Chapter 66 : Heartbeat

97 3 0
                                    

I just can't believe what happened. Since nasa sinapupunan ko siya, hindi siya nakitaan ng kahit na anong sakit. She's very much healthy— until yesterday.

She's fine now but still not waking up. She's  under observation. Sabi ng doctor, Rianne have an abnormal heartbeat na hindi naman na detect noon. They asked us if we have a history of heart problems at nasabi ko naman ang case ng Mommy ko.

Nakahawak lang ako sa kamay niya at nakatingin sa mukha niya habang pinapakinggan ang tunog ng monitor. Sabi ng doctor na tumingin sa kanya, huminto daw sa pagtibok ang puso niya kaya nawalan siya ng malay.

Hinihintay pa namin siyang magising para ma-check kung walang naging serious injury yung pagkakabagsak niya kahapon. Dumalaw na rin sila Q at ihinatid ang bear na naiwan kahapon.

Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya napabaling ako doon.

"How is she?" tanong ni Brian nang palapit sa amin.

"Hindi pa rin siya nagigising eh." sagot ko na ibinalik na ulit kay Rianne ang tingin at bahagyang sinuklay ang buhok niya.

"Tumawag na ako kay Mommy. Nag aalala rin siya, but she can't fly back here yet. Maselan daw ang pagbubuntis ni Jolaine."

Napabuntong hininga na lang ako at hindi sumagot sa sinabi ni Brian. Jolaine is on her first trimester and she was advised to have a complete bed rest. Hindi daw masyadong makapit ang baby kaya kailangan niyang mag ingat.

"Baby, gising na please..." bulong ko na humalik sa kamay ni Rianne.

Though normal na ang breathing at heartbeat niya ngayon, nag aalala pa rin kami dahil hindi pa rin siya nagigising magmula kahapon.

"You should rest, you haven't sleep since yesterday. Ako na muna ang magbabantay sa kanya." sabi ni Brian na humaplos sa buhok ko.

Umiling lang ako habang nakay Rianne lang ang tingin ko. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya kasunod nang pagpisil at paghaplos niya sa balikat ko.

Napapahid na lang ako sa pisngi ko nang hindi ko napigilan ang kumawalang luha sa mata ko. Hindi ko inakala na magkakaganito ang anak ko. Akala ko hindi niya nakuha yung sakit na meron sa akin dahil simula pinagbuntis ko siya hanggang maipanganak ko, wala naman traces ng heart disease sa kanya. Bakit bigla na lang nagkasakit siya ng ganito?

"Rianne..." napatayo ako at napahigpit ang hawak ko sa kanya ng makita kong bahagya siyang gumalaw at kumibot ang mga mata niya.

"Baby ko..." tuluyan na akong napaiyak nang dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at ilang beses na mabagal na pagkurap.

"M-Mommy..."

"I'll call the doctor." sabi ni Brian na binigyan muna nang halik sa noo si Rianne bago kami iniwan sa kwarto.

"Okay ka lang ba anak? Walang masakit sayo?" tanong ko habang nagpupunas ng luha.

"I'm hungry..." mahina niyang sabi.

"Magpapabili tayo kay Daddy. Hintayin lang natin siya okay?"

Tumango naman siya bago inilinga ang tingin sa paligid.

"Where's Cream? Where are we Mommy?" tanong niya habang lumilinga.

"Where in a hospital." sagot ko sa kanya at iniabot na ang teddy bear sa kanya. Agad naman niyang kinuha iyon at niyakap.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Brian kasama ang dalawang nurse at isang doctor. They checked her at sumasagot naman si Rianne sa mga tanong.

Wala naman daw ibang makitang mali sa kanya sabi ng doctor maliban sa heartbeat niya na ngayon ay normal na. Kapag wala daw unusual na nangyari ay pwede na siyang iuwi bukas.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now