Chapter 12 : Lesson

187 3 0
                                    

This is the first time na tahimik ang table namin during lunch. Most of the times kasi, palaging may topic. Kung ano anong napag uusapan. Pero iba ngayon. Kapansin pansin ang pagkakaiba. Siguro kasi dahil wala si Sir Cerezo na siyang palaging pinag uugatan nang topic.

Si Ems na nasa kaliwa ko, parang wala sa sarili na sumusubo lang nang pagkain.

Si Gwen, ewan ko ba dito. Palaging tahimik din. Wala sa mood, at parang galit sa pagkain niya. Nakasimangot! Mey period yata siya.

Si Jana at Red, kapansin pansin ang pagiging blooming!

Understandable yung kay Red, kasi may jowa. Pero itong si Jana, bumalik na ang sigla. Pero kaiba eh. Tahimik, pero masaya. Ang weird niya!

At ako, ewan ko. Simula nang mangyari yun takot na rin akong dumada. Baka madulas ang dila ko at masabi ko. Hindi ko pa naman kilala kung sino siya.

"Poison ulit?" tanong ko nang pare pareho na kaming tapos kumain.

"Hindi ako makakasama eh. Wala pa ring kasama si Mamsie." agad na sagot naman ni Jana at mabilis na uminom ng tubig.

"Nasaan ba si Papsie?" tanong ni Red.

"Uhm, ano eh. Umuwi ng Cebu." sagot naman ni Jana na napakamot pa sa ulo.

Habang yung dalawa sa gilid ko, wala pa ring kaimik imik.

"Ibig sabihin lang, walang night out." biglang sabi ni Ems at bumuntong hininga.

"Mukhang ganon na nga." sabi naman ni Red.

"Kailan daw babalik si Papsie?" tanong ko, dahil ang alam namin dito naka destino ang tatay ni Jana sa Manila. Police kasi.

"Baka next week pa. Hindi ako sigurado."

"Next week na lang tayo ulit lumabas. Kapag kumpleto na. Diba, mas masaya kapag kumpleto tayong lima?" sabi naman ni Gwen na nakapangalumbaba sa tabi ko.

Napagkasunduan naman na next week na nga lang ulit. Kung noong una si Red ang may excuse, ngayon naman si Jana. Hayh!

This time, magkukulong ako sa condo ko! I won't party tonight!

***

Gwen just went off and I'm here waiting for a cab pauwi ng condo. Hindi ko na rin naisip pa na pumunta nang mall, since feeling ko may sumpa ang mga malls.

Doon kasi madalas nangyayari yung bunggo bungguan kuno. Kasa kasalubungan o kaya yung kunwari aksidenteng nasa iisang resto kayo at hindi inaasahang magkikita. Yung mga ganon. Ang cliché diba?

Baka kasi makita ko na naman ang isa sa mga old friends ko at magyaya na naman sila na lumabas. Better to be safe than sorry. Diba?

Wala pa naman akong nakikitang taxi na available dahil lahat ay may laman. Then suddenly, may humintong matte black at heavily tinted windows na kotse sa tapat ko.

Promise, gusto kong kumaripas nang takbo dahil baka ito yung dragon! Baka nakilala niya ako!

Pumihit ako at nanginginig ang tuhod na humakbang ako palayo at hindi na nag abalang lumingon pa. Pero nakaramdam ako ng malamig na humawak sa braso ko kaya napatili ako at napapikit!

"Ahhhhhhh!!!!!" Mamamatay na ako!

"Hipag!"

"Huh!" agad akong napahinto at napamulat nang marinig ko yon.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now