Chapter 54 : Regrets?

111 2 0
                                    

"Brian, bakit mo ginawa yon?"

We're already in the dining table and having our dinner. Nakauwi na sila Red at ilang ulit pang sinabi sa akin na pumunta ako sa baby shower niya this coming Friday.

"Ginawa ang alin?" balik tanong niya sa akin na sa pagkain lang nakatutok.

"Why did you told them that you're the father?"

"Yun naman ang totoo diba?" balik na naman niya kaya napailing na lang ako.

"Brian, we both know na hindi ikaw."

"Then let me be the father of your child." seryosong sabi niya na sa akin na tumingin.

"You can't. May ama ang baby ko." naiinis kong sabi sa kanya.

"Nasaan? Babe, three months from now manganganak ka na. Nasaan ang boyfriend mo? He don't even know that he got you pregnant! Do you think in just a snap he'll just appear in front of you. You have to think! What will you tell her when she grow up and look for her father? Dalawang buwan na tayong magkasama dito, but I haven't heard you talking with him even once."

"He's working abroad Brian. Babalik din siya." sabi ko na napayuko na lang.

"Kailan? Did he even told you kung kailan siya babalik? You told me everything babe. He made his choice. He left you, so don't assume that he'll come back. Just let me be the father of your child. Hindi na ako aalis. I can take care the both of you."

"Brian, sinabi ko na sayo diba. Whatever you are feeling for me, kalimutan mo na. Ibaling mo sa iba. I don't feel the same anymore."

"I'm not asking you to love me back again babe. Just let me fill what's lacking in your life. I know I can no longer get inside your heart as someone I don't know who, have already occupied all the spaces. Just let me be part of your life again, of your child. Please..."

Hindi ko na siya kinibo at napapailing na lang na ipinagpatuloy ang pagkain. Whatever may happen, maghihintay ako kay Ian. I may have no idea why he left, but I believe that he'll be back. Ian is a man of his words.

***

The garden is all in baby pink and baby blue. Red and Rave calls this as their own paradise. Sabi ni Red, ito daw ang wedding gift sa kanya noon ni Rave.

Parang katulad lang noong ikinasal si Q. The whole garden is covered with glass walls and even the ceiling. Maganda ang pagkakaayos nang lahat and every member of their family is here. Red's Mom and Dad and her two younger brothers. Rave's Mom and Dad and his twin sisters. And of course the friends are here too! May mga ilang kilalang celebrity rin at mga co-models ni Red.

Well, si Aya hindi nakapunta. Reasonable naman dahil nasa Cebu siya. Kaya ito, kami-kami na lang na naman. And of course kasama ko si Brian.

Kahit nagkakasiyahan ang lahat ay hindi pa rin siya nakaligtas sa pang uusisa nila Q lalo na ni Red na pinakatitigan pa si Brian.

"Bakit ganon?" pabulong na tanong ni Red sa akin na bahagya pa akong hinila palayo sa mga kasama namin.

"Anong bakit ganon?" balik tanong ko rin sa kanya.

"Green din ang mata! At pareho pa talaga na may IAN sa dulo nang mga pangalan nila." pabulong niyang sagot.

"So? May problema ba don?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Adik ka! Kailangan talaga may something in common sila? Iisipin ko na niyan, na in love ka kay Ian dahil obsessed ka sa lalaking green ang mata!"

"Hindi ba pwedeng nagkataon lang?" nakairap kong tanong.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora