Chapter 83 : A Thousand Years

127 2 0
                                    

Looking at myself in the mirror and thinking. Should I run? Pero paano pa ako makakatakbo? Everyone is already at the church at ako na lang ang hinihintay.

I don't just look beautiful, I can see that in the mirror. I look lovely. With my long hair put in a floral up do. My white off shoulder wedding gown, like the white roses are attached to my skin. My bouquet which is arranged in white and green roses. My dream wedding. How I imagine it to be.

The bridesmaids are wearing a cream white floral tube top with a flowy skirt of avocado green. Isa lang ang hindi nasunod sa pangarap kong kasal. The groom.

I heaved a deep breath as close my eyes chanting 'Everything will be alright' inside my head. I opened my eyes and looked at myself in the mirror.

"You're perfect." nakangiti kong sabi sa salamin.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon pagkatapos ay bumukas.

"Ready?" tanong niya at tumango naman ako. "Ouch! Ano ba naman My?! Uso naman po ang mag excuse!" kunot ang noo na sabi ni Marc nang walang pasabing itulak siya papasok ni Mommy.

Hindi naman siya pinansin ni Mommy at diretso lang itong naglakad papunta sa akin. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay nakikita ko na ang nangingilid na luha sa mga mata niya.

"You're so beautiful." nangingiting sabi ni Mommy na bahagya pang hinawi ang ilang hibla ng buhok ko.

"Thank you Mom." nakangiti kong sabi sa kanya. "You're so beautiful too."

"Oh, tama na! Labas na dun My. Dapat nandon ka na sa simbahan eh. Wag mong paiyakin si Ate. Gusto mo bang magmukhang panda yan habang naglalakad?" napapakamot na sabi na lang ni Marc habang pilit inilalayo si Mommy sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi niya habang si Mommy nakatitig lang sa akin at may tumakas nang luha sa mga mata niya. Nang makapiglas siya kay Marc ay mahigpit naman akong niyakap ni Mommy.

"B-Baby ko..."

I don't know, but I felt a warm hand touched my heart and suddenly my tears starts rolling from my eyes. Matagal na since tinawag ako ni Mommy na baby. I think I was eight nung huli niya akong tawagin na ganon.

"Ayan na nga bang sinasabi ko eh! Tsk!" react na naman ni Marc. "Mag-ina nga kayo! Pareho kayong iyakin!"

Natatawa naman kaming naghiwalay ni Mommy. Hinalikan ako ni Mommy sa magkabilang pisngi matapos tuyuin ang luha sa mga mata ko.

"Sige na. I'll see you in the church." nakangiti niyang sabi sa akin pero naluluha pa rin. "Ingatan mo tong Ate mo ha?" baling naman niya kay Marc.

"Oo na! Oo na! Tsupi na. Kanina pa naghihintay si Kuya sa baba! Mamaya na kayo mag-iyakan!" nakangising sabi ni Marc na inabutan ng isang box ng tissue si Mommy at itinutulak na palabas ng kwarto.

"Ang sama mo kay Mommy ha!" sabi ko sa kanya nang makabalik siya sa harap ko.

"Alam na ngang iyakin punta-punta pa dito." umirap na sabi ni Marc tapos humarap sa salamin at inayos ang buhok niya.

"Oo na! Gwapo ka na." nakangisi kong sabi.

"Matagal ko nang alam yan. May tagapagmana na nga ako eh."

"Tss! Yabang! Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko sa kanya na ibinaba na ang veil ko matapos din tignan ang sarili sa salamin.

Hindi naman nag smear ang make up ko. Magaling ang pagkaka-ayos ng stylist. And surely it's waterproof.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now