Chapter 46 : Isa pa...

116 4 0
                                    

The whole holiday went fine. We welcomed the New Year na dalawa lang kami sa bahay. Pero masaya pa rin naman. Doon ko lang nakita na may malawak pa palang backyard ang castle.

Sa gitna pala nang malawak na staircase ay pinto. Akala ko ay wood carved design lang na nakalagay sa pinakagitna.

May malawak na swimming pool na may automated cover. Ang ganda talaga! Well maintained naman pala kahit palaging walang tao. May pool house din na may top deck. Parang helipad ang dating.

Sobrang yaman pala talaga nang kuya ni Ian, na minana na niya. Kaya pala kahit hindi siya magtrabaho ay may continues income siya.

Parang si Daddy din, may mga ibang shares din sa kung saan saang company si Heath. At karamihan sa mga yun, offshore investments.

Hindi pa rin ako makaget over sa ikinwento ni Ian tungkol sa love story ni Heath at Xen. Ang malungkot lang, yung pagkamatay ni Heath, ganon din ang naging pagkamatay ng Daddy ko.

Hindi kaya ganon talaga ang fate nang mga lawyer? Nababaril sa ulo? Paano si Ian? Lawyer din siya. Parang ayokong isipin na magiging kapareho niya nang kapalaran si Dad at Heath.

Baka matulad ako kay Xen!

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang itsura ni Xen. Wala daw picture niya si Ian. Natatakot naman na akong bumalik sa west wing at baka bigla akong multuhin ni Heath kapag bumalik ako doon at mag usisa.

Gusto ko nga sanang tanungin si Black kung kaya niyang i drawing si Xen dahil nakita niya na ito, kaso busy naman sila sa pag aasikaso nang kasal nila ni Shy. Nakapaghanda na pala si Black at ang pag 'Oo' lang ni Shy ang kulang. Lalo pa ngayon, katatapos lang nang kasal nila. At heto na nga kami ni Ian, pauwi na.

Ako naman ang ginawa nilang maid of honor at siyempre, si Ian ang best man ni Black. Maganda rin ang kinalabasan ng kasal kahit ang mga suits at gowns. Readymade pero ang galing nang taste ni Black!

Kakaiba rin ang kasal nila dahil black ang motif nila. Pero siyempre, white pa rin ang gown ni Shy. Pero ang bouquet niya, black roses! Ang ganda talaga! Kaya naman ang buntis, sayang saya.

Kapag handa na kami ni Ian, ang gusto ko namang motif ay cream white and avocado green. Siyempre, gusto ko namang flower arrangement ay white and green roses. Ang bongga diba?! Kayang kaya ni Ian yun! Hahaha!

Gabi na nang makarating kami sa bahay at katulad nang nakasanayan, magkahawak kamay kaming umakyat sa hagdan.

Napapasulyap na lang ako sa madilim na hallway ng west wing. Na agad ko namang binabawi dahil pakiramdam ko may nakatingin mula doon. Nananayo tuloy ang balahibo ko!

Nang makarating kami sa room ay agad naman akong nagbura nang make up, naglinis nang katawan at nag bihis.

Iba pala kapag umaga ginaganap ang kasal. Ayaw daw kasi ni Black na mapuyat ang kanyang asawa. Tapos nag beach wedding pa sila. Kaya ayun, maaga pa lang bumyahe na kami ni Ian papuntang Subic.

Pero kapag kami ang ikinasal ni Ian, church wedding ang gusto ko! Iba pa rin kapag sa simbahan ikinakasal.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now