Chapter 20 : The Plan

171 2 0
                                    

Nakahiga lang ako at nakikipag titigan sa kisame. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari last week.

Oh! Yeah, it's Saturday night pero wala kasi kaming night out ngayon. Wala ulit si Red dahil may outing daw sila. Alam niyo yun? Simula nang mag live in sila ni Rave palagi na lang may lakad ang bitch. Last month nag Bali sila, out of the country. Ngayon naman nag Puerto. Nag beach ang bitch!

Well, balik tayo. Last week kasi diba bigla na lang nawala si Ian. Iniwan akong mag isa sa castle niya. Ang hindi ko makalimutan, yung sumundo sa akin!

Ang ganda nung girl! To the highest level! Saan ka makakahagilap ng babaeng violet ang mata? Tapos mukha siyang model ng leather! Kasi naman all black leather ang suot niya. May coat pa. Parang si Serena ng Immortals ang get up niya. Akala ko nga sasakmalin niya ako sa leeg eh!

Mukha nga siyang naligaw kasi, sa init ng weather sa Pinas, nakuha niya pang mag thigh length boots at leather.

Mukha at leeg lang ang nakita ko sa kanya at sobrang puti niya. Parang sing puti ni Ems. Tapos ang ganda ng hair niya! Big waves tapos kulay dark grey! Hindi pangkaraniwan. Basta kakaiba, kahiyahiya naman sa kanya dahil ako normal lang. Alam niyo yun?

Sino kaya yun? Hindi man lang siya nagpakilala sa akin at ang isa pa, hindi man lang ako kinausap. Ang sabi lang sa akin, 'I'm here to fetch and send you home.' pagkatapos wala nang usap. Kakaiba din yung boses niya. Parang hindi talaga makatotohanan! At alam niya rin kung saan ako nakatira!

To the highest level din ang ganda ng kotse ng girl! Lamborghini! At to the highest level din ang lamig ng aircon niya! As in! Nangatog ako teh!

Baka jowa yun ni Ian. Imagine, pareho silang may kakaibang kulay ng mata. Parang si Red din, hindi rin pangkaraniwan ang pagka brown ng mata niya.

Hayh! Sana kakaiba din ang kulay ng mata ko, ang cool kasing tignan eh!

Since wala kaming night out ngayon, ligtas ako sa snatch an! At nag iisip ako kung paano ko bang malulusutan ang Ian na yun sa pang i snatch sa akin. Dahil paniguradong one of these days ay mabubuko na ako. At yun ang ayokong mangyari! Mauungkat lahat, lalong lalo na yung pananamantala ko! Nakakahiya!

Iba na kasi tumingin si Red eh. Alam niyo yung para niyang binabasa yung isip ko. Parang bawat pulso sa katawan ko kayang kaya niyang alamin. Hayh, I need to do something!

Ding!

Nawala ako sa pag iisip nang bigla na lang tumunog ang phone ko. Message alert tone lang naman.

From: +63936*******
Hi Chic! Can I dance with you later?

Ay! Sino kaya to?

Dance with me later? Dance with me kung nandito ako sa condo ko and wearing a t-shirt and underwear?

T-shirt to ni Ian! In snatch ko rin! Hahahahaha!

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now