Chapter 69 : Untold Truth

101 3 0
                                    

__CHIC__

Katahimikan at tanging pag-beep ng monitor at pigil na paghikbi lang ang naririnig sa buong kwarto.

Lakas loob kong inamin ang totoo, at pakiramdam ko ay mabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot akong aminin ang totoo sa kanya. Natatakot ako dahil baka kunin niya sa akin ang anak ko. I want to keep it, but I have no other choice! Buhay ng anak ko ang nakasalalay dito!

I don't know what's inside his head right now. He's not moving and just looking at Rianne. Until he shifted his face towards me. He looks so shocked with his wide eyes.

"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya at namimilog pa rin ang mga mata niya.

"S-Si Rianne... She's your daughter..." napapunas sa pisnging sabi ko sa kanya nang may kumawalang luha sa mata ko.

"P-Pero paanong..?"

Napatungo ako sa tanong niya at napailing. Hindi ko rin alam kung paanong nangyari. Basta isang araw, nagising na lang ako at nalamang buntis ako!

Inangat ko ulit ang mukha ko at diretsong tumingin sa mga mata niya. "I don't know when did it happen Ian. Pero sa tingin ko, nagkapalit tayo noon ng iniinom. I just woke up one morning throwing up, and found out that the pills that I'm taking are your vitamins."

Napaawang ang bibig niya at naibalik ang tingin kay Rianne. Mariin siyang napapikit at nakita kong kumuyom ang kamao niya.

Hindi ko alam kung sakit ba yung naramdaman ko, dahil sa nakita kong reaksiyon niya. Parang may humiwa sa akin kaya napakagat na lang ako sa labi para pigilin sa panginginig ang mga labi ko.

Iniisip niya siguro na mali ang nangyari. Na hindi dapat nagkaroon ng Rianne. Na kasalan ko.

"The night that I got sick." nakapikit niyang sabi at napalunok bago muling nag mulat nang mga mata.

Sa sinabi niya ay napaisip ako. Napakunot ako at inalala kung kailan yun nangyari. Namilog ang mga mata ko ng maalala ko kung kailan iyon at napatitig sa kanya. Bago ikinasal si Red!

Mabilis ang kilos niya na nakalapit sa akin at humawak sa magkabilang braso ko. "Look, Chic. Alam mo naman diba, I can't lose too much—"

"She'll die kapag hindi siya naoperahan Ian! Kailangan siyang masalinan nang dugo galing sayo, dahil kayo ang pareho ng—"

"You're going to kill her! Don't you know that!"

Napaigtad ako dahil sa lakas nang boses niya. Napatitig na lang ako sa mukha niya. Salubong ang kanyang mga kilay at masasabi kong galit siya.

"P-Pero Ian—"

"Do you have any idea how serious is this? My blood is different, Chic. Transfusing my blood to another person can kill them. She'll die—"

"Oh, God!" napasapo ako sa mukha ko at hindi ko na napigilang humagulgol dahil sa sinabi niya. Bumigay ang mga tuhod ko at kung wala lang sa harap ko si Ian, malamang ay natumba ako sa sahig.

Ang anak ko!

Inalalayan niya akong maupo sa couch at mahigpit na niyakap. Pinatatahan at pinupunasan ang mga luhang umaagos sa mga pisngi ko.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now