*sniffs.* "I-Ikaw? Di k-ka ba aalis?"

"I will always be right here, now, always and forever." sagot ni Grei.

"Walang f-forever." medyo nauutal namang sambit ni Axelle sabay isinilip ang mga mata mula sa ilalim ng covers.

"Meron. Hindi mo kasi ito nakikita, kundi nadarama mo. Lagi mong tandaan na di ako kelan man aalis sa tabi mo."

"Promise?"

"Promise. Peks man, I swear to the Almighty God of Heavens."

Nanahimik sandali si Axelle. "You're a stupid liar and a bad one. Alam kong iba ang mundong pinanggalingan mo at hindi ka dito belong, alam ko ring huling araw mo na 'to dito." malungkot na lahad nya. Mistulang nagulat, at the same time, nagtaka si Grei sa narinig nya pero inunahan na sya ni Axelle bago pa man sya makapagsalita. "Pano ko nalaman? Someone told me so,... Sa isang panaginip o makatotohanang ilusyon. Sinabi nya na nasira daw yung kwintas na nagsisilbing buhay mo dito sa mundong ito at kapagka nagtagal ka pa... Baka tuluyan ka nang mawala." sabay naiyak ulit si Axelle sa mga sinabi nya.

Grei formed a fist from his two hands, na para bang nagagalit o naiinis. She knows. At alam nyang itutulak sya nito palayo sa kaniya. Kaya ayaw niyang sabihin ang katotohanan kasi ayaw nyang madagdagan ang sakit na dinadala nya ngayon.

"Umalis ka na." mahinang sabi nya, but enough for him to hear. He looked at her unable to speak or utter a word. "Ako na mismong magsesesante sayo sa trabaho mo para wala ka nang maging rason pa."

"You can't do that! I won't let you! Pakinggan mo naman ang sarili mo ngayon Axelle! This is not you."

"This. Is. Me. Sa pagkakataong ngayon lumalaban ako. Di ba sabi mo naniniwala kang matapang at matatag ako? Kaya ginagawa ko itong desisyon na ito na parehong makakabuti sa atin at lalo na sayo. May pamilya ka sa mundo mo, kaya mo ba silang iwan at isakripisyo mo 'tong buhay mo dito sa walang kwentang bagay? Ano nalang ang mararamdaman nila? Ano nalang–"

"Hindi ka isang bagay Axelle! Tao ka, at maslalong hindi ka walang kwenta–"

"–pero bakit?! Bakit gusto mo pang manatili kahit alam mong hindi pupwede? Bakit pinagpipilitan mong wag kitang ipagtabuyan palayo? Bakit ba ang tigas pa rin ng ulo mo?  Bakit Grei?! Bakit?!–"

Napahinto si Axelle nang bigla nalang syang halikan ni Grei kasabay ng pagtulo ng mga luha nyang hindi mapigil. Gusto man nyang itulak sya palayo pero mukhang pati katawan nya ay naparalyze bigla. The kiss lasted for about a minute, before their lips parted as Grei leaned on his forehead to hers holding her close.

"I love you. That's why."

Noong una di makapagsalita si Axelle. She was figuring out kung ano rin ang gumugulo sa isipan nya, the feeling of 'strange feelings', now... She knew exactly why... Bakit sya masnagiging komportable at masaya kapag kasama nya??? Kasi–

"Mahal din kita Grei." reply nya. Pero hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha nya. Alam nyang kahit yung moment na 'yon ay gusto nyang magtagal, pero tumatakbo ang oras ni kapalaran.

Mula sa ilalim ng isang unan may isang maliit na sphere ball, masmalaki lang ng konti sa jolen. Umiilaw ito nang kulay pula para bang alitaptap na sa gabi'y nagbibigay liwanag. Kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha ay dinampi niya ang sphere sa may gilid ng ulo ni Grei at ito ay natunaw at mistulang pumasok sa loob ng kaniyang ulo.

Sa puntong iyon alam ni Grei kung ano ang ginawa sa kaniya ni Axelle at di nya na ito napigilan. Isa iyong memory stone na kapag asul nakakapag pabalik ng memorya at nakakakalma ng diwa samantalang kapag pula naman ay bumubura ng ala-ala. Hindi nya malaman kung alin sa dalawa ang ginamit nya dahil biglaan nga ang lahat.

Ang tanging nagawa nalang niya ay ang titigan si Axelle sa mga mata nito, unable to speak as he heard her say...

"Salamat sa lahat. Good bye. Grei."

Then he lost his conciousness.






















•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•


Dear Awesome Readers,

Maraming salamat po sa pagbabasa nitong story ko, sa tiyaga nyo and most of all sorry for the crappy ending. Well... You can always comment what you think down below (as long as it's a good and nice one). Sa mga nabitin, pakitapos nalang pong basahin ng mga sumunod na ka-echehan, pramis, may good news na nag-hihintay sa inyo. Anyways... Maraming salamat po ulit.

VirtexV

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•




Copyright © 2018 VirtexV

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now