Chapter 87: Back to the Old Days

1K 44 0
                                    

Third Person's POV:

Mistulang nahinto ng panandalian ang lahat pero maslalo pang naramdaman ng demon king na hinahamon siya ng mga ito. Kaagad na kumilos ang mga leader ng knights at sabay-sabay na umatake sa hari, yong iba naman ay pinupuksa yung mga shadow demons, samantalang hindi makagalaw sa kaniyang pwesto si Azcar kasi limang knight ang pumipigil sa kaniya, pero mukhang kampante pa rin sya kasi alam niyang 'di titigil ang demon king hangga't 'di sya nananalo. He might as well sit back and wait habang naka aim pa rin kay Grei ang kaniyang matatalas na paningin.

Dahil sa sabay-sabay na pag-atake ng mga knights sa demon king utay-utay na nagbabagsakan ang kisame ng kweba at para bang pumapaitaas ang kanilang tinutungtungan. Denver uses his shield to protect his troops kasama din don sina Axelle.

"Ayos ka lang?" tanog ni Grei nang makalapit kay Axelle at siya na mismo ang bumuhat kay Jiena.

"Sa ngayon, buhay pa naman." sagot naman ni Axelle.

"Hold on to me. Iaalis ko kayo dito." utos sa kaniya ni Grei.

Nang walang kahit ano pang tanong ay sumunod si Axelle. Sino ba namang gusto pang manatili sa gitna ng isang war zone? Ano? Nagpapakamatay lang?

Ginamit ni Grei ang kaniyang kapangyarihan para mai-teleport sina Axelle sa isang ligtas na lugar at malayo sa kanilang labanan. Sa pinaka taas at huling silid ng isang walong palapag na gusali niya sila dinala.

Axelle's POV:

Pagkarating namin sa parang isang hotel, o hotel nga talaga. Binaba ni Grey Head si Jiena sa isang malaking kama sabay inumpisahang saraduhan at i-lock ang bawat bintana at pinto.

"Dito lang kayo. Wag kayong lalabas at sasama kung kani-kanino kung may dumating man. Hindi sila tao, kundi mga demons." utos niya. Teka? Ano na nga ba ang nangayyari dito sa reality ngayon? Ilang araw na ba akong nawawala?

"Pano mo nasabing di sila tao?" tanong ko.

"Dahil ang oras sa mundo nyo ay huminto–" °_° ??? Aaannnooo ddaaww? Hindi kaya nagloloko lang sya? Ano 'to science fiction? "–maniwala ka man o sa hindi, totoo yong sinabi ko. Lahat ng mga mortal at kahit na mga bagay o hayop dito ay huminto sa paggalaw " dugsong pa niya na parang nabasa bigla ang iniisip ko.

"Teka, eh bakit ako hindi man lang huminto?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil nasa loob ka ng barrier nong mga panahon na nagsimulang huminto ang lahat kaya di ka naapektuhan." paliwanag rin nya. Ilang saglit pa ay parang may naalala siya sabay may kinuha mula sa tagiliran niyang bulsa sabay naglakad pabalik at patungo sa direksyon ni Jiena na wala pa ring malay na nakahiga. He bent down at nakita ko kung ano yung kinuha niya kanina. Isang silver cross necklace na may pinkish na gem sa gitna. Madahan niya itong itinakid sa may leeg ni Jiena habang ako naman ay nakatayo at tanging pinagmamasdan lang sila.

Parang nasa isang romantic movie...

Huh? Ano ba 'tong iniisip ko?! Scratch! Scratch!

"Alam mo ba kung pano sya magigising?" tanong ko. At bigla nalang pumasok sa isipan ko yung disney movie na "Sleeping Beauty"?! Ano toh? Fairytale? Wag lang talaga nilang subukan sa harapan ko ha! Naku! Kundi baka may masapok pa ako. Pero this scenario just reminds me of that, teka? So... Ano ako? Isa don sa mga matatabang fairies? No way! Si Maleficent? Teka? Kontrbida yon ah???

"Hoy."

"H-ha?" agaran kong sagot nang magising sa reality.

"Bakit parang may kalokohan kang iniisip?" tanong nya na mukhang nagsususpetsa. Teka? Nakakabasa na ba sya ng iniisip ng ibang tao ngayon?

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now