Chapter 77 : A Night to Remember

Start from the beginning
                                    

"Meg! Busalan mo nga itong babaeng to! Napakaingay!" sigaw ni Red kahit na magkakalapit lang naman kami.

"Eh ikaw kaya ang—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nanlaki ang mata ko sa inilabas ni Meg.

"Bakit may ganyan ka btch?!!" gulat na pagkakatanong ko habang nakaturo sa hawak niya.

Humagikgik ang bruha! "Don't worry btch, bagong-bago to. Never been used!"

"Ay kingina btch! Ano yan?!" tanong ni Red kasunod ng halakhak niya.

Kahit si Q ay humahalakhak na rin habang niyuyugyog sa balikat si Meg. Mouth gag lang naman kasi ang hawak-hawak ng gaga!

"Handang-handa ka gaga!" humahalakhak na sabi ni Q kahit si Red ay hindi na magkandaugaga sa pagtawa.

"Gaga ka! Gagamitin niyo pa yata yang mag-asawa!" humahalakhak na rin na sabi ko.

"Manahimik ka na kung hindi isasalaksak ko to sa ngala-ngala mo!" sabi ni Meg na iniamba pa sa akin ang mouth gag.

Dahil sa takot ko ay pinaghahampas ko sila at halos kandadilat ako na isinenyas na lang gusto kong sabihin. Sige naman sa hagalpakan ang mga bruha.

"Muntanga ka lang Chic!" tumatawang sabi ni Red.

"Eh sagutin niyo na nga kasi yung tanong ko!"

"Ay ayaw talagang tumigil! Q, kalbuhin mo na to! Dali hahawakan ko." sabi naman ni Meg na dinukwang ako at hawak-hawak ako sa kamay.

Naglabas naman ng razor si Q kaya hindi ko mapigilang matawa. "Anong akala mo sa buhok ko? Balahibo?!"

"Sinong may sabi sayong buhok mo sa taas ang kakalbuhin ko? Meg ang binti! Paghiwalayin mo!"

"Mga gaga kayo!" punong-puno ng tawa ang sasakyan at sigurado ako na kahit sa labas ay rinig ang mga tawa namin.

"Kaka-shave ko lang, kaya wala kayong makakalbo sakin!" sigaw ko na nagpatahimik sa kanila.

"Come again? Nag shave ka?" halatang gulat na tanong ni Meg dahil nabitawan niya pa ang kamay ko.

"As in shave? Hindi trim?" tanong naman ni Q.

"Oo nga! Shave, ahit! Ano pa ang gusto niyo? Ang kukulit niyo ha!?"

Bigla namang humalakhak ng malakas si Red kaya nalipat ang tingin namin sa kanya.

"Tngina! Perfect timing!" humahalakhak na sabi niya at napapailing pa.

"Tumigil ka sa katatawa mo baka mabangga tayo! Mag-drive ka na lang!" sigaw ko sa kanya at nagtawanan na naman sila. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Bridal shower." sabay-sabay na sagot nilang tatlo.

"Nino?" nagtatakang tanong ko at napahalukipkip pa.

"Eh sino bang ikakasal sa atin dito?" tanong ni Q.

"Malamang ako!" sagot ko.

"O edi bridal shower mo gaga!" sabi naman ni Meg na bahagya pang itinulak ang balikat ko.

"Next month pa ang kasal ko. Usually ang bridal shower ginaganap lang days before the wedding!"

"Ngayon lang ako hindi busy, kaya ngayon na natin gagawin. Baba!" sigaw ni Red at doon ko lang napansin na nakahinto na pala kami.

***

They're exchanging meaningful glances and smirks, then they'll look at me and laugh.

"Para kayong mga baliw!" nakahalukipkip na sabi ko at umirap sa kanila habang nasa elevator kami.

BITCHES SERIES 4 💗CHIC💗 : Passionate ObsessionWhere stories live. Discover now