Chapter 2: New Butler

5.8K 159 0
                                    

Axelle's POV:

Katulad ng dati. Diretso uwi agad ako. Kainis naman oh... Ang ganda na sana ng araw ko.

"Miss Axelle ayos lang ba kayo?! Di ba kayo nasaktan? San po kayo nanggaling? Alalang-alala kami sa iyo." sabi agad ni Miss Jen ang secretary ng step dad ko.

Hindi ko nga ba talaga alam kung acting lang ito, pakitang tao, pakitang-concern at ewan pang mga pagkukunwari. Masyadong maraming di mapagkakatiwalaang tao dito sa mundo.

"Ano ka ba Miss Jen, syempre ayos lang siya. Parang hindi ka pa nasanay." sagot nitong aking nakaka inis na step sister.

Tama. Step sister.

Pero ayokong magdrama ngayon.

"Magandang umaga sis. Kamusta ang beauty sleep mo?" tanong ko sa kaniya showing my fake smile matching my fake concern tone.

"My beauty sleep was ruined dahil sa maagang kalokohang ginawa mo. I'm sure magagalit nanaman si dad kapag nalaman niya ito." sagot nung step sister ko na bagay na bagay sa role talagang step sister.

Ilang saglit pa ay may dumating na isang katulong.

"Miss Axelle pinapatawag po kayo ng dad nyo sa office niya." sabi nong katulong na naka yuko.

"Well... That was fast." sagot naman nong annoying sister ko. Pfft! Taray. "Good luck. 'Sis'." she said tapos naglakad paalis kasunod nung mga katulong slash assistants niya palabas, malamang papunta nanaman sa kung saang gala, 'yon lang naman alam niyang gawin.

Habang naglalakad mag-isa papunta sa office ni step dad nag bibilang nanaman ako ng kung ilan ang tutugma sa mga sasabihin niya sa akin sa nasa isip ko ngayon. Sanay na ako kaya I have many possible thoughts.

Step Dad. Right. Step sister and dad. Yung tunay kong father di ko alam kung anong nangyari sa kaniya, paniniwala ko nalang na he died a long time ago. Lumaki ako kasama si mama pero nagdesisyon nalang siya na mag-asawa muli, kaya ayon... I ended up having a pathetic step sister na walang alam gawin sa mundo kundi gumala at gumastos.

Nong nawala naman si mom labing tatlong taon na ang nakaka lipas, step family ko na ang nag-aalaga sa akin. Ang aming kompanya ay pinapatakbo ni step dad. Kahit na alam kong naiinis na sila sa akin kasi masyado akong trouble maker, di nila ako magawang paalisin, kasi malaki ang suportaha ni lolo sa kompanya dahil alam niya na andito ako and kaniyang 'real' grand daughter. Tuwing bumibisita si lolo dito daig mo pang mga tunay na pamilya kung maka acting at pinapayagan akong maggala sa kung saan ko gusto, pero pagkatapos non, balik sa dating buhay.

The second main reason kung bakit di nila ako pinapalabas dahil sa sakit ko. Yup. Meron akong sakit na–

"Axelle."

Ayan nanaman yung seryosong tono ng boses ni step dad. Here I go again. Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto sa likuran ko. As usual, busy sa mga pagpirma sa mga papeles si step dad, pero huminto siya saglit at tumingin sa akin na naglalakad papalapit.

"Saan ka nanaman nanggaling?" tanong niya.

"I just went for a little stroll." innocent answer ko. Pero yon lang naman talaga ang ginawa ko. Di ko pa nga nasususlit...

"Alam mo ba na pang limang butler mo na yung nag quit sa looban lang ng isang buwan. Hindi ka pa ba magbabago?" he put his pen down at sinara yung folder na may mga dokumentong naka lagay.

"I've been caged here for more than a month 'dad'. Gusto ko rin paminsan-minsan na maka labas ng mag-isa at walang nagmamanman sa bawat kilos at galaw ko." I replied. Stating the whole fact about my life. Or is it really a 'life' worth living?

"I can't do that. Knowing how much troublesome you are. Nag-aalala lang ako sa kaligasan mo–" nakakasuka ang pagpapangggap. "Alam ko na gusto mo ring maka labas katulad ni Chelsie, pero magkaiba kayo. " I'm the real one and she's the fake, pero tunay mo siyang anak kaya OK lang sa 'yo gawin niya iyon. "You have a health problem kaya please, sumunod ka nalang at wag matigas ang ulo." he said.

Sa ganitong usapan ako ang kailangang magpatalo. Hindi na ako makikipag argue pa at tumango nalang sa sinabi niya. Like always I still have no choice.

"I just got a phone call later this morning, at may pinadala ang lolo mo na tao para maging bago mong butler."

Wow... Sumusubok talaga sila ah... Tingnan natin kung hanggang kelan sila tatagal sa akin. It seems na binibilhan nila ako ng mapapaglaruan ko.

"I want you to be nice at itrato mo siya ng hindi katulad ng pagtrato mo sa mga nakaraan mong mga butler, am I clear?" tanong niya.

"Yes 'dad'." maiksi kong sagot.

*knocks*

"Pasok."

"Sir. Andito na po yung bagong appoint na butler ni Miss Axelle." sabi nung secretary ni dad, si Miss Jen.

"Papasukin mo." sagot naman ni dad sabay tumango si Miss Jen at binuksan ng malaki ang pintuan. Pumasok ang isang lalaki na may familiar grey ang buhok...

"Teka..." bulong ko at nag-isip. Nagka tinginan kami nung lalaki habang naglalakd siya papalapit sa amin.

Processing...

Processing...

Ah! Siya yung–

"Axelle meet your new butler." anunsyo ni dad.

"Hi, nice to meet you." pagbati nung lalaki sabay ngiti pa, showing those bright white teeth. Ako naman -_-... 'What ever' effect.

"Bakit di ka muna magpakilala." utos ni dad don sa aking bagong butler.

"I am Blake Raze Grei, nice to meet you Lady Axelle." masaya at medyo jolly niyang pakilala sa akin.

"So since na magkakilala na kayo, Axelle, why don't you give him a tour around the mansion." request pa ni Step Dad.

"Sure thing 'dad'."sabi ko sabay naglakad way ahead of my new butler at minosyon ko na sumunod siya sa akin, which he followed.

In my head hinuhulaan ko na kung ilang araw siya tatagal, pero he will not last long. I'm sure of it. I will make him quit like the other butlers I had. And there's no stopping me.

*mental evil laugh*

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon