Chapter 13 : Sky x3

185 4 0
                                    

I've been scanning my dresses for almost an hour now. I'm still on my lacy underwear and strapless bra, my hair's with rollers and well, I already done putting my make up. My problem is, what should I wear?

The blue one? Black? Red? What?

Ngayon kami lalabas ulit nila Red at mag a alas diyes na ay wala pa rin akong mapili. Umupo ako sa kama at nakahalukipkip na nakatingin sa bukas na cabinet.

"Siguro dapat mas bumili pa ako noong minsan eh. Hayh, ano ngayon ang susuotin ko?"

Wala na akong choice! Ayokong ma late. Or else, I'll be punished!

Kinuha ko na sa cabinet ang maroon colored haltered dress na 2 inch above the knee. Off shoulder na umabot hanggang siko ang sleeve. Then I wore my high heeled royal blue velvet stiletto.

Nang makapagbihis na ako ay nagwisik na ako ng pabango at inalis na rin ang roller sa buhok ko.

"Perfect!" kumindat pa sa salamin na sabi ko.

I grabbed my purse at lumabas na nang unit ko. I still have 20 minutes left and I'm sure that I'll be there in time.

Nang makababa ako ay swerte namang may napara ako agad na taxi at agad na nagpahatid sa Poison.

At exactly 10 ay nasa loob na ako nang Poison at natatanaw ko na si Gwen sa usual seat namin. Malapit na ako sa table nang mapahinto ako sa mainit na kamay na humuli sa kanang kamay ko.

Is it him?!

Nanlalaking matang bigla kong nilingon iyon at nakangiting mukha ang nakita ko.

"Hi bitch!" pagkatapos ay bumeso siya sa akin. Si Ems lang pala!

"H-Hi bitch!" sabi ko na lang din.

"Anyare sayo? Para kang nakakita ng multo?" tanong niyang umabri siyete sa akin at sabay na kaming lumapit sa table.

Sa puti mo, hindi ka lang basta multo! You're a White lady! Glow in the dark ka teh!

"Hey bitch!" sabay na bati namin kay Gwen na nasa table at nakipagbeso.

"Hello bitches! Paparating na rin si Red!" sabi niyang bumeso sa amin. "Oh! Ayan na pala sila!" kaya naman sabay sabay kaming napalingon at andon na nga ang mag jowa. Kapit kamay ang dalawa at ang sarap ng ngiti ni Red na kumaway sa amin.

"Hello bitches!" bati ni Red bago bumeso sa amin.

"Hi girls!" bati din ni Rave. Siyempre, nakipagbeso din ako sa kanya! Haha!

"Wala pa si Jana?" tanong ni Red na umupo na sa pwesto nila ni Rave.

"Baka parating na rin yon. Pero kung male late, punishment, punishment, punishment." nakangisi kong sabi bago sumenyas sa waiter para umorder.

Dumaan ang isang oras at walang Jana'ng dumating. Nag-text ito na hindi daw makakarating dahil hindi pa rin daw dumarating si Papsie.

"Okay. If that's the case then, let's just enjoy the night. Baka naman next weekend pwede na siya." sabi ni Ems habang hawak ang glass niya.

"Okay, tara na sa dance floor!" hyper na yaya ni Red na agad tumayo at hindi mabitaw bitawan ang kamay ni Rave.

I'll share you a trivia. Noong wala pang jowa itong si Red, siya ang sapilitan naming niyayaya na sumayaw. At kapag nayaya naman namin, ayaw humiwalay kay Jana. Ngayon naman siya pa talaga ang nauunang pumunta sa dance floor! Makapanantsing lang sa Ooh-lam niyang boyfriend!

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now