Chapter 26: Tragic

1.9K 67 3
                                    

Ella's POV:

Here at Green Hills Academy with the whole team! Dapat sana nagse-celebrate ako ngayon kasi lagi na kaming lahat magkakasama, pero heto nasa isang cottage kami at ang hot ng tension between Grei and Ivan. Haaayyy... Pati ba naman dito. Ang tanging magagawa lang muna naming mga members ay ang maging audience.

"-and why didn't you even informed me?" tanong ni Grei na medyo naiinis sa nakaupong si Ivan.

"Hindi na kailangan, besides... Malalaman mo rin naman." sagot ni Ivan. Naku! Buti nalang talaga at wala pa masyadong tao dito sa area kundi pinagtitinginan na kami.

"Ano to surprise lang? I am also part of the troop at ikaw bilang captain dapat ipa-alam sa lahat ng mga members ang bawat galaw at aksyon na gagawin o kahit na ang 'bagong' lokasyon na pupuntahan." hala! Hala! Hala! Maslalong nagiging hot ang tension! Hindi pa ba sila titigil?

"Una sa lahat Raze hindi ka na nakakatulong pa sa troop at lagi kang late sa mga importanteng meetings. Alam mo sa tingin ko tama lang ang ginawa mong hindi pag-accept sa una mong posisyon."

Somebody call 911! Yon ang kalimitan kong naririnig na sabi ng mga tao kapag may gulo, pero sa tingin ko bago pa dumating ang mga 911 baka abo nalang ang datnan nila. Grei's hands are rolled to a tight fist and electricity is starting to ignite habang naka tingin siya ng masama kay Ivan, same expression with Ivan na nagbabaga na rin ang kamay.

"OK! Cool off!!! Cool off!!!" awat ni Jessica sa dalawa at pumosisyon sa gitna nila. Hay salamat... Hindi na ako makagalaw kanina baka mapag-initan pa. Ang lakas talaga ng loob nitong si Jess.

"The past is past. Hayaan na natin yon. Ang mabuti pa ay magfocus nalang tayo kung bakit pinalipat tayo dito para sa bago nating task." dugsong ni Tory na naka pamaywang.

And my turn..."Mula sa Troop ng Emerald Ox may nakuha silang impormasyon na ilan sa mga high class demons ay nandito sa school na ito. At ang iba sa mga iyon ay relate kay Satan, kapag nahanap natin sila makakakuha tayo ng maraming impormasyon." paliwanag ko.

"Ang mga demon na hinahanap natin ay nasa tatlo." ngayon kumalma na si Ivan so I let him take over. "Hindi magiging madali ang paghahanap. Sa tagal na nila dito sa mundong ito nakaya na nilang magbalat-kayo o di kaya ay humiram ng katawan ng isang mortal. Kaya naman binigay sa akin ito ni Mr. Daniel upang makatulong sa atin." sabay may nilabas siyang 6 na kulay pulang maliliit na bato at isa-isa kaming kumuha non.

Teka? Teka? Ano toh? Yung napanood ko lang nung nakaraang araw don sa TV na ang pamagat ay Darna?

"Para san naman to?" tanong ni Grei.

"Kunin nyo ang mga kwintas nyo at ilagay yang batong iyan. When the stone glows isa lang ang ibig sabihin non, there's a demon nearby. Tuwing gabi magpapatrol tayo sa buong area, kadalasan ng mga demons ngayon ay lumalabas tuwing gabi upang humanap ng pagkain, malay natin baka isa sa kanila ay magpakita."


Axelle's POV:

Pagkapasok ko ulit sa aking room diretso na akong nahiga sa aking kama at hindi ko namalayan utay-utay na akong hinihila ng antok at ilang saglit pa ay nakatulog na ako.

Continuation...

13 Years Ago...

"On the wind, cross the sea, hear this song and remember... Soon you'll be home with me, once upon a December..."

"Mom... Can we watch Anastasia ulit?" I asked my mom. Lagpas na ang hating gabi nang ako ay makagising at hindi na makatulog kaya naman kapag nangyari yon kinakantahan ako ni mama ng lullaby. Isa sa paborito kong pampatulog na kanta ay yong sa movie na Anastasia at alam din yon ni mama.

"Of course sweety... Matulog ka muna ulit para may energy ka bukas ha..." I nodded. Habang papikit ang mga mata ko may isang malakas na pagsabog ang aming napakinggan.

"Mommy what's that?" tanong ko kay mama habang naka akap ng mahigpit sa kaniya.

Hindi pa siya nakakasagot ay may kumakatok ng malakas mula sa pintuan. "Halika Axelle..." pagyaya niya sa akin at ako ay tumayo hawak-hawak ang kamay ni mama ng mahigpit. Pagkabukas ng pintuan naamoy ko ang amoy mg usok at mula sa may labas sumilip kami ni mama at nakita ang isang staff ng hotel ay ginigising ang mga tao upang mag evacuate ng building. "Sweety... Stay close at kumapit ka lang ng mahigpit kay mommy ha..." tumango nalang ako as a response. Nagsisimula na ring maglabasan ang mga tao na nagkakagulo.

I'm scared... Ano ba ang nangyayari? Pareho kaming tumatakbo ni mama at naghahanap ng madadaanan palabas ng building until nakasalubong ulit kami ng isang staff at pinigilan kami pababa ng isang hagdan.

"Mam. The fire there is spreading fast it's too dangerous if you take this stairs. There's a fire exit in the other end of this hallway right next to the stock room." sabi nong staff.

"Oh. Thank you." sagot ni mama sabay pumunta kami sa sinabi nung staff. Naka bukas ang pinto ng fire exit at agad kaming bumaba ng hagdan. Nang dumami ang tao na dumadaan sa exit nagkaron ng siksikan at muntik pa akong makabitaw kay mama pero hinigpitan ko ang kapit ko kasi sinabi ni mama na higpitan ko daw. Pagkarating namin sa baba ng hagdan nakalabas kami sa likod ng hotel building na makapal na ang usok na lumalabas sa bintana ng nasa ibabang palapag.

"Ayos ka lang ba?" nakaluhod na tanong sa akin ni mama. Tumango ako at niyakap ko siya... "You're a brave girl." sabi pa niya bago dumating ang dalawa sa aming escort.

"Mam, we came as soon as we heard the fire breakout. Is everything OK?" tanong nung lalaking naka black suit.

"We're fine." sagot ni mama. And then kinapa niya yong bulsa niya na para bang may hinahanap. Lumuhod ulit siya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong balikat. "Sweety, may kukunin lang si mama ha, stay here and behave."

"Mom, the fire is spreading baka po mapano kayo... Can you please stay?..." pakiusap ko.

"Mahalaga kasi yon para kay mommy... Promise saglit lang ako ha..."

"You promise???" tumango si mama at nag pinky promise kami bago niya inutos sa mga escort namin na bantayan ako. Nagprotesta din sila kay mommy pero wala ring nagawa. I watch as my mom ran back to the burning building.

A few minutes later may napakinggan nanaman kaming dalawang magkasunod na pagsabog. At dahil sa takot ko my eyes became wattery, silently calling for my mom.

She Promised...

She Promised she'll come back...

Unti-unting tumulo ang mga luha ko ng di ko namanalayan. My vission is getting blurry at nahirapan akong huminga. Ang mga nage-escort sa akin ay hindi na malaman kung ano ba ang nangyayari. Then... I lost concious... A voice echoing inside my head

Queros et vie mor...

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon