Chapter 35: Phantom Hunters

1.7K 53 7
                                    

Third Person's POV:

Isang makulimlim na umaga ang sumalubong kay Mr. Daniel sa kaniyang muling paglilibot sa mundo ng mga mortal. This time nagdesisyon siyang puntahan para dalawin ang isa niyang kaibigan na matagal-tagal na ring namamalagi sa mundong ito bilang isang gate keeper. Lubos nga siyang nadismaya dahil sa hindi nito pagdalo sa pulong kaya heto at siya nalang ang dadalaw para sa kaniya. Sa tulong ng ilang knights naka kuha siya ng impormasyon sa kung saan man naroroon ang kaniyang kaibigan.

Dinala siya ng kaniyang mga paa sa harap ng isang malaking simbahan. Pagkapasok niya sa loob mistulang bumalik ulit siya sa kaniyang pinanggalingan. Sinubukan niyang mag-ikot-ikot sa loob ng simbahan habang minamasdan ang ilang mga mortal na taimtim na nagdarasal. Maging siya ay nananalangin na rin na sana lahat ng tao na naririto hindi lang puros salita ang ginagawa pati na rin ang mabuting gawa.

Marami sa mga demons ay nanggagaling sa sariling katawan ng tao, at nakakabahala ngang isipin na kapag dumami pa ang mga masasamang mortal ay darami rin ang masasamang nilalang sa mundo. Napunta sa isang malaking emahe sa unahan ang kaniyang paningin bagos nag-bow bilang pagbibigay ng respeto.

Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang pintuan sa may likuran ng altar at may nakita siyang isang madre ang pumasok sa loob kaya naman ay sinundan din niya iyon. Pagka-labas sa kabilang bahagi sinalubong siya ng mahabang haway at ang kaniyang paa na mismo ang kusang tumulak sa kaniya na magpatuloy. Wala masyadong tao ang makikita, ang ilan pa sa kanila ay siguradong nasa labas o nagpapahinga sa kanilang mga kwarto.

Lumiko siya at natanaw sa isang dulo ang kalahating bukas na pinto. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang isang silid na naiilawan lamang ng mga kandila at sa may bandang gitna sa ibaba ng altar nakita niya ang kaibigang kaniyang hinahanap, naka luhod at tila ba nananalangin.

"Alam ko nang darating ka para maghanap sa akin." unang nagsalita yung naka suot ng puti sa unahan sabay nag sign of the cross bago tumayo at hinarap si Mr. Daniel nang may ngiti. "Matagal na rin tayong di nagkita." sabay sinalubong nila ang isa't isa ng isang yakap.

"Matagal-tagal na rin nga Lord Anthony or should I call Father Anthony. Kamusta ang pamumuhay mo dito sa mundo ng mga tao? Nabalitaan kong nagpari ka. Kamusa?" Tanong ni Mr. Daniel sa kanilang pagbitaw.

"Nong una medyo naninibago pero nakapag adjust na din ako. Gusto mo bang mag kape? Masarap ang kape nila rito." alok ni Father Anthony pero umiling lang bilang sagot si Mr. Daniel. "Kung ganon, maupo ka muna at mag-usap tayo. Alam ko na marami kang gustong sabihin at ibalita sa akin." at naupo sila sa bakanteng upuan na naka helera malapit sa unahan bago mag altar.

"Nagkaron ng pulong kasama ang mga troop ng knights at mga gate keepers. Bakit di ka naka dalo?" tanong ni Mr. Daniel.

"Paumanhin dahil nagkataong may misa ako ng mga araw na iyon kaya di ako naka dalo. Pwede mo naman akong balitaan ngayon ng pinag-usapan ninyo pati na rin ang kalagayan ng Zyteria."

Huminga ng malalim si Mr. Daniel bagos nagsalita. "Hindi maganda. Patuloy na lumalakas ang pwersa ng mga demons at pauloy din silang nakakalabas papunta dito sa mundo ng mga mortal. Hindi na namin mahulaan kung ano ba talaga ang tunay na pakay ni Jalvirus sa kaniyang mga demons na ipinapadala sa mundong ito. Maliban nalang sa hinala naming hinahanap niya ang kaniyang anak."

"Kung ganon, totoo nga ang balita na may anak ang demon lord?" pagsisiguradong tanong ni Father Anthony, tumango si Mr. Daniel at nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita si Father Anthony. "Ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang may isang pamilyar na shadow demon ang dumalaw sa akin at mayroon siyang tinanong sa akin na pilit niyang hinahanapan ng sagot."

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon