Chapter 91: Nightmare in Hidding

1K 44 0
                                    

Axelle's POV:

It was dark at first... Wala akong marinig kahit isang tunog pero as time pass by, I found myself hearing silent conversations. Pero ayoko pang imulat ang mga mata ko, kung sakaling naka-pikit man ako.

Sa loob ng ilang minuto, wala akong pake sa kung nasan man ako hanggang sa pumasok sa isipan ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Not all of them naman, yung pahuli ay medyo blur, pero tanda ko yung mga simpleng detalye.

The silent conversation turned to normal. Napakinggan ko yung boses ni Tory. "May malay na ba sya?"

"Hindi ko nga alam eh. Hindi natin kayang malaman yon hangga't di pa sya gumagalaw." boses ni Ella naman ang sumagot.

"Anong oras ka pupunta mamaya?" tanong ulit ni Tory.

"Baka kapag dumating na si Ericha. Ikaw?"

"Magkasabay kami mamaya ni Jess."

"May balita ka na ba kay Grei?"

Si Gray Head?

"Wala pa nga eh. Di pa lumalabas si Mr. Daniel sa dulong kwarto." medyo malungkot na tunog ng boses ni Tory.

"Hindi talaga ako makapaniwalang ginamit nya yung buong kapangyarihan nya kanina."

Their conversation seemed to attract my attention. Kailangan ko na rin namang gumalaw. Nakakaramdam na rin ako ng pamamanhid.

"Axelle?"

"Gising na sya."

Habang binubuksan ko ang mga mata ko. Hindi man ganon kasilaw na liwanag ang bumungad sakin. Medyo may kadiliman din ang silid kung saan ako naroroon.

"Axelle, nakikita mo ba kami?" dumungaw si Ella mula sa sakop ng paningin ko. Tumango ako bilang sagot.

"Haayyy... Salamat naman." sabi ni Tory.

"Si-si Gray Head?" tanong ko sa kanilang dalawa.

I'm sure the last person that I saw is him. At kani-kanina lang ay napakinggan ko rin silang pinag-uusapan sya. I wonder what happened to him. At mahirap mang aminin pero... Nag-aalala rin ako para sa kaniya. Sa tono palang ng boses nila kanina.

For a second, hindi sila nagsalita at nagtinginan lang sa isa't isa. Huminga ng malalim si Ella bago nagsalita. "He's fine. Wag kang mag-alala."

"But why do I get this feeling na nagsisinungaling kayo sakin?" I narrowed my eyes at them. "Tell me every single detail of what had happened bago ako mawalan ng malay. Every. single. detail."

"Um..." nagtinginan ulit sila at tumango si Tory. "Kasi, ganito yon...

Flashback...

Third Person's POV:

14 hours earlier...

Kasalukuyang nakikipaglaban sina Tory, Ivan, Vanessa at Ella sa Demon King katulong ang ibang mga troop leaders. They know that the demon king is much more powerful than them, kaya ang kanilang attact tactics nalang ang maaaring maging advantage nila para manalo. Ivan came up with a plan at nakipag-communicate sa iba niyang kasamahan.

"Dalhin nyo sya malapit sa portal." utos niya.

Hindi na siya kinuwestyon ng iba at sumunod nalang sa kaniyang pinapagawa.

Vanessa and the other troop leaders continues to push the demon king close to the portal while yung iba naman ay kinakalaban yong ibang shadow demon na nakiki-alam sa kanila.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now