Chapter 6 : Ugly Truth

252 5 0
                                    

"I love you, babe..."

Those words kept me awake last night. I don't know what he really means with that. Well, the words are not clear and I'm not sure if that is the right words that he whispered.

Brian and I never exchanged I love yous before. But those words made their way to my heart. And it's like a cloth that wipes off the steam in the mirror.

Kaya walang nagtatagal na relasyon sa akin. Kung bakit tila hindi ako affected sa paghihiwalay namin ni Jorge. Because I've been contented with Brian's presence. I've been loving him ever since!

I never got sleep since last night and I'm just staring myself in the mirror. Yes, nanlalalim ang mata ko. Which is a clear evidence that I didn't get a goodnight sleep.

Ngayon na ang alis ni Brian at ihahatid ko siya sa airport. Mom can't come at si Marc ang maiiwan na kasama niya.

Pero tama ba yung pag assume ko na we have the same feelings? Maybe he didn't mean it like that. Maybe he just said those words as my sibling. We were separated for four long years.

A knock on the door pulled me out from my thoughts.

"Ate! Nandiyan na yung taxi. Alis na kayo ni kuya." sabi ni Marc na siyang kumatok.

"Oo, susunod na ako!" sagot ko at kinuha ulit ang brush at muling sinuklay ang buhok ko.

I didn't put any make ups dahil baka mamaya maiyak ako ulit katulad ng paghatid namin sa kanya four years ago.

Nang makababa ako ay nagpapaalaman sila ni Mommy. She is crying again dahil ilang linggo lang nag stay sa Pilipinas si Brian. At bibilang ng taon bago na naman namin siya makakasama.

Marc just walked in kasunod ang dalawang maids at mukhang isinakay nila sa taxi ang mga bagahe ni Brian.

"I'll wait you in the car." sabi ko kay Brian dahil ayaw pang kumalas ni Mommy at rinig ko pa ang mga paghikbi niya. Tinanguan lang naman ako ni Brian habang pinapatahan niya si Mommy.

May kabuhayan pa rin namang naiwan sa amin si Daddy. We have farms here na ang mga kapatid niya ang namamalakad. Halatang handa siya sa anumang mangyayari sa kanya at sa mga maiiwan niya. He didn't left us empty handed.

May share pa rin siya sa firm sa Manila and also some shares in a couple of companies. So we're not worried na maghihirap kami.

Siguro ganon nga talaga ang buhay ng isang lawyer. Katulad ng isang nanganganak, nakabaon na ang isang binti sa lupa. However, in my Dad's case noong nabubuhay pa siya. Hindi lang isang binti ang nakabaon, kundi kalahati ng buhay niya.

That's just how life can easily be taken away, in just a snap of a finger. One second you're breathing, the next your already buried six feet on the ground.

"Hey..."

"Okay na si Mommy?" tanong ko kay Brian na kasasakay lang.

"Manong tara na po." sabi niya sa driver bago bumaling ulit sa akin. "Well, she's still crying but I can't be late. Maiiwan ako ng plane." nakangiti niyang sabi. Napangiti na lang din ako at bahagyang tumango.

I didn't try to open any topic dahil ayaw kong maungkat yung kagabi. I can't cry right now. And I don't want him to know na narinig ko or I assumed, whatsoever of the words that he said.

I'll just leave it as it is. It will complicate everything between us if we are on the same page. And there'll be no way that it will work for us. Everybody will be against it!

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now