Chapter 68 : The Bomb

96 4 0
                                    

'Oh stop turning back, just keep your eyes on me
I said you're holding back,
she said shut up and dance with me
This woman is my destiny, she said ooohhh...
Shut up and dance with me...'

I'm already at the toll fee way of NLEX nang mag ring ang phone ko. Kinuha ko yon sa dashboard and it's Vi who's calling.

"Yep?" I said after I slide the answer button.

"Just finished meeting with Architect de Castro and her team. They presented three layouts, and I can say that all these three are great. But I still need your opinion about this, so they can proceed to the construction of the resort."

"I'm heading at the shop. Meet me there, then I'll check those layouts." sabi ko sa kanya nang makalagpas na ako sa toll fee.

"Alright." pagkasabi niya at ibinaba niya na agad ang tawag.

Vi became my business assistant since I decided dealing with real business. She'll do all the meetings, hiring people and what I just have to do is to approve the plans and proposals then they'll start building.

Papasok na ako sa EDSA nang tawagan ko naman si Black para makipagkita sa shop.

"O! Buhay ka pa pala!?" bungad niya sa akin nang sagutin niya ang tawag.

"Malamang buhay pa ako. Hindi mo ako makakausap ngayon kung patay na ako. Sira ulo!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Saan ka na naman ba nag lungga?! Matapos mong mag walk-out na out of reach ka na naman! Tagal mong nagtago ha!"

Natawa naman ako sa sinabi niya at napailing. "Nag soul-searching lang."

"Ulol! Nag emote kamo! O eh anong ganap at napatawag ka?"

"Papunta akong tambayan ngayon. Kita na lang tayo doon saka ako magsasalita!" nakangisi kong sabi.

"O sige-sige! Hatid ko lang itong mag-ina ko kila Kryzz. Mga gala eh!" natatawa niya namang sabi sa kabila.

"Sige! Papunta na rin don sila Vi."

"Sige tol! See you!" sabi nito at ibinaba na rin ang tawag.

Muli kong ibinalik sa dashboard ang phone at nag focus sa pagmamaneho. Matapos ng nangyari sa Pangasinan ay iniwan ko sila at nag sarili na lang sa pagre relax. Mas nakaka stress yung mga ganong klase nang tao! Kaibigan kapag nakaharap, pero kapag nakatalikod ka na, mga wala pa lang kwenta!

Hindi naman sinasadyang nakahanap ako ng magandang beach lot na ibinibenta doon, kaya napili ko na lang ding pagbuhusan nang panahon. Sa loob nang mahigit isang buwan ay si Vi lang ang naging contact ko.

At napag isip-isip ko na rin na bigyan na nang ibang pagkakaabalahan ang sarili ko. I need to stir my thoughts away from those questions. Dahil kapag ipinagpatuloy ko, baka magising na lang ako isang araw nasa loob na ako ng mental!

Because it's too impossible to happen. She was taking pills back then, so it's impossible for me to impregnate her. After all, I didn't see any signs that she's mine. I can't tell that she got my eyes, as the guy have it too.

But still, my hopes are trying to build up because of what I felt. And I'm trying to break down those hopes, because I know, at the end, there's nothing to hope for.

Lumiko ako pakaliwa nang marating ko ang intersection at kumanan naman sa isang kanto kung nasaan ang shop. Kababa ko lang ng sasakyan nang sabay namang dumating sila Black. At napakunot ang noo ko nang makita kong si Grayson lang ang bumaba.

"Si Vi?" bungad ko nang magkalapit kaming tatlo.

"Sinumpong! Grabe yung asawa ko, ang moody!" salubong ang kilay na sabi niya na may iniaabot sa akin.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now