Chapter 39 : Sick?

128 3 0
                                    

"Sweet... Wake up..."

His nudging his nose on my ear and planting hot kiss on my cheek. I always have this sweet morning that makes my everyday doing great.

Iminulat ko ang mga mata ko and there he was, smiling at me.

"Good morning sweet pea." he said and then gave me three sweet smooches on my lips.

Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya at hinila siya padikit sa akin. "Good morning. Breakfast ready?" tanong ko na nakayakap sa kanya.

"Always sweet. Come on, get up. Baka ma late ka." sabi niyang niyakap ako at ibinangon sa kama.

Idinala niya ako sa bathroom at ibinaba sa may sink. This is our morning routine, he'll wake me up and wait me until I done fixing myself, then we'll eat together.

"I'll see you later. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka." sabi niya sa akin bago humalik nang maihatid niya ako sa GarTees.

"Okay. Ingat ka sa pagda-drive. I love you!" paalam ko sa kanya na bumaba na.

"I love you too!" then he drove off nang tuluyan na akong makababa.

The day went fine na puro pagtipa tipa lang sa keyboard at patingin tingin sa mga files ang ginagawa ko. Hanggang dumating at matapos ang lunch time.

Then suddenly, bigla kaming pinatawag ni Q sa office ng accounting head. Pareho na kaming kinakabahan dahil baka may problema.

Until she gave us a short notice coming from the CEO that we have a special task. Bilang bridesmaid kami sa kasal ng isa sa major shareholder ng company, binigyan kami ng exemption na until Thursday na lang kami papasok. Since Friday ang kasal, kailangan namin ng beauty rest to make ourselves ready for the wedding. But in return, we have to take overtime today until tomorrow. Then sa Monday na ulit ang pasok namin.

Well, that's a good news! Since Friday pa naman ng hapon ang kasal, we have a lot of time to prepare.

Agad ko namang tinawagan si Ian pagkabalik ko sa cubicle ko at sinabi na may overtime kami. He had just done taking his lunch noong tumawag ako at ang sabi niya he's on his way back to condo. He'll just pick me up later.

After a long day, plus the overtime ay sabay na kaming bumaba ni Q. Dalawa na lang naman kaming natira sa floor namin. And as she saw her boyfriend ay agad naman na siyang nagpaalam sa akin.

Habang ako, naghihintay dahil wala akong naabutang Ian na nakaabang sa akin. I texted him and waited for a couple of minutes pero walang dumating. So I called his phone but he's not answering.

"That's new. Ano kayang nangyari doon at hindi sumasagot?" nasabi ko na lang sa sarili ko.

I texted him again and waited, pero nang lagpas 15 minutes na akong naghihintay ay nagdecide na akong mag cab pauwi ng condo. Nagugutom na rin kasi ako!

Nang makauwi naman ako, patay lahat ng ilaw. "Saan nagpunta yun?" sabi kong binuksan ang switch at isinara na ang pinto.

Naiiling na lang akong naglakad papuntang kitchen baka sakaling may food sa fridge, kaso wala. Kaya ipinagpatuloy ko na lang na pumasok sa kwarto.

Pagsindi ko nang ilaw, nandoon ang lalaki! Ang sarap ng higa sa kama at tulog na tulog!

"Ian!" malakas na pagtawag ko sa kanya na nakahalukipkip sa may pinto. At ang lalaki ay walang kakilos kilos!

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now