Chapter 28 : Bloomich

133 3 0
                                    

It’s been a long night here, and a long night there
And these long long legs are damn near everywhere (hold up now)
You look good, I will not lie
But if you ask where I’m staying tonight
I gotta be like oh, baby, no, baby,
you got me all wrong, baby
My baby’s already got all of my love...

So nah nah honey, I’m good
I could have another but I probably should not
I got somebody at home,
And if I stay I might not leave alone
No, honey, I’m good
I could have another but I probably
should not I gotta bid you adieu
To another I will stay true
(ooh ooh I will stay true)
(ooh ooh I will stay true)

My phone is ringing at pikit ang mata na pilit hinahagilap ng kamay ko kung nasaan iyon. You see, I changed my ringing tone to Andy Grammer's Honey, I'm Good. Na LSS kasi ako eh.

Nang hindi ko makapa ang phone ko ay nagmulat na ako ng mata at binuksan ang bedside lamp. Nasa lapag na pala ang phone ko, at nang makita ko kung sino ang caller ay sinagot ko na agad.

"Good morning sweet pea. Breakfast is ready."

"Give me a minute." sabi ko at in off na ang call. Pumasok na ako sa bathroom at nag ayos ng sarili.

Ibinigay ko na ang number ko kasi naman noong unang beses na nagdala siya ng breakfast ilang oras siyang nag do-doorbell. Eh kapag tulog pa naman ako parang deaf ako. Lalo na kapag nananginip ako.

It's been six days since nanligaw si Ian at since that night ay every morning na siyang nagdadala ng breakfast ko. Naka full on mode manligaw ang masigasig na lalaki. Imagine umaga pa lang nanliligaw na tapos matatapos ang gabi na wala akong magawa kundi ang ngumiti dahil sumayaw na naman kami. At hindi nawawala si Andy Grammer sa list.

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng room at pinagbuksan siya ng pinto. Like what he's doing every morning, he'll scan me from head to foot and back with a grin. Ginagawa ko kasing pantulog ang shirt na in snatch ko sa kanya.

"Morning sweet." sabi niya at humalik sa pisngi ko.

"Morning." balik ko naman sa kanya at pinapasok na siya.

At home na ang lalaki kaya dumiretso na siya sa kitchen ko at hinain ang dala niyang breakfast. At katulad din nang mga nagdaang umaga, magkasalo naming kinain ang dala niya.

Then he'll wait me hanggang matapos akong mag ayos at ihahatid na ako sa work. But what I'm waiting the most is yung pagdating ng gabi. Dahil I'm sure na may Phase 2 na naman kami.

Sa loob ng buong linggo, naging routine na yung pagiging human alarm clock niya. Tapos susunduin niya ako after work, then we'll eat somewhere. And after dinner, sa bahay niya ang tuloy namin for our Phase 2. Pagkatapos ay ihahatid niya na ako sa condo ko.

"You're getting more beautiful each day." sabi ni Ian nang nasa way na kami.

"Huh?" napabaling na tanong ko sa kanya.

"You're smiling." nakangiti niyang sabi sa akin.

Well, ewan ko din pero ang sarap lang ng pakiramdam ko ngayon, that I can smile all day. Para akong nasa cloud 9. Ewan!

"I'm just excited you know. I'm sure that we'll be having Phase 2 again later." nakatawa kong sabi.

"It's Saturday, I'll let you party tonight." sabi niyang bahagya akong nilingon kaya napataas ang kilay ko. "Don't worry, I won't snatch you again. Coz I won't let you party without me."

"Talaga lang huh?"

"And we still have to get our Phase 2 after."

Hindi na ako nagsalita pa dahil feel na feel ko yung good vibes nitong buong linggo. And, if that's the case, I'll party tonight na wala nang aalalahanin pa.

"See you later sweet pea." sabi ni Ian na humalik sa pisngi ko nang makahinto na kami sa tapat ng GarTees.

"Alright. Bye!" paalam ko sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan.

Naabutan ko naman si Gwen na naghihintay sa may elevator, at mukhang bad mood na naman siya dahil nonstop na naman ang pag tap ng paa niya sa floor habang salubong ang kilay at nakahalukipkip.

Mukhang hindi ako napansin nang loka kaya naman naisipan kong dagdagan ang pagkainis niya. Sarap kasing pikunin ng babaeng to eh!

"Morning bitch!" panggulat na bati ko sa kanya kasabay ng pagdutdot sa tagiliran niya.

"Ay kalabaw! Ano ba?!" sabi niyang lalong napabusangot ang mukha niya.

"Buhol na buhol na yang kilay mo! Inano ka na naman ni Seth?" nakangisi kong tanong.

"Morning bloomich!" sabi niyang umirap at bumeso sa akin.

"Bloomich?"

"Blooming na bitch!" nakangiti niyang sabi. "Blooming na blooming ka neng! In love ka na?" dagdag pa niya. Wala na agad yung Seth mode niya.

"In love ka diyan! Hindi no!" sabi kong sumakay na pagkabukas ng elevator.

"Hindi pa daw! Patingin nga ako ng mukha?" sabi niyang hinarap ako at humawak sa baba ko at ipinaling paling pa bago padaskol na binitawan.

"Aray ko ha!?"

"Glow na glow yang mukha mo! Mukha kang may fluorescent light sa noo! Ang lawak pa ng ngiti mo, abot hanggang Monumento! Yan ba ang hindi in love?!"

"Tindi mo teh! Eh ikaw? Tignan mo yang itsura mo, mukha kang naka belo ng itim sa dilim ng mukha mo! Mukha ka na ring pato sa haba ng nguso mo! Dapat ang tawag sayo frownich!" sabi kong nakairap sa kanya.

"Frownich?!"

"A frowning bitch!" sabi kong natawa dahil sumimangot na naman ang bitch.

"Ang saya mo no?!" nakairap niyang sabi at hinila na ako palabas ng bumukas ang elevator.

"Poison tayo ulit later." yaya ko nang nasa cubicle na kami.

"Ayh! Hindi ako pwede eh. May lakad ako bukas ng maaga. Monday ng madaling araw pa ang balik ko."

"May lakad kayo ni Seth? Tagal naman ng bakasyon niyo ha?!" panunukso ko.

"Oo! Pupunta kami sa Mt. Apo, at aakyat kami sa pinakatuktok. At kapag nandoon na kami, itutulak ko ang animal na yon, nang tuluyan na siyang mamatay! Letse! Ibabaon ko pa siya 15 ft. on the ground para siguradong wala na siyang hininga! Bwisit siya!" sabi niya na nagdidinabog na sa desk niya at hindi ko na lang mapigilan ang matawa.

Napapailing na lang akong sinimulan nang magtrabaho habang rinig na rinig ko pa ang ilang sumpa niya para kay Seth at maingay na humihigop ng kape niya.

Abot hanggang sukdulan ang inis niya kay Seth. Hindi lang yata may sa pusa ang lalaking yon. Ilang beses na ba siyang pinatay ni Gwen? Hindi na mabilang!

Well, siguradong hindi ako magkakaroon ng bad vibes ngayon. Sigurado na yon. Dahil later, at the end of the day ay—

Oh! Hindi nga pala pwede si Gwen, ibig sabihin lang wala kaming night out!

Dahil sa pagkaalala non, parang nanamlay ang pakiramdam ko. It only means, I'm not partying tonight.

And probably, no Phase 2.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now