Chapter 76: Sometime Someday

1.1K 52 0
                                    

Spirit Realm
Zyteria

Third Person's POV:

Tahimik at seryosong naka-upo sa kaniyang study ang hari ng Zyteria habang tinatapos ang tumpok ng mga papeles na nakasalansan sa kaniyang lamesa. Halos walang humpay na pag-aapruba at pagbabasa ang kaniyang ginagawa araw-araw pagkatapos ng ilang pasaglitang pagbisita sa karatig na kaharian na pinamumunuan ng mga Lords. Bagkus, iniisip din niya ang patungkol sa krisis sa siguridad ng buong Zyteria. Mahahalata na, pati ng mga ordinaryong mga mamamayan, ang paglakas ng pwersa ng mga Demons. Ipinag-utos na rin niya na magpadala ng karagdagang knights sa mundo ng mga mortal at magpakalat ng mga Hunter Knights ang bawat kaharian sa mga nakakalusot na mga demons sa humihinang shield barriers. Hanggang sa ngayon, patuloy pa ring humihina ang Elexus sa di malamang dahilan at kapag tuluyang nawala ang lakas nito sasalakayin sila ng mga naghihintay na demonyo sa labas ng borders.

Naalala niya ang sulat na ipinadala sa kaniya ng kanilang mortal na kaaway, si Satan. Hindi na nakapagtataka ay may malaking plano siyang nakahanda para sa muli niyang pamumuno.

Ilang libong taon na ang nakakaraan nang maganap ang Dark Era dahil sa malakas ang pwersa ng mga demons kesa sa mga Holy Spirits. Sa Zyteria, labis na naapektuhan ang fire kingdom na kung saan unang naganap ang simbolo ng Illuminati at sa mundo  ng mga tao ang simula nito ay sa bansang Hawaii, na kung saan ay may malaking lagusan na patungong impyerno ang nagbukas, na magpasahanggang ngayon ay naroroon pa rin pero nananatili itong mahigpit na nakasara sa mga nagdaang taon. Hindi niya hahayaang mangyari muli ang mga bagay na iyon, sa abot ng kaniyang makakaya, pero mahirap ngang hulaan ang mga hakbanging ginagawa ngisang demonyo para gisingin ang kaniyang natutulog na mga sundalo. He knows something bad will happen… Without some extra power source mahina pa rin ang depensa nila against sa mga demons, at ang outcome ang pinapangambahan niya.

Noong nakaraang linggo lang ay nagtungo siya sa High Temple at nakipagkita sa isang anghel. Pure Holy Spirit ang mga anghel at sila ang mga napiling spirits na nananatili sa Kingdom of God, at bumalik siyang pinanghahawakan ang mensaheng sinabi sa kaniya.

Sa gitna ng kaniyang taimtim na pananahimik at pag-iisip ay pumasok si Lord Rey na may dalang pangamba sa kaniyang itsura.

“Paumanhin sa bigla kong pagpasok mahal na hari, pero may kailangan po kayong makita.” mabiis niyang ulat na walang paghinto kahit na hinihingal na siya mula sa kaniyang pagtakbo. Agarang tumayo din sa kaniyang kinauupuan ang hari at sinundan si Lord Rey palabas ng kaniyang study. Sa may hallway pa lamang papunta sa isang balkonahe, napansin na niya na may tinitingnan ang mga tagapagsibi mula sa bintana. Nagpakita sila ng respeto sa hari ng kanila itong makita sabay bumalik ulit ang tingin sa labas ng bintana kasunod ng ilang bulong-bulungan na nangalat sa ere.

Pagkarating sa may balkonahe agad naka-agaw ng kaniyang pansin ang malabong guhit sa kalangitan, ang simbolo ng illuminati… Pumasok sa kaniyang isipan ang pagbubukas ng lagusan. This can’t be. Masyado pang maaga kesa sa kaniyang inaasahan.

“Mahal na hari.” tinig ng dumating na heneral mula sa kanilang likuran ang bumati sa hari. “Nakahanda na po ang mga kawal nyong pandigma.”

Ilang buwan na rin niyang pinapaghanda ang kaniyang mga magagaling at matatapang na mga mangdirigma. Mahaba at nakakapagod na pagsasanay ang kaniyang ipinatupad sa nakalipas na mga araw. Kasama na rin dito ang masnapabilis na pagte-train sa mga knights sa Academy.

“Send a word to the mortal world.” utos niya kay Lord Rey. Tumango siya at madali ring umalis. “Heneral, kumuha ka ng ilan sa mga tauhan mo, sasaglit ako sa Academy.”

“Masusunod po.”

Mortal World

Nangangambang nakatingala sa madilim na kalangitan si Mr. Daniel dahil sa malabong Illuminati na naka guhit sa itaas. Hindi ito nakikita ng mga ordinaryong mata ng mortal na tao kaya tanging mga spirits at supernatural beings lang ang nakakakita ng guhit na iyon. Kasama pa do ay he had just receive a message from Zyteria’s King, so… it’s also happenng on the other world… at pinadalan na rin niya ng word ang mga knights sa iba’t ibang panig ng mortal world upang pigilan ang mga demons sa kanilang balak, he only hopes na it’s not too late. Without a strong defense, it’s hard to win.

Ilang saglit pa ay nilapitan siya ni Jovy.

“Sir. Nasa Mynan Club na po ang mga knights… At andito po si Lord Ramis.”

Napalingon siya agad sa kaniyang narinig and Jovy waked away from then. He was then greeted by the Lord.

Viez con orie Mr. Daniel.” malugod niyang pagbati.

Viez con orie Lord Ramis.” bati naman sa kaniya ni Mr. Daniel. “Sa tingin ko may mahalaga kang sadya kung bakit bigla kang nagpakita at naparito pagkatapos ng ilang daang taon mong pagkawala sa mata ng nakararaming spirits, mabuti pa ay sa loob tayo mag-usap, magpapahanda ako ng maiinom natin.”

Napangiti si Lord Ramis. “Hindi na, di rin ako magtatagal.”

“Kung ganon, mangyari ngang bangitin mo kung ano ang iyong sadya?”

“Si Axelle. Kilala nyo sya kung di ako nagkakamali di ba?”

“Yung mortal na anak ng isang mayamang pamilya? Sabihin mo nga… ikaw ba ang kumuha kay Raze bilang butler nya?”

“Oo, ako nga.”

“Hindi na ako magtataka kung bakit. Anong kailangan mo dun sa babae? And more important… kaano-ano mo yung babae?”

“She has many importance, to us and to the demons, napalapit na rin siya sa akin, kaya naman I want you to bring her back safely.”

“Pano? Pano ka napalapit sa isang mortal? At alam mo na malaking kwestiyon na rin sa nakararami ang pag-alis mo sa Spirit Realm. Bakit ka nga ba umalis?”

“Masaya akong muling nagkita tayo Mr. Daniel, paumanhin pero di ko pa masasagot ang mga tanong mo sa akin. Maybe some other time in the future.” By that, Lord Ramis turned around and was about to walk away when Mr. Daniel spoke once more.

“Bakit di ka pa magpakita sa pamilya mo? At… kelan ka magpapakilala sa grandson mo?”

Ngumiti si Lord Ramis. “ Someday… when the time is right. I will come back and fix everything. Now excuse me, I need to leave.” then pinagpatuloy nalang niya ang kaniyang pag-alis. Mr. Daniel stood still in his position watching him leave.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now