Chapter 16: Camping with the Devil 2

2.4K 88 2
                                    

Nang maka upo na ako ay nagteleport na paalis si Gray head at bawat minuto bumabalik siyang may dalang mga kahoy. Pinabayaan ko nga. Pero marami akong gustong malaman tungkol sa katauhan niya.

"Gray Head." tawag ko.

"Hm?"

"Yung mga kaibigan mo rin ba na nasa white house mga spirits?"

"Ah... Oo." maikli niyang sagot habang sinasalansan yung kahoy para padalitan ng apoy.

"Bakit kayo nandito sa mundo ng mga tao?" parang ang kausap taga ibang planeta eh...

"Pinadala kami para manghuli ng mga demons." sagot niya at panandaliang natigil ang pagtatanong ko nan makita kong may kuryenteng dumaloy sa kamay niya at ginamit niya iyon para makagawa ng apoy.

At may naalala ako..."Sabihin mo nga, ikaw ba yung naka tama dun sa zombie man ng kidlat na akala kong kung saan lang galing?"

"Ah... Oo at hindi naman talagang literal na zombie man ang umatake sa iyo isa itong ordinaryong tao na sinaniban ng demonyo." tapos tumayo siya. "Hayan, may apoy ka na. Mabuti pa matulog ka na para maaga kang magising bukas. Magbabantay pa ako." sabay nag teleport siya papunta sa itinuro kong punong pahingahan niya kanina. Hindi na rin ako umimik at natulog na, pagod na pagod na ang mga paa ko sa paglalakad kanina.

Grei's POV:

Nabalot na ng katahimikan ang paligid. Walang pinagkaiba ang mga gubat dito sa mundo ng mga mortal sa mga gubat ng Zyteria lalo na ang gubat ng Alkasia ang pinaka paborito kong lugar para manghuli ng firebird o phoenix. Kamusta na kaya sila don sa Academy?

"Hindi ko na pala kailangang lumayo upang maka hanap ng knight."

Naalerto ako bigla don sa nagsalita, isang pamilyar na boses ng traydor.

"Vuiena Raze..."Bati sa akin muli nung boses sabay sa isang madilim na bahagi ng gubat lumabas ang isang malaki at itim na Shadow Wolf... si Azcar."Matagal na rin tayong di nagkita."

"Hindi ko inaasahang nandito ka rin Azcar." sagot ko naman. Mistulang ngumiti siya bago utay-utay na naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. "Sabihin mo, pinadala ka rin ba ng hari nyo dito sa mundo ng mga tao para manakot o manggulo?"

"Hindi ako pinadala ni Satan dito para makisalo sa kasiyahan nyo, pinadala ako dito upang sunduin ang nawawala niyang anak na si Alvira." sagot niya.

"Bakit parang ang bilis mo naman magbitaw ng sagot? Hindi mo ba alam na baka maisabi ko ito sa mga kaibigan ko at maunahan ka namin sa paghahanap?"

"Alam ko iyon, pero anak siya ni Satan at kahit ano pa ang gawin niyong mga knights ay hindi nyo siya makukuha sinisigurado ko iyan sa inyo."

"Yan ba ang dahilan kung bakit sinasabi mo iyan sa akin? Kailangan mo ng knights para malaman ang kinaroroonan ni Alvira." nagsimula siyang maglakad paikot sa akin, moving like a predator, pero di ako nagpapasindak. Minsan ko na siyang natalo sa duel patunay lang na kaya ko ulit iyong gawin.

"Matalinong Raze..."

"Gray Head." pareho kaming napa tingin sa direksyon nung boses, si Axelle gising pa pala.

"Bakit? Akala ko tulog ka na." tanong ko acting casual kahit na may masamang demon spirit sa tabi ko.

"Hindi ako makatulog. May tanong lang ako." sabi niya habang hawak ang kaniyang dagger sa kanan niyang kamay.

"Ano yon?"

"Sino sya?" sabay turo gamit ang dagger niya sa direksyon ni Azcar. "Kanina ko pa siyang nakikitang umaaligid sa iyo at sa tingin ko di siya ordinaryong lobo dahil wala non dito sa bansa."

"Oohh... May kasama ka pala Raze... Isang mortal."

Humarap ako kay Azcar, staring into his deep black demon eyes."Subukan mo siyang galawin Azcar ako makakalaban mo." sabay napatawa siyang bigla. Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko o iniinis lang niya ako?

"Wag kang mag-alala Raze, wala naman akong balak na galawin siya..." sagot ni Azcar habang naglalakad papalayo sa aming dalawa, pero panandalian siyang huminto at lumingon sa amin. "Iilan lang sa mundo ng mga mortal ang ipinapanganak ng bukas ang ikatlong mata. Pero ito ang natutunan ko noong ako'y namamalagi pa sa Academy... Ang mga mortal na bukas ang third eye ay may angking kapangyarihan..."

"Umalis ka na bago pa ako mainis sa iyo." utos ko.

"Masyado kang atat Raze patapusin mo muna ako. Maaaring hindi ko siya galawin ngayon pero sa hinaharap ang mga taong katulad niya ay may pakinabang din at maaaring hindi pa dito nagtatapos ang pagkikita natin Raze." pagkatapos non ay tuluyan na siyang naglaho sa dilim na parang usok.

"Anong ibig niyang sabihin Gray Head, magsalita ka at ipaliwanag mo ang mga nangyayaring ito, umpisa don sa malaking lobong iyon." alam ko na naguguluhan na rin siya pero hindi naman siguro masama na magbigay ng konting impormasyon sa kaniya.

"Siya si Azcar, kaya niyang magbalat-kayo sa kahit anong uri ng hayop pero ang kalimitan niyang anyo ay ang malaking lobong nakita mo."

"Bakit kung parang kausapin ka niya matagal na kayong magkakilala?"

"Isa siya sa naging propesor ko sa Academy pero trinahidor niya kami at sumanib sa mga demons kaya naging purong demon na rin ang dugo niya."

"Ano naman ang kaniyang tinutukoy na may third eye daw ako?"

Ang dami niyang tanong ah... "Ang mga mortal na may third eye ay nakakakita ng mga spirits, kaluluwa at iba pang supernatural beings na hindi nakikita ng mga ordinaryong mata ng tao. Some people na bukas ang third eye ay may kapangyarihan katulad nga ng nabanggit ni Azcar at posible din silang magamit at makontrol ng ibang supernatural beings kapag mahalaga o magagamit nila ang abilidad na taglay nung mortal. Pero mortal stays mortal and immortal stays immortal."

"So ang ibig mong sabihin may chance na may powers din ako? Ganon?"

"Tumpak. Pero mabuti pa ay matulog na muna tayo. Akala ko tulog ka kanina."

"I decided to stay a little while hanggang sa ma-curious ako sa pinag-uusapan ninyo, pero great idea... Inaantok na nga din ako." *yawns* sabay naglakad na siya pabalik sa kaniyang tinutulugan kanina. I just watched her as she starts to sleep from a distance. There's this one thing I'm afraid of... It's her having powers.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now