Chapter 79 : Hindi Lang Ikaw

99 4 0
                                    

I'm still thinking about what happened last night. Kung paanong napunta doon si Ian. Kung paanong nandito sila Red ng walang nakakaalam. Tinanong ko yung mga maids kanina ang sabi hindi daw nila alam na nandito yung tatlo kahapon.

After what happened with Ian and I, umalis na ako ng hotel. And fortunately, hindi niya nalaman na umalis na ako dahil hinintay ko siyang makatulog. He's crying so hard last night, and I didn't expect that I'll see him in that state. It broke me. And it hurts three times more dahil ako ang dahilan.

Mahal ko naman siya, but I already made up my mind. Its not that I'm choosing Brian over him. But I chose Brian over me. Over my happiness.

Masyado nang maraming nagawa si Brian para sa akin, sa amin ng anak ko. And I think it just right to return those favors by marrying him. Make him happy. Own me.

Pinatay ko na ang shower at ibinalot na sa katawan ang towel bago lumabas ng bathroom. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay naririnig ko nang nag iingay ang phone ko. Kaya imbis na dumiretso sa closet ay kinuha ko na muna ang phone sa handbag ko na nasa lapag pa. Nahulog kagabi nang bigla na lang akong snatch-in nila Red!

Napatirik na lang ang mata ko nang makita ko kung sino ang caller.

"Speaking of the evil btch!" sabi kong in-slide na ang answer buton bago itinapat sa tainga ko.

"Problema mo?!" masungit na bungad ko sa kanya. Naiinis ako dahil sa ginawa nila sa akin kagabi. Naiinis nga ba?

"Ang sungit naman ng bungad? Bitin ka ba kagabi? Balikan mo nandon pa siya sa hotel!" sabi niya pagkatapos ay tumawa.

"Walang nangyari sa amin!"

"Sinong niloko mo?" tatawa niyang sabi kaya napairap na lang ako sa hangin.

"Bakit ka ba tumatawag?" tanong ko na ni-loudspeaker ang phone at naglakad na papuntang closet para makapagbihis.

"Ah oo, yun nga kasi may itatanong ako sayo." sagot niya naman.

"Oh ano na namang itatanong mo?" tanong ko sa kanya habang nagsusuot na ng undies ko.

"Saan ka ipinanganak?"

Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Ano na naman kayang nakain ng gaga na to at kung anu-ano na naman ang tanong?

"Bakit mo naman naitanong yan?" balik-tanong ko sa kanya.

"Ako ang nagtatanong dito kaya wag mo akong sagutin din ng tanong. Saan ka nga ipinanganak?"

"Sa Hopeful Beginnings Cradle of Angels." sagot ko naman para manahimik na siya.

"Cradle of Angels, sa Pampanga?" tanong na naman niya.

"Oo." simpleng sagot ko na isinuot na ang shirt at shorts ko.

"Are you aware that, Cradle of Angels is an orphanage?"

"Of course I am!" natatawa kong sabi sa kanya na kinuha na ang phone at lumabas ng closet habang tinutuyo ang buhok ko.

"Are you adopted?!" parang gulat na tanong niya dahilan para matawa ako.

"Gaga, hindi no! Sabi ng Daddy ko, doon daw ako ipinanganak ni Mommy. Doon daw kasi lumaki si Mommy." natatawa kong sabi na umupo na sa harap ng vanity mirror.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionOnde histórias criam vida. Descubra agora