Chapter 4 : Died

281 4 0
                                    

Jorge just died. Not literally though, but if only words can kill, he'd probably dead by now. Samu't saring sumpa at masasamang salita ba naman ang lumabas sa bibig ng mga kaibigan ko ng maikwento ko ang nangyari.

"Mabaog sana siya!"

"Maputol sana ang kaligayahan niya!"

"Wala siyang kwentang lalaki!"

"He's an asshole, son of a bitch jerk!"

Ilan lang yan sa mga nanggagalaiting salita na lumabas mula kila Kryzz. Hindi naman ako galit kay Jorge. I felt betrayed, but I'm not mad. I don't need to hold a grudge on him.

Natatawa na lang ako sa kanila dahil mas mukha pa silang affected kaysa sa akin.

Wala namang mababago kung magagalit ako sa kanya. At least now, may closure na kami. Unlike before na bigla na lang siyang nawala.

And thank God, dahil hindi naman siya nangulit sa akin and thank God ulit dahil konting panahon na lang ay mahahawakan ko na ang diploma ko!

I'll be graduating in two weeks!

Katatapos lang ng presentation namin and this will be our last day as a student before the graduation. We are planning to have a pre-grad celebration later and also to go to a three day out of town trip. To congratulate ourselves for a job well done. College days are almost over!

My Dad is so proud of me that I will graduate na walang tres sa mga report cards ko. Hindi ko naman kasi pinababayaan ang studies ko kahit na kasali ako sa dance club at kahit na may mga naging boyfriends ako. Hindi ko rin pinabayaan ang sarili ko.

"H, someone's calling on your phone!" turo ni Shy sa phone ko na nasa ibabaw pala ng table.

We're currently chatting at the school caf and treating ourselves some sweets.

"Huh?! Naka silent pala. Sorry girls, I need to take this." sabi kong tumayo at kinuha ang phone ko bago lumabas ng caf.

It's Mommy Shane and I think its important. Bihira lang naman kasi siyang tumatawag and she knows that today is my presentation day.

"Hello Mom, sorry po hindi ko nasagot agad ang tawag niyo. Naka silent kasi ang phone ko, katatapos lang po ng presentation namin." agad na pagpapaliwanag ko ng sagutin ko ang tawag.

"H-Harriette..." garalgal ang boses na sabi niya.

"Mom, what's wrong?" nag aalala kong tanong. Para siyang umiiyak, dahil naririnig ko ang bahagya niyang pag singhot sa kabilang linya.

Then she stars sobbing as she tells me bit by bit of why she called. Tears started to form on my eyes and I think my heart stop beating for a second.

Pumihit ako pabalik sa loob ng caf para kunin ang mga gamit ko habang hindi naman maawat sa pag agos ang mga luha ko.

"H, anong nangyari?!"

"Why are you crying?!"

"Si Jorge na naman ba?"

"I'm sorry girls. I can't talk right now. I need to go." paalam ko sa mga kaibigan ko at nagmamadaling tumakbo palabas ng caf.

Habang kipkip ko ang mga gamit ko ay nanlalabo naman ang paningin ko dahil sa mga luhang umaagos sa mga mata ko.

Bakit ngayon pa?! Bakit nangyari pa?!

"Ugh!"

"Owh!"

I bump to something at dahil sa nanghihinang pakiramdam ko ay sumubsob ako. Pilit kong pinunasan ang mga luha ko pero hindi sila humihinto.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now