Prologue

1.3K 16 0
                                    

Maliwanag, maingay at magulo, at maraming tao. Ganyan na lang palagi taon taon kapag gabi ng awarding after ng Sports Fest. Sa loob ng apat na taon ko sa ValNesCo High ay ganito na lang lagi ang kaganapan. At dahil kami ang host ngayong taon, bilang member ng dance club ay naatasan kaming gumawa ng ilang intermission numbers.

Dancing is my passion, and this is where I'm good at!

"Babe, tara na! Malapit na ang number natin!" pagtawag sa akin ni Brian.

"Oo! Andiyan na!" balik sigaw ko at dali daling kinuha ang mga gamit ko at sumunod sa kanya.

"Bilisan mo!" sabi niya pang hinila ako at nagdudumali na kaming naglakad hanggang makarating kami sa backstage.

"Grabe ka naman makahatak Yan, napilayan pa yata ako!" sabi kong hinilot pa ang braso ko nang bitawan niya ang kamay ko.

"Arte mo talaga! Kahit kailan ka!" sabi niyang inirapan pa ako at sinimulan na niyang hubarin ang shirt na suot.

"Sa harap ko ka pa talaga naghuhubad ano?! Ang dami kayang tao! Mahiya ka nga!" nakapameywang ko pang sabi at luminga sa mga kasama namin sa backstage.

"Para namang hindi ka pa sanay na nakikita ang katawan ko babe!" natatawa pa niyang sabi.

"Walanghiya kang bakla ka!"

Narinig ko na lang naman ang mahihinang hagikgikan ng ibang mga kasamahan namin.

"Kung hindi pink ang dugo ni Bry, bagay kayo! Konti na lang iisipin kong fake lang yang pagiging bading niyan!" sabi ni Lala na nasa likod ko pala.

Kung hindi mo nga naman kasi talaga kilala si Brian, hindi mo aakalain na pink ang dugo niya. Maganda ang katawan at gwapo rin ang mukha. Lalo na ang mga mata niya. Kung hindi mo titignang maigi aakalain mong plain black siya, pero kapag tinignan mo sa malapitan, it has a tinge of green. Parang green forest in the dark. Kaya naman maraming babae ang nanghihinayang dahil boys din ang gusto niya.

"Sorry Lala, incest is a sin!" sabi ng pumameywang na bakla. Nakapagbihis na ang bruha!

"As if naman totoong magkapatid kayo!"

"As if naman hindi siya bakla! Mas malandi pa nga sa akin to eh. And ever since naman bading na siya. Six pa lang kami pumipilantik na ang mga daliri niya. Pumupuslit pa nga yan sa room nila Mommy para lang mag lipstick eh! Diba babe?!" natatawa kong sabi na yumakap sa beywang ni Brian, at nakitawa na rin ang mga kasama namin.

"Nilaglag mo talaga ako no!" sabi niyang dinuro ang noo ko at nagkatawanan na lang kami.

"Ready guys! You'll be on stage in 3!" sabi ng club president.

"Shit! Babe! Bilis, hubarin mo na to!" nagmamadali na namang sabi ni Brian na siya nang humila ng jacket ko pahubad sa akin.

"Ano ba Yan, para kang excite na excite!" sabi ko nang hinila na rin niya pababa ang jogger pants ko.

"Mabagal kang kumilos kaya tinutulungan na kita!" sabi niya naman na inalis na rin ang chopsticks sa buhok ko.

"Perfect!" sabi pa ng bakla na inayos ang buhok ko.

"Perfect ng kamay mo. Ikaw ang may gawa niyan eh." nakangiti kong sabi. Siya na rin kasi ang nag make up at nag ayos ng buhok ko kanina bago kami pumunta dito.

"I know right!"

All the girls are wearing black tubes topped with white spaghetti crop top paired with ripped denim short shorts and a black high cut converse shoes.

While the boys are wearing body hugging black v-neck shirts paired with ripped denim pants and a combat shoes.

"Do your best guys. Put the stage on fire!" muling sabi ng president bago kami lumabas sa stage.

