Chapter 54: Alone Morning

1.3K 53 0
                                    

Third Person's POV:

Sa may tabi ng kalmadong ilog sa ilalim ng sinag ng buwan na di kalayuan sa isang malaking simbahan tahimik na naglalakad habang nag-uusap sina Mr. Daniel at Father Anthony.

"...kung gayon, alam nyo na kung sino sa mundong ito ang hinahanap nyo?" tanong ni Father Anthony habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid.

"Oo... Pero sa tingin ko may alam na rin ang mga demons tungkol doon, kaya kinakailangan nating magmadali. Ayoko sana siyang biglain pero... Wala nang ibang magagawa pa." huminga ng malalim si Mr. Daniel at nagpatuloy. "Sana lang ay di sya maging katulad ng kaniyang orihinal na pinanggalingan. Nong naka raang araw ay nakita ko siya, lumaki siyang isang mabuting tao at sana lang ay magpatuloy pa ito."

"Kahit ano pa ang sabihin mo dama ko sa iyo ang takot at pangamba na magbago at maguluhan ang isip niya. Pero isa lang ang alam ko... Pinagkaloob siya sa isang magandang pamilya na kung saan mabubuti at busilak ang mga puso ng mga taong nagpalaki at nagturi sa kaniyang parang tunay na anak. Tiyak na kahit sa masamang dugong dumadaloy sa kaniya, patuloy pa rin siyang mananatili sa liwanag." pagsisigurado ni Father Anthony. "Alam na ba ng mga knights ito?"

"They will know... Binabalak kong sabihin sa kanila bukas." sagot ni Mr. Daniel sabay limot ng isang batong makinis mula sa tabi ng ilog.

"Kamusta naman ang pagpuksa sa mga demons?" tanong ni Father Anthony.

"Kelan lang maraming na-seal at napatay na demons ang mga knights. Kumonti ang bilang nila sa mga nakalipas na araw, ngunit kahit ganito na ang kalagayan, may mga ikinababahala pa rin ako."

"Ano naman iyon?"

"Mga kaso ng pagpatay at pananakit ng demon sa isang school at pagpapadala ni Satan ng Demon Assasin sa mundo ng mga tao. Minsan pumapasok nalang sa isip ko ang mga hula-hula patungkol sa mga plano ni Satan. Ang naiisip ko palang sa ngayon ay ipadala ang dalawang troop ng knights sa Green Hills Academy para magbantay sa anak ni Satan at makatulong sa paghuli sa nanggugulong demon don." paliwanag ni Mr. Daniel.

"... At sa tingin mo ba mapipigilan non ang adhikain o misyon ng mga demons?"

"Sa tingin ko hindi. Knowing Satan, he will do anything to get what he wants pero maganda na rin yong handa at may laban. Ngayon ayon sa sulat na galing kay Lord Rey, malaki ang pangambang nababalot ulit ngayon sa buong Zyteria. Nahihirapan na silang ma-sustain at ma-mentain ang lakas ng Elexus, kaya't patuloy pa rin itong humihina, isa pa ay... Nag-aayos na ang Academy ng mga bagong recruit na knights na papalit sa mga nananatili dito. Their time given is almost at its end."

"Hanggang kelan nalang ba ang pananatili ng mga knights sa mundong ito?"...

TIME SKIP.

Axelle's POV:

Kinaumagahan isang masakit na back pain at small head ache ang gumising sa aking pagkakatulog ng mahimbing. Naaninag ko kaagad ang sikat ng araw na mula sa bintana habang utay-utay kong itinatayo ang sarili ko sa pagkakahiga ng di maayos sa malamig na sahig gamit ang dalawa kong kamay bilang suporta sa pagtayo.

Napansin ko din na tahimik ang buong kwarto. Napa ligon ako sa kama nina Jessica, Tory at Ella. Wala sila... At mukhang di man lang nagalaw ang mga unan na maayos pa ring naka salansan malapit sa ulunan ng kama.

Hinilot-hilot ko ng konti ang gilid ng noo ko at huminga ng malalim bago ko narinig ang mahinang alarm nung cellphone ko na natabunan ng unan sa may higaan.

Anong nangyari kagabi? Hindi kaya panaginip ko lang iyon?

I recall the scenes last night kug totoo man talagang nangyati iyon. I recall the faces, scenes, the mask. I know na mga demons sila pero what do they want from an ordinary human like me?

Dumiretso ako sa banyo at naghilamos dahilan ng tunay talaga akong magising sa lamig nong tubig at nakita ko ang medyo mapulang bakat ng kamay sa may leeg ko. That stupid demon. Balang araw gagantihan ko rin siya.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili hanggang sa paglabas ko sa banyo ay wala pa rin sina Ella. Asan na kaya sila?

Habang papalapit sa may study table ko para kunin yong aking bag ay napansin ko ang sirang frame na nakataob sa may gilid ng kama ko. I just remembered n nawalan nga pala ako ng malay kagabi.

Nilimot ko iyong frame na sira at habang tinataas ko ito ay may nahulog na isang kapirasong lumag papel sa sahig mula sa likod nung larawan.

Nilimot ko ito at napansin ang isang short cursive writing sa may gitna ng papel.

Queros et vie mor.

Iyon ang nakalagay. Parang narinig ko na iyon matagal na panahon na pero di ko ma recall kung saan at kanino. Hindi ko rin alam ang kahulugan nasinasabi nong cursive na sulat.

Itinago ko ito pabalik sa loob ng drawer ng study table ko kasama yung frame at saka nagdesisyon na lumabas na ng kwarto. Sakto namang lumabas din si Imy sa kwarto niya kaya kaming dakawa ang nagsabay papasok.

That's strange... Bakit kaya di pa bumabalik sina Tory? Di kaya sobrang importante ang kanilang mga ginagawa?

"Hoy? Bakit parangkanina ka pang lost in thought?" tanong sa akin ni Imy.

"Ah wala may iniisip lang ako. Eh kung magtanong kaya ako sa kaniya? Well... Woth to try. "Imy... Nakita mo na ba sina Tory?" tanong ko.

"Ah... Hindi pa eh. Bakit?"

"Wala na sila pagkagisng ko eh." sagot ko.

Baka nauna na sila sa school." dugsong ni Imy.

Nauna? They never leave without me maliban nalang kung nagpaalam ako sa kanila o sila sa akin na uuna na lang. I haven't also heard about the annoying Gray Head din. Baka busy sa GF nya. And why would I care about that di ba? May kanya-kanya naman tayong buhay.

"Um... Axelle."

"Hm?"

"Pwede ba sabay ulit tayo mamaya?"

"Sure. Bakit parang may gusto ka pang sabihin?"

"Eh kasi... I want to tell you something na sana di mo ako maturingang crazy ha."

"I love crazy. Kita nalang tayo sa may harap ng school pagkatapos na pagkatapos ng klase." sabi ko naman. Tumango siya at saktong huminto na yung mini bus na sinasakyan namin. We made our way out of the bus and into the building.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now