Chapter 55 : News

109 4 0
                                    

"I miss my wife..." matamlay na sabi ni Black habang nasa locker kami.

"I miss my wife too..." malungkot na segunda naman ni Grayson. "Aray ko, putangina!"

Napalingon na lang ako sa kanya nang sumigaw siya sa sakit dahil narinig kong kumalampag ang locker.

Hinihimas himas niya ang balikat niya habang masama ang tingin sa kanya ni Black. Napailing na lang akong ibinalik sa locker ko ang pansin ko dahil malamang magsisimula na naman ang dalawa.

"Wala ka ba talagang sariling linya?! Palagi mong ginagaya ang sinasabi ko!" pikon na pagkakasabi ni Black habang hinuhubad ko naman ang vest na suot ko.

"Bakit ba? Ikaw lang ba ang may karapatang magtawag ng ganon sa mahal mo?! Yun ang tawag ko kay Amethyst."

Matapos kong mahubad ang masquerade ko ay isinara ko na ang locker ko at nakahalukipkip na lang na pinapanood ang dalawa.

"Ang taas naman ng pangarap mo gunggong! Girlfriend mo pa lang siya, hindi asawa kaya wala kang karapatan!" sigaw ni Black sa kanya.

Hindi naman siya sinagot ni Grayson at pabalibag lang na isinara nito pinto ng locker niya at nauna nang naglakad palabas ng locker room.

"Wala pa bang balita si Aime?" matamlay na tanong ni Black nang sabay kaming lumabas ng locker. Umiling lang ako bilang sagot at sabay kaming napabuntong hininga.

Anim na buwan na kaming nandito sa Istanbul at kahit isa ay wala pa rin kaming balita sa mga naiwan namin sa Pilipinas.

Naabutan naman namin si Grayson na nakasandal sa hallway at mukhang hinihintay kami.

"Hindi ka pa ba tinatawagan ni Vi tol?" tanong ko kay Grayson nang makalapit kami sa kanya.

"Noong huling usap namin noong nakaraang buwan, hindi pa daw tapos yung task na ibinigay sa kanya ng mga elders." sagot niya naman na sumabay na sa aming maglakad.

"Task?" takang tanong naman ni Black.

"She's training new chosen recruits." nakapamulsang sagot ni Grayson.

"I hope may makatagal sa kanila. Lately mahihina ang loob ng mga recruits na nakukuha nila." napapailing na sabi ni Black.

"I think they should start feeding knowledge about the younger recruits about what we do para mas madali nilang ma absorb. Kaysa biglaan." sabi ko naman habang nakaabang na kami sa may elevator.

"Like what they did to us? I think it's better that way. They've taught us all the ways we need to know, dapat sa training pa lang may idea na sila kung ano ba talagang pinapasok nila." sabi naman ni Grayson.

"So ibig mong sabihin, the new recruits are not smart enough?" tanong naman ni Black nang makasakay kami.

"Not that. They're just weak." sagot ni Grayson.

"Weak?" ako naman ang hindi makapaniwalang napatanong.

Tumango naman si Grayson bilang sagot. "Think about it." sabi ni Grayson nang palabas na kami ng elevator. "Kung malagpasan nila ang training at initiation pero mahina sila dito at dito" sabi niya na itinuro ang sintido at dibdib niya, "sa mismong assignment sila madadale. Mas delikado yun, lalong lalo na sa atin." seryosong pagkakasabi niya. "They'll hunt us."

"That is, if somebody will see our marks." sabi ko naman na nagpatiuna nang maglakad.

"She saw yours." sabay naman na sabi ng dalawa kaya napahinto ako at nilingon sila.

"Well, she have no idea about who we are. We're still safe." nakangisi kong sabi.

"Paano kung ipagsabi niya sa iba?" tanong ni Black ng makalapit sila sa akin.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now