Chapter 47: Chasing Demon

1.3K 57 1
                                    

AN:

Appologies sa matagal na hintay at sa naganap na name error, kung nabasa nyo man yung chapter na 'Hunter's Back!' ang tunay na pangalan nung girl na tinutukoy don ay Jiena Maurie Hunter, not the Jenna na siyang VP ng Phantom Hunter Club. That Error have been fixed naman. Sana malinawan na kayo. Sorry... But anyway here's Chapter 47 enjoy!

Ella's POV:

Two Weeks Later...

Me and Tory were at Charise's hidden cottage sa may dulo ng mini forest na malapit sa school. We are both hoping na makakakuha pa kami ng dagdag na impormasyon patungkol sa mga nagaganap na mga pagpatay na sa school. It seemed like palagi nalang kaming nahuhuli sa eksena, o baka naman ay masyado lang mabilis at mautak ang nag-iisa naming kalaban. Namatay na ang isa sa kambal na tinutugis rin namin kaya ang posibleng maging dahilan kung bakit pumapatay na siya ay nang dahil sa paghihiganti.

Halos magdadalawang linggo pa lamang nang maganap ang pagpatay sa isang mortal it seemed like the list is getting shorter at wala pa rin kaming idea kung sino yung pang #2.

"Kung gayon isa nalang talaga ang hinahanap namin?" pagsisiguradong tanong ni Tory.

Tumango si Charise. "Maaaring siya ang matanda sa kanilang kambal. Kung di nyo man siya mahuli o makasalubong man lamang baka dahil iyon sa kapangyarihan nya." sagot pa niya.

"Ano ba ang kapangyarihan ng aming hinahanap?" tanong ko pa.

"Ang kambal niya ay may kakayahan kumontrol ng hangin at ang isa naman na nakatatanda ay may kakayahang gumalaw kasing bilis ng hangin na para bang di mo nakikita." sagot ni Charise.

"Kung ganon, we better be careful. The winds have changed sa bagong kalaban." sabi ni Tory.

"So which means din na we need to keep a closer, much closer, watch on Riel, Roshae at yung hindi pa natin nakikilalang si #2." dagdag ko pa sabay hinga ng malalim at naupo sa isang lumang bangko na inaalikabok na.

"Yup! Ang dami-daming trabaho for just the two of us. Kelan daw ba babalik sina Grei?" tanong ni Tory.

"Ewan. Wala pa silang pasabi. They must be busy hunting down, at bukod don hahanapin pa nila yung anak ni Satan." sagot ko.

"Aaarrgghh!!! Ang daming trabaho!"

"I know right?"

Axelle's POV:

589...590...591...592...5-

Teka? Bakit nagbibilang ako ng stars? Mababaliw na talaga ako sa walang magawa!

Here I am naka dungaw sa may bintana habang nagbibilang nga kanina ng mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. 10:00 na ng gabi pero di pa rin ako makatulog. Wala pa rin sina Tory at Ella galing sa kanilang patrol. At pinakabilin-bilinan pa sa akin ni Ella bago umalis ay dito lang ako sa loob ng room well... Ayoko nang maging pabigat pa sa pasanin nila kaya naging masunurin ako. My hands are aching for combat ang throwing practice. Kelan kaya ulit ako makakapunta sa training room ko sa mansion?

Boring ka kasi wala yung butler mo noh?

Hindi ah.

You  missed him.

No. NEVER IN FOREVER.

You do.

I don't.

Do.

Dont.

Do! ^_^

Don't!

Argh! I must be going crazy nantalaga! Pati sa ulo ko may bumubulong-bulong na din! But what kind of butler leaves his master alone? Unguarded? Unprotected? Argh! Bahala nga siya sa buhay nya.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now