Patay ang lahat ng ilaw maliban na lang sa maliliit at makulay na ilaw bilang outline ng stage. Nang magsimula na ang tugtog ay pair by pair din ang pagbukas ng spotlight sa stage, hanggang sa huli ay sa amin na ni Brian.

"Let them all fall under your spell babe!" bulong ni Brian.

"You bet! I'll make sure they will!" ganting bulong ko bago kami nagsimulang umindak at sumabay sa tugtog.

This is the longest remix so far na sasayawin namin at isang linggo lang namin itong pinag practice-an. Ito rin ang pinakamaraming transition ng steps na binuo ng choreographer namin, but Brian and I won't mind kahit abutin pa kami ng tatlong oras sa pagsasayaw. We both love dancing, kaya naman madali kaming nagkasundo.

"Ang daming gwapo!"

"Huh?!" nagtatakang tanong kong napatingin kay Brian.

"Sa mga audience. Lalo na yung tatlo sa third line, center seats." bulong ni Brian.

"Nakuha mo pa talagang ilibot yang malandi mong mga mata ano?!" sabi kong napatingin na din sa sinasabi niya. "Mga taga St. Sebastian Catholic School yang mga yan diba?"

"Yes! And those three are member of the basketball team! Oh, shit! Babe! Lambutan mo pa yung katawan mo! Sa atin sila nakatingin!"

"I'm not elastigirl Yan! At isa pa, baka mga pari ang labas ng mga yan kapag nagkataon!" natatawa kong sabi.

"Yung nasa gitna, he's the MVP of their team." dagdag pa niya.

"Yung naka glasses?! Mukhang emo! Pang Gothic yung buhok!" sabi kong nakatingin din sa direksyon nila.

"He's the Rokaoa of SSCS. Tinitilian yan babe! And based on my reasearch, VM ang tawag sa kanya."

"VM? Vaka malaki?!" patukso kong tanong at sabay kaming nagkahagikgikan.

"I bet he is. Sa tangkad niya, malamang malaki! Ooh.. Yum!" malanding sabi ng bakla.

"Hahawaan mo na naman ako ng kaberdehan mo! Ah basta! Wala pa rin siya sa Akira Sendo ng puso ko!" sabi kong naalis na ang tingin sa kanila dahil nagbago na kami ng pwesto.

"Baka Gori ng Shohoku kamo!" nakangisi niyang sabi.

"Hoy! Wag mong ginaganyan ang Jorge ko ha. Di hamak naman na mas gwapo siya kaysa sa emo na yun at dalawang alipores niya no!" napairap kong sabi.

"Ibibida mo na naman sa akin ang fuckboy mong lalaki?!" nakataas ang kaliwang kilay na sabi niya sa akin.

"Nagbago na siya no! Hindi na siya fuckboy!"

"Sabagay. You two are fit together. Fuckboy and playgirl!" umikot pa ang mga bilog ng mata na sabi niya.

"Hindi ako playgirl. Marami lang akong love na kayang ibigay! At isa pa, kasalanan ko ba na maganda at kaakit akit ako?" sabi kong kumagat labi at mas nilambutan pa ang pag galaw ng katawan.

"Ang kapal ng mukha ng bakla!" sabi niyang inasiman ako ng mukha, kaya mahina akong natawa.

"Totoo naman eh!" nakangiting sabi ko pa.

"Oh, I forgot! Kapatid ko nga pala ang pinakamagandang babae sa balat ng earth!"

"O.A mo! Miss Sports Fest lang ako."

"Pa humble ka pa!" nakairap niyang sabi bago ako hinigit at nagbago na naman kami ng step at pwesto.

Pareho na naman kaming nakaharap sa audience at napatingin ako sa pinag uusapan namin kanina. Well, hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil sa suot niyang salamin lalo pa't nagre reflect ang ilaw doon.

Alam kong sa amin sila nakatingin so my mind urge me to do something naughty. Nginitian ko siya and then I sexily bit my lower lip and wink at him. And oh boy! Laglag ang panga ng emo!

You are now under my spell!

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora