Chapter 11: Demon Heir

3.1K 113 2
                                    

Axelle's POV:

"-magiging maayos ba siya?"

"Oo naman. Pasalamat nalang tayo at andon lang ako sa malapit kaya nakatulong pa ako."

"Pero hindi iyon ang concern natin."

"Nakita kaya niya?"

"Hindi noh... Tao lang siya."

Anong pinag-uusapan nila? Teka... Di ko kikala yung mga boses na iyon?

Utay-utay kong binuksan ang mga mata ko hanggang sa salubungin ako ng liwanag. Pero nag adjust din naman ang paningin ko.

I am lying down in a bed that is not mine.

Wait?

Where am I?!

Anong nangyari kagabi?

Madali akong pumosisyon paupo at bigla nalang sumakit yung ulo ko.

"Ahh!.." ano bang nangyari?

*door opens*

"Miss, ayos ka lang ba?" pumasok mula sa may pintuan ang isang babae na curly ang buhok at may blue na highlights. Hindi ko siya kilala o kaya'y namumukhaan. Tumango nalang ako sa tanong niya at nawala yung sakit ng ulo ko.

"Nasan ako?" tanong ko sa kaniya.

"Nasa white house ka. Don't worry you're safe here." madahan niyang pagsasalita habang humahakbang papalapit sa akin.

"White House? Teka, sino ka ba? Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?"

"Ah... I am Jessica and no, I am not the one who brought you here, Raze did."

Raze? Raze? Si Gray Head? How the hell did he know? "Teka,paki explain nga kung ano talaga nangyari kagabi sa akin kasi medyo malabo ngayon ang memorya ko eh..."

Sasagot na sana si Jessica nang may biglang pumasok sa loob ng kwarto. Una ay isa pang babae na kulay brown ang buhok na may red highlights at naka low ponytail, sumunod naman ang isa pang babae na straight ang buhok at may violet na highlights, pumasok din ang isang lalaki na kulay chocolate brown ang buhok na may green streaks at si... Ivan? And lastly na kung saan ako labis na nagulat si Gray Head na naka ngiti pa sa akin at nakuha pang kumaway.

"So you're awake? Kamusta ang tulog?" tanong ni Gray Head sa akin tapos siniko siya nung babae na brown ang buhok sabay madali itong lumapit sa akin na kinagulat ko.

"OMG?! Are you alright?" she asked.

"Ella, stop it. Tinatakot mo kaya siya." sabi nung isa pang babae na naglalakad na rin papunta sa direksyon ko, siya yung may violet highlight sa buhok.

"Pasalamat nalang tayo at ayos lang siya." nagsalita yung lalaking chocolate brown ang buhok na katabi ni Ivan.

Sino ba talaga sila? Bakit kasama nila si Gray Head?

"Hoy! Gray Head! Magpaliwanag ka!" sabi ko naman sabay death glare sa direksyon ni Grey Head.

"Gray Head???" pakinig kong ulit nung tatlong babae sabay tingin din kay GH (Gray Head). Ngayon nasa kaniya na ang attention namin.

"Woah! Woah! Woah! Easy Madam, Chill!" sabay may pa hand gesture pa.

"Anong chill? What happened last night right after I went unconcious? I want full detail explanation! At kung bakit may zombie na gusto akong patayin at kung saan nagmula yung kidlat na tumama sa kaniya. Explain?" marami pa akong tanong pero magandang pauna iyon.

"Um... Sa tingin ko lalabas muna kami para makapag-usap kayo." sabi ni Jessica sabay sunod-sunod na silang lumabas at hanggang sa ang maiwan nalang sa loob ng kwarto ay ako at si GH.

I gestured him to speak, or else. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo?"

"Seriously? Eh... Sinong nagdala sa akin dito, di ba ikaw? Anong eksena ba ang naabutan mo? Nakita mo ba yung zombie na lumipad sa kabilang kalye dahil natamaan ng kidlat na sa kung saang poste ng kuryente nanggaling?"

