Chapter 81: Gone to Where?

1.2K 48 0
                                    

Third Person’s POV:

Indonesia

Sa isang malawak na resort sa coastline ng Indonesia may grupo ng mga kabataang amerikano ang nagkakatuwaan palibot sa isang malaking bonfire. Masaya silang nag-aasaran at nagkukwentuhan habang umiinom ng kanilang dalang alak at nakikinig sa music ng isang radio channel. 30 minutes passed since nagdaan ang midnight. Napatingin sa kalangitan ang isa nilang kasamang babae at may nakita siyang kulay pulang ilaw na gumuguhit sa kalangitan sa may bandang silangan.

“Guys, what’s that?” sabay turo nung babae.

“What’s what?” tanong nung katabi niya na kulay blonde yung buhok.

“There’s some strange red light forming a shape in the sky. Over there, see?” paliwanag pa niya. Lahat ng kasamahan niya ay napatingala at napatingin sa direksyon na kaniyang tinitingnan.

“I don’t see any.”

“Me too.”

“There’s totally nothing in the sky Cloe.”

“I swear there’s something… really. It formed some sort of symbol, look!”

“Ok Cloe, you’re drunk! Let’s go back to the hotel.”

“No! I’m not drunk!”

“You already had five bottles of beer!”

Pero yung babae na nagngangalang Cloe ay di pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa kalangitan. Nakumpleto ang Illuminati at mula sa gitna ng larawan ay may lumabas na kulay pulang liwanag pababa. At hindi nagtagal ay natapos ito at bigla nalang naglaho.

“Cloe, let’s go. You’re starting to creep me out.” sabi pa nung naka blonde bago inalalayan patayo si Cloe. Nagpatuloy sa kanilang katuwaan ang iba pang natira.

Pagkatapos ng ilang minuto biglang yumanig ang lupa ng panandalian na para bang may mini earthquake na naganap. Everyone stopped, pati yung ibang mga turistang nasa may coastline pa din.

“What the hell was that?”

“Look!!!” sigaw nung isang babae na kasamahan din ni Cloe.

Panic rise in the air. May makapal na usok ang biglang lumitaw sa isang isla, or rather, a volcano na siyang located din malapit sa islang kanilang kinakatayuan. Biglang nag-iba ng estasyong naka channel sa radio at napunta sa isang live broadcast.

“-… everyone in the coastline are ordered to evacuate in case if a tsunami appears and stay in an open area safe from falling debris if another earthquake occurs. Local securities are now patrolling the area to-” *Radio off*

“This bull crap ruined my night.” sabi nung isang sigang napadaan habang may hawak pang bote ng alak. Habang ang iabng tao naman ay may nakatagong alarma para sa kanilang seguridad lalo na ang Hawaii ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga hula-hula nila ay may pagbabadyang sumabog ang Krakatoa Volcano.

San Francisco, California

Nagkalat sa mga billboard ang live report ng isang balitang nakapukaw ng attention ng nakararami.

(Unexpected showers of ‘red lightnings’ had suddenly appeared in the eastern part of San Francisco bay...)

Ang kakaibang kaganapang iyon na nasaksihan ng nakararami ay talaga namang mabilis na kumalat pati sa social media at maging ang mga scientists ay namangha at nagtaka sa nangyari. Ang mga taong malapit sa pinangyarihan nong lightning display ay inabisuhan munang mamalagi sa loob ng kanilang mga tahanan o sa loob ng mga establisyemento habang di pa tiyak kung mauulit pa muli ito.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Kde žijí příběhy. Začni objevovat