Chapter 18: Memorial

2.5K 75 0
                                    

Axelle's POV:

HOME AT LAST!

Isang oras na ang nakakalipas ng makita kami ng mga rescue at makabalik kami sa mansion! Pero si Gray Head hindi ko na nakita, sabi ni Miss Jen may pinuntahan lang daw.Psshh... Ano ba talagang klaseng butler ang talo pa ang business man at spy na lagi nalang nawawala?

Sa may pintuan pa lamang ng mansion sinalubong na ako ni lolo. Tama! Si lolo umuwi ulit dito sa mansion pagkatapos ng limang taon heto nanaman siya! I'm super delighted to see him again!

"Axelle apo! Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Nagalusan? Nasugatan? Nabalian? Pinag-alala mo kami." sabay yakap sa akin ng napaka higpit! C-can't b-breathe!!!

"Um... H-hindi po ako maka h-hinga... At ayos lang p-po ako." sabi ko naman sabay bumitaw na rin siya sa pagkakayakap. Haaayyy... Hinga ng maluwag. Now is my turn. "Kararating nyo lang po ba?" masaya kong tanong.

"Kanina lang, sasama sana ako sa paghahanap sa inyo kanina p–" hindi na siya nakatapos magsalita nang biglang lumitaw sa likuran niya si step dad. Haaayyy... Heto nanaman ang aktingan.

"Dahil mapapagod lang po kayo." sagot niya nang may ngiti habang naglalakad papalapit sa amin."May tiwala ako sa mga tauhan kong magagaling na ipinadala ko upang hanapin sila." Psshh... Wrong answer. Dapat ang sinagot niya nag-aalala rin siya sa akin instead na ipangalandakan niya na magagaling ang search party na ipinadala niya. Then his attention suddenly shifted towards me with the same old 'pretend' happy smile plastered on his face. "Pinag-alala mo kami Axelle, buti ay ayos ka lang. Nandito pala ang doktor mo upang i-check up ka." pagkabigkas niya ng doktor ipinagdasal ko na sana hindi iyon yung doktor na nakakatakot ang mukha kundi yung doktor ko talagang si Dr. Lea.

Sa sobrang daming nangyari nong mga nakalipas na araw halos malimutan ko na na may monthly check up nga pala ako para sa sakit ko, pabalik-balik kasi. Para kasi akong laging nakakaranas ng heart attack o pagminsan naman nahihilo na parang may hypotension o lumilindol hanggang sa mawalan ng malay. "At mamaya pagkatapos ng check up mo magbihis ka na ng maayos na damit." ang nagmamatinong utos ni step dad. Huh? May iba pa ba kaming lakad? Tumango ako bago nagpaalam kay lolo upang pumunta sa kwarto ko. Habang naglalakad nag-iisip ako... Ano pa nga ba ang meron sa araw na ito? Just then naalala ko ang date ngayon.

"Memorial day ni Mama." bulong ko.

Flashback...

13 years ago

Isa sa pinaka maunlad na kompanya sa mundo ang Frontier Company. Na siyang kompanyang gumagawa ng mga gadgets, appliances at iba't ibang uri,style o disenyo ng mamahaling mga kotse. Halos nasa may 50 branch ang kompanyang ito sa bawat bansa sa America, Europe at Asia. Isa rin ito sa pinaka malaking technological company sa mundo dahil kalimitan ng kanilang mga produkto ay moderno at futuristic ang dating.

Sa ngayon ang asawa ng C.E.O. ng kompanya ay nasa isang bakasyon sa New York City kasama ang kaniyang anak na babae. Kasalukuyan silang nasa kanilang first class na kwarto sa isang five star hotel na kung saan sila mag-eestay ng tatlong araw bago lumipad patungong Korea for some business. Halos 10:00 na ng gabi nang makarating sila sa kanilang hotel pero hindi halata kay Axelle ang pagkapagod sa byahe.

"Ma! Pwede don lang po ako sa may indoor playground? please!" pag-anyaya ni 5 year old Axelle sa kaniyang mama habang hawak-hawak niya ang kamay nito.

"Di ka pa ba antok?" tanong ng mama niya, sabay tumango naman si Axelle na may kasamang ngiti at puppy eyes."I can never resist you with that cute look on your face."

"Yes!" masayang sabi ni Axelle. "Come on! Let's go!"

"Oo na, we're going na nga."

Pagkarating sa may indoor playground sa may third floor kaagad nagtatakbo si Axelle paakyat sa may slide samantalang ang mama naman niya ay kinukunan siya ng pictures. Pagkatapos ng ilang rounds ng slide, trampoline, swing at seesaw napagod din siya at ngayon nagpapahinga sila ng kaniyang mama malapit sa may malaking glass window na kung saan tanaw mo ang magandang city ng New York na napapalibutan ng iba't ibang mga ilaw kasama na ang magandang view ng mga sky scrapers na nagtataasan.

"Mommy! Picture tayo!" yaya ni Axelle sabay kinuha yung camera at siya mismo ang nagboluntaryong kumuha ng kanilang larawan.

"Ano antok ka na ba? Tulog na tayo sweety?" tanong ng kaniyang mama sabay naghakab si Axelle at tumango bago sila bumalik sa kanilang room.

To be cont...

End of flashback.

Hindi ko inaasahang iyon na ang magiging huli naming gabi ni mama na magkasama.

Pagkatapos ng isang oras na katakot-takot na check up ko naiwan akong mag-isa sa room ko para mag prepare ng aking sarili. Ilang saglit pa may kumatok sa may pintuan at pumasok ang isang katulong, the same maid na kasama ni Chelsie nong naaksidente siya slash kami pala. May dala-dala siyang kahon sabay inilapag iyon sa aking higaan. Nakangiti siyang tumingin sa akin. "Mabuti naman po at ayos lang kayong dalawa." sabi niya.

Ngumiti din naman ako at tumingin don sa kahong ipinatong niya sa kama ko. "Anong laman nyan?" tanong ko.

"Sabi po ng lolo nyo kung pwede yan nalang daw po ang inyong isuot." sagot niya. Basta kay lolo, pwedeng-pwede.

Lumapit ako don sa may higaan ko at binuksan yong kahon to reveal a knee lenght white dress na may see-through long sleeves ang style at may mga embroidery na curls sa may dulo ng palda meron pa itong matching silver belt na may kumikinang na blue stone sa gitna.

"Ah. Nakalimutan ko palang tanungin kung ano nga pala ang pangalan mo. Bago ka lang di ba?" tanong ko dahil di pa ako masyadong pamilyar sa mukha niya.

"Opo bago lang nga po pala ako dito. Ako po pala si Imy." pakilala niya sabay ngumiti. Ang ganda siguro niya kapag naka lugay ang sa palagay kong bagsak niyang buhok. At sa tingin ko magka edad lang din kaming dalawa.

Ngumiti ako. "Nice to meet you Imy." sabay nag bow siya bago in-excuse ang sarili niya para umalis. Mabait siya ha...

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now