Umiling si GH. "Ang nakita ko lang ay isang lasing na tao na nasa waiting shed tulog at ikaw na wala nang malay sa likuran ng kotse mo."

"Liar." I don't beleive him. "Well... Kung ganon. Pano mo nalaman na andon ako? At wala sa mansion?"

"You followed me." Uh-Oh... Busted. So alam pala niya? Kailangan ko ata maging extra careful next time. "At bakit mo naman ako sinusundan sa dis-oras ng gabi? Don't you think that it's too dangerous?"

Dangerous my Butt! Sa Modern world lahat dangerous! Psshh! "Are you even my guardian? Kung maka pangaral eh wagas."

"I am your butler. Your safety is my priority. Buti nga nakita agad kita at kasama ko pa si Ella, naka tulong siya sa iyo. Magpapasalamat ka nalang nga di mo pa masabi."

Then he walks out the door! Nagtampo? Marami pa akong tanong ah... Is that one of his way to dodge my questions? I will get my anwers somehow.

Third Person's POV:

Sa gitna ng isang malawak na silid naka posisyon ang isang mahiwagang dyamante na napalilibutan ng iba pang klase ng mahalagang bato. Ang dyamanteng iyon ang nagbibigay ng buhay sa buong Zyteria at ang nagsisilbing liwanag sa bawat nasasakupan nito. Ganon kahalaga ang batong iyon kaya naman ay pinalibutan ito ng pinaka makapangyarihang stone shields nang sa ganon ay walang sino man ang maka galaw dito. Pero sa di maipaliwanag na dahilan tila humihina na ang kapangyarihan ng mga stone shields at ang tanging nakakapagsuporta nalang dito ay ang taong may kaparehong kapangyarihan din na shield at isa dito si Mr. Daniel na Shield at portals ang kapangyarihan.

"Mr. Daniel, kanina ko pa kayong hinahanap." pumasok si Lord Rey sa silid kung nasaan naroroon si Mr. Daniel. "Kamusta na ang lagay ng Elexus?"

"Wala pa ring pagbabago, patuloy pa ring humihina ang mga shield stones." sagot ni Mr. Daniel na naka focus pa rin sa kaniyang ginagawang pagbibigay ng enerhiya sa mga bato.

"Magpahinga ka na muna Mr. Daniel, sa tingin ko sapat na ang enerhiyang binigay mo sa mga bato."

Huminga ng malalim si Mr. Daniel bago tumigil. "Konektado sa mga shield stones na ito ang mga shield stones na pumoprotekta sa iba pang kaharian-"

"Kaya kailangan nating mapanatili ang kanilang lakas." dugsong ni Lord Rey. "Alam ko iyon Daniel, pero dapat alagaan mo rin ang sarili mo." Nagkaron ng konting katahimikan bago ulit nagsalita si Lord Rey. "Magpahinga ka na Mr. Daniel alam mong hindi lang iyan ang inaasikaso mo, pati na yung issue patungkol sa nga portals. Pano kaya nagagawa ng ibang mga demon ang maka tawid sa kabilang mundo?"

"Sa nagdaang dalawang dekada wala pang demon ang may sapat na kakayahan upang maka tawid sa mga lagusan, maliban nalang kung sila ay may malakas na kapangyarihan o di kaya meron silang ginagamit na mahika upang maka tawid."

"At ang tanong lang... Bakit sila pumupunta sa mundo ng mga tao? Ano kaya ang posibleng pakay nila roon?"

"Dahil diyan sa sinabi mo may naalala nga pala akong mahalaga kong gagawin at kailangan kong pumunta sa Palasyo upang masabi ito sa hari."

"Pwede mo na ba itong ibahagi sa akin?"

Ngumiti si Mr. Daniel. "Maaaring isa sa pakay ng mga demon kaugnay sa pagpunta sa mundo ng mga tao ay ang paghahanap sa nawawalang anak ni Jalvirus (Satan)."

"The Demon King has a son?"

"No... A daughter."

"Kung totoo man yan, kailangan agad maipaalam sa mga Spirit Knights."

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora