Chapter 60 : Decided

110 1 0
                                    

A week vacation to Cebu is already over, at heto na naman kaming tatlo nina Brian at Rianne sa airport. We're flying to Dallas, Texas where Marc is staying. He's getting married already with his very long time girlfriend July-Ni. Alright! Jolaine.

The main reason why Brian and I can't get married this year. Dahil daw sa pamahiin, kaya first month next year naka set ang kasal namin ni Brian. Sukob daw kasi!

Imagine, naunahan pa kami ng bunso namin na lumagay sa tahimik? Eh, tahimik nga ba? Haha!

So ayun na nga! Nag migrate kasi ang family nila Jolaine sa Texas after she graduate college. At dahil to the highest level na overly in love silang dalawa ng aming bunso ay nag request sila for petition para kay Marc. Ang tindi ng love ano?!

Para ngang nanalo sa lotto si Marc nang i-approve ang petition at dumating ang visa niya. Atat na atat lumipad papuntang Texas! Pagkatapak na pagkatapak daw nito sa Texas at magkasama sila ulit ni Jolaine ay agad daw itong nagniluhod at nag propose. Hindi talaga pinalusot!

"Mommy!" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang boses niya.

Tila walang kapaguran si Rianne dahil kanina pa siya naglalaro. At ang gustong gusto niyang laro ay hide and seek. Wala naman siyang ibang matataguan kundi ang mga upuan dito sa departure area.

"Sayaw ako." utal na pagkakasabi niya kaya napangiti ako na inilabas ang MP3 player at earpod na madalas gamitin ni Rianne.

Ito rin ang isa sa kinahihiligan niya. Mahilig magpasikat sa pagsayaw kahit na mahigit dalawang taon palang siya.

Nang maikabit ko iyon sa tainga niya at masiguro na tama lang ang lakas ng player para sa kanya ay bahagya siyang lumayo at nakangiti pa sa akin habang kumikembot kembot siya.

Mahina akong natawa nang parang hirap siyang kumindat at kumagat labi. Katulad ng itinuturo sa kanya ni Brian. Sila ang madalas mag bonding sa pagsayaw, habang ako naman ang gustong gusto niyang ka hide and seek.

Nilingon ko naman si Brian at nasa pila pa rin ito para mag check in. Mukhang may kausap sa phone. Naibalik ko na lang ang tingin ko kay Rianne dahil kahit sa batang edad niya ay napakadali niyang turuan. Nasa dugo niya rin ang pagsasayaw.

"Brent!"

"Rianne!"

Agad akong napatayo at inalalayan ang anak ko na nasubsob sa sahig dahil sa batang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

"Naku, Ma'am! Sorry po!" narinig kong sabi habang nasa anak ko ang pansin ko. "Sabi ko sayo Brent walang tatakbo. Ayan tuloy, lagot ako sa mommy mo nito!"

"Okay ka lang Rianne? May masakit ba sayo, anak?" tanong ko kasabay nang pagsipat sa mga braso, tuhod at mukha niya.

Halos maluha na siya na nakatingin sa akin at humawak ang mga kamay niya sa bibig at noo niya. Humalik sa sahig ang anak ko!?

Inis na tinignan ko ang babae na ngayon ay hawak ang batang lalaki. Sisinghalan ko na sana ito nang agad na tumakbong muli ang bata palayo.

"Mommy!" sigaw nito kaya wala na akong nagawa. Napairap at napailing na lang ako at muling binalingan ang anak ko.

"Ma'am sorry po. Sadyang malikot po talaga ang alaga ko. Pasensiya na po." gusto kong mainis sa babae pero nanghingi naman na ito ng paumanhin.

"Sa susunod mas bantayan mo pang maigi. Buti na lang at hindi naman gaanong malakas ang pagkakabunggo at walang galos ang anak ko." sabi ko sa babae. Kimi at tila hiya lang itong ngumiti at tumango sa akin.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now