Chapter 92: Thank You

1K 46 0
                                    

Third Person's POV:

Sa ikatlong palapag ng white house, sa loob ng silid ni Grei naroroon si Mr. Daniel na nakatayo malapit sa kama kung saan ay masinsin niyang kinakausap si Grei. He just came back from his out of the country trip kasabay ni Father Anthony, pero di na sumama pa ang pari sa kaniya dahil sa may iba pa siyang aasikasuhin.

“I’m quite proud of you, pero yung ginawa mo ay masyadong mapanganib. Did you not know the consequences?” sabi ni Mr. Daniel.

“I know.” maiksing sagot ni Grei sabay napatingin sa kaniya si Mr. Daniel looking for an explanation, pero Grei didn’t give any. “I don’t know.” he shrugs sabay binaling sa kisame ang kaniyang atensyon.

“Nabalitaan ko ding nasira na ang Cross Protector mo. Ibibigay ko nalang sayo mamaya o kaya bukas ang schedule ng departure mo, ipapadala na kita pabalik sa Spirit Realm.”

“Pwede pa ba akong mamalagi kahit ipa extend lang mg dalawang araw?”

“Halos maubos na ang lahat ng lakas mo dahil sa ‘yong ginawa at isa sa mga senyas nyan ay ang mabagal na paghilom ng mga sugat mo. Patawad, pero hindi ko ‘yon magagawa. Alam ko namang alam mo rin ang mga responsibilidad mong naantala sa Spirit Realm. Baka makasabay mo si Jiena sa iyong pagbalik.” paalala pa niya. Natahimik si Grei at mistulang napaisip ng malalim patungkol sa kaniyang napakinggan. “Maiwan na muna kita.” sabay naglakad na palabas ng kwarto si Mr. Daniel.

Samantala…


Axelle’s POV:

Matapos nilang dalawa magkwento sa mga nangyari, natulala lang ako na para bang ewan lang. I never thought naman kasi na gagawa si Gray Head ng ganong bagay na ikakapahamak nya. Kahit na malaki ang pasasaamat ko sa kaniya kasi buhay pa ako, hindi ko rin maiwasang magtaka. Why didn’t he asked for help?

“Nasan na sya ngayon?” tanong ko.

“Sa ngayon nagpapahinga pa siya at nagpapagaling sa kwarto nya.” sagot ni Ella.

“Don’t worry, he’ll be fine.” dugsong naman ni Tory. Gusto ko syang puntahan para pasalamatan, kahit papano, pero nagpapahinga pa pala sya, I hate to interrupt.

*knocks…*

Mula sa may pintuan, sumilip ang isang babaeng kulay light green yung buhok, hula ko spirit din sya. “Pinapatawag tayo ni Mr. Daniel sa ibaba. It’s urgent.” sabi niya.

“Ay, sige. Susunod kami.” sagot ni Tory.

“Maiwan ka muna namin Axelle ha…” Hindi na ‘ko umimik at tumango nalang. Pinanood ko silang lumabas ng pintuan hanggang sa magsara ito pagkalagpas nila. I continued to stare at it.

Bakit naman kaya naisip nung mokong na ‘yon na kalabanin ang isang malakas na halimaw mag-isa? Nagpapakamatay na ba sya? Teka? Spirit sya di ba? Edi patay na nga sya, I mean yung mortal nyang katawan? Eh? Pwede ba ‘yon? Pero flashbacks nung mga nangyaring aking natatandaan sa nakaraan hindi talaga nya ako pinabayaan, kahit na sabihing di ko na naman sya butler. Katunog ko nang isang asyumera ah? Baka naman trabaho o mission talaga nila ‘yon. Ang protektahan ang ‘sang katauhan.

Napapikit ako at nag-relax ng katawan. Haay… salamat at natapos na din ang matagal na kaguluhan… Ano na kayang nagbago sa paligid? Siguradong maraming mga tao ang nagtataka ngayon sa kanilang mga nakikita sa paligid nila. Imagine nalang yung mga nawasak na mga gusali. Maaalala kaya nila na mistulang nag manikin challenge sila o hindi? Siguradong magtataka pati ang presidente ng buong bansa sa makikita nya.

Si step dad kaya alam na matagal na kaming nawawala ni Chelsie? At si Chelsie, nasan na kaya sya? Hindi ako masamang tao kaya pinapagdasal kong buhay pa rin sya kahit anong inis ko sa kaniya. At sa pag-iisip non, naalala ko si Roshae, yung pinatay nung mga demonyong ‘yon. Etong mga weird and supernatural na mga pangyayaring ito ata ang pinakamatatak sa ala-ala ko. Ang daming mga nangyaring out of this world. Pero kahit na ganon, nakalagpas pa rin ‘tong katawan ko kahit na may masakit na nararamdaman.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now