Chapter 71 : I Know

101 3 0
                                    

Nakangiti na lang akong lumabas ng magandang bathroom. Dahil hindi ko alam kung gaano kami katagal dito at kung anong oras babalik si Jarred ay naisipan ko na lang na ayusin ang mga gamit namin.

Pero bago pa man ako makalapit sa luggage na nasa pinto ay hindi ko mapigilang hanapin kung saan nanggagaling yung pamilyar na amoy. Malapit kasi sa pinto yung amoy eh.

Nandoon pala sa corner table. May scent diffuser. Pero pamilyar talaga siya sa pang-amoy ko. Nilapitan ko yung table at pumikit para alalahanin kung saan ko ba naamoy iyon. Dahil feeling ko kasi, palagi kong naamoy yun eh. Hindi ko lang ma-pinpoint.

Nakakunot na lang ako at napailing na nagmulat ng mata. "Hindi ko talaga maalala." sabi ko na napahila sa drawer ng table.

"Tsk! Kaya naman pala pamilyar! Yung Love Fume pala na in-endorse ni Red minsan." sabi ko na kinuha ang pabango na nakalagay sa drawer. At nag spray sa sarili. Kaamoy ko na si Red! Hahaha!

*Buzzzzzzz*

Napalingon naman ako sa pinto ng mag buzz iyon. Kaya ibinalik ko na rin sa drawer yung pabango, bago naglakad palapit sa pinto. Baka si Jarred na.

Bagbukas ko ng pinto, hindi na ako nakapagsalita. Paano pa ba ako magsasalita kung selyado na yung bibig ko diba? Si Ian pala! At nakahalik na naman! Amputs! Kinikilig ako!

Humiwalay naman siya sa akin at nakangiti na lang na nakatingin sa akin. Tapos naging ngisi na. Hala ka! Sinunggaban na naman ako!

Wala na akong nagawa, gumanti rin ako. Siya lang ba ang marunong humalik?! Hah! Ako rin noh!

Nang pakawalan niya ako, habol-habol ko na yung hininga ko habang mahigpit ang hawak ko sa dibdiban niya. Grabe! Muntik nang mapatid yung hininga ko! Intense ng kiss, pero sobrang sarap! Naman eh! Isa pa!!

Ayun, umisa pa nga. Gumanti ulit ako siyempre. Hanggang nag-iba na yung pakiramdam ko. Parang biglang umiinit yung hangin. Shems naman! Wag namang ganito! Matagal na akong walang ganon!

"I-Ian..." paungol na tawag ko nang pakawalan niya yung labi ko pero dumausdos yung labi niya papunta sa leeg ko. Shet! Napasabunot tuloy yung kamay ko sa ulo niya!

Huminto siya at mahigpit akong niyakap. Pareho kaming mabigat at malalim ang paghinga. Pero wait! Hindi yakap yung ginagawa niya! Dakot-dakot niya yung butt ko! At yung...yung...yung ano niya! Shemay ang tigas!

Ian wag ganito please! Baka magahasa kita!

Nang makahuma ay bahagya siyang lumayo sa akin at nakangisi na naman ang loko. Habang napakagat na lang ako sa labi at bahagyang napatungo. Nakakahiya!

Dumampi ulit ang labi niya sa akin, nung gaganti na ako, bigla niyang inilayo yung mkuha niya! Ang sarap niyang sapatusin, dahil ngising-ngisi ang hayop!

Binasa niya yung labi niya at kinagat tapos pumisil-pisil yung mga kamay niya sa magkabilang braso ko paakyat sa balikat. Nung medyo umiba yung baba ng kamay niya, bahagya akong lumayo at hinampas ang mga kamay niya. Wag niya akong mapisil-pisil at baka madakot ko siya!

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now