Chapter 61 : Can't Feel It

98 2 0
                                    

"Sa isip mo'y yakap pa siya... Sa puso mo'y walang iba... Mananatiling si Ian ang kapiling, kahit na sa isip mo na lamang..."

Napairap na lang ako kay Red dahil sa pakanta kanta niya at pagkala kalabit sa baba ko. Pataas taas pa ng kilay ang bitch!

Habang hagikgikan naman nang hagikgikan ang tatlo. Enjoy na enjoy sila sa pang aasar sa akin ni Red!

Nandito kami sa Bohol for our gown and suit fitting. At walang ibang ginawa ang mga bruha kundi enjoy-in ang pang aasar sa akin. Simula nang mabuhay sa topic si Ian ay ako na ang favorite asarin ni Red. At alam na rin ng tatlo ang sikreto ko! Hindi talaga naawat ni Red ang bibig niya!

"Mag isip-isip, isa dalawa tatlo. Tama ba ang ginagawa mo?" pakantang gatong naman ni Meg na itinuro pa ako.

"Trying hard ka teh! Di bagay sayo!" umirap na sabi ko sa kanya. "Ilang ulit na akong nakapag isip. At isa pa, hindi ko kailangang mag isip. Wala kayo dito ngayon kung hindi tama ang ginagawa ko." dagdag ko pa.

"May kalahating taon ka pa, para umatras bitch!" sabi naman ni Q.

"Bakit naman ako aatras? Desidido na ako, kaya pwede tigilan niyo na? Kahit ano pang mangyari, pakakasalan ko si Brian."

"Kahit hindi mo siya mahal?" sabay-sabay na tanong nilang apat.

"Mamahalin ko rin siya."

"Hayh naku! Ang tigas mo talaga! Kung anong lambot ng katawan mo sa pagsayaw, siya namang tigas ng ulo mo!" sabi ni Red na dinutdot pa ang sintido ko bago humalukipkip.

"Wala na nga kasi kayong magagawa. Tsaka tigilan niyo na please? Mamaya may makarinig pa niyang mga sinasabi niyo." sabi ko na napatingin sa sala.

Nasa garden kasi kami at tanaw mula doon ang sala. Nandoon ang mga boys na siyang sinusukatan ngayon. Habang ang mga bata naman ay nasa playroom kasama ang mga nanny nila.

"Buti okay lang sa kanya kahit hindi mo siya, alam mo na?" tanong ni Aya na pinaghugis puso pa ang mga kamay niya

"Meron naman eh. Hindi lang siguro kagaya ng dati." pag amin ko sa kanila.

"Sana maging success ang wedding niyo. Pati na rin ang married life niyo." sabi naman ni Meg na nakapangalumbaba pa sa mesa. Bundat na naman ang loka!

"Kaya nga." sabay na sabi naman ni Q at Aya.

"So nagawa niyo na ba ni Brian?" tanong naman ni Red na muli na naman akong kinalabit.

"Nagawa ang alin?" nakakunot kong tanong sa kanya.

"Yung ohhh... At ahhh...?" kumindat niyang sabi at kumagat labi.

Napairap na naman ako sa kanya habang humagikgik na naman ang tatlo. Puro siya kalandian!

"Oo nga. Nagawa niyo na ba?" tanong din ni Meg na ang lawak ng ngisi.

"Pwede tigilan niyo ko?!" pagmamataray ko sa kanila na lalo lang nilang ikinatawa.

"Wag mong sabihing kahit minsan hindi niyo pa nagawa. Ang tagal niyo nang magkasama." sabi naman ni Aya.

Malakas namang natawa si Red kaya pati yung mga nasa loob ng bahay ay napalingon sa amin.

"Ano ba? Tigilan niyo na nga yang katatanong. Ang lakas pa nang tawa ng gaga na to!" sabi ko na dinuro pa si Red.

"Hindi na ako magtataka kung kahit minsan hindi pa nila nagagawa." sabi niya na pinipigilan ang tawa. "Sa loob ng tatlong taon ni hindi ko nga sila nakita o nasilip man lang na nag kiss. Wala man lang 'I love you too'."

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now