ako dito. Sige na Ms. Importante lang talaga."

"Sigurado po ba kayong kilala kayo ni Ms. Red?" alanganin ang pagkakatingin nito na tanong sa akin. Tumango naman ako at nakangiwi siyang tinignan ako mula ulo hanggang paa, pabalik sa mukha ko at napailing.

"Tsk! Sandali lang po." pagkasabi ay agad itong tumalikod pabalik sa kabahayan.

Muli na namang humarang ang dalawang mukhang bouncer sa harap ko. Masyado kasing maskulado, mukhang mga body-builders. Mga bodyguard cum driver naman daw sila ni Red. Naka-cross pa sa mga dibdib ng mga ito ang mga braso at sa paraan ng pagtingin nila sa akin eh, para bang minamaliit nila ako.

Kung alam niyo lang, kaya ko kayong patulugin ng walang kahirap-hirap!

"Babanatan ko na yang dalawang yan!" pabulong na singhal sa akin ni Grayson na bahagya akong hinila.

"Pabayaan mo na. Ginagawa lang nila ang trabaho nila." balik kong bulong sa kanya.

"Tsk!" sumandal na lang si Grayson sa kotse niya kaya nakisandal na rin ako. Inabutan niya naman ako ng sigarilyo kaya pareho na kaming bumubuga ngayon. Pampalipas-oras.

"Pano yan tol, kung kasal na nga? Paano ka niya matutulungan?" tanong niya matapos magbuga ng makapal na usok.

"Hindi ko rin alam. Pero sana nga may maitulong siya." napapailing na sagot ko bago humithit.

"Pwede mo namang magawan ng paraan yan. Abugado ka. Pwedeng-pwede mong makuha yung anak mo."

"Hindi lang yung anak ko ang gusto kong makuha. Silang dalawa. Yung mag-ina ko ang gusto kong mabawi."

"Pero kapag wala ka ng choice, sundin mo yung sinabi ko. Itago mo sa org, siguradong walang makakahanap sa kanila. At hindi rin sila makakalabas." natatawang sabi ni Grayson na tinapik pa ako sa balikat.

Napangisi ako sa sinabi niya at napatango. "Yun nga siguro ang magiging last resort ko kapag nagkataon." sabi ko bago humithit at bumuga ulit.

Ang council, hindi nila ako pinayagang makaalis. Pero hindi na nila kami bibigyan ng mga assignments. Inabot ako ng isang buwan sa pakikipag debate sa kanila. Tig-iisang linggo sa bawat HQ!

Kailangan nila ako at ang grupo ko na ipagpatuloy ang pamamahala sa org. Kung ipipilit ko ang tumiwalag, hindi ko kakayanin ang magiging kapalit. Lahat posible sa kanila, lahat nagagawan nila ng paraan. Isang pitik lang ang mga utos nila at siguradong susundin sila ng lahat ng tauhan sa org. Hindi ko sila kakayaning harapin lahat.

Muli sana akong sisindi ng sigarilyo ng bumalik yung P.A.

"Sumunod po kayo sa akin." pagkasabi niya ay agad siyang tumalikod.

Tinapik naman ako ulit ni Grayson sa balikat. "Hintayin na lang kita dito tol."

"Sigurado ka?" nakangisi kong tanong sa kanya na tinanguan niya. "Takot ka lang eh!"

"Ulol!"

Natatawa na lang akong sumunod na nga sa babae pero nakaka-tatlong hakbang pa lang akong nakakalagpas sa dalawang bodyguard ay naramdaman ko na agad silang sumunod sa likuran ko.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now