Chapter 30: Demon Hunt (part 2)

1.7K 60 0
                                    

Axelle's POV:

Narating ko ang sinasabing rest house nung babae, and like what she have said mukha ngang lumang-luma na ito at kailangan nang ipa demolish. Pero nagtataka lang ako... Ano naman ang gagawin dito ni Imy?

"Imy? Imy?" tawag ko sa kaniya. Walang sumasagot pero subukan ko kayang pasukin o kumatok man lang?

*knocks*

"Imy? Andyan ka ba?" tawag ko ulit.

"Axelle?! I-ikaw ba yan?!" boses ni Imy mula sa may likuran ng pinto. "Pakibuksan naman ng pinto."

I started twisting the door knob pero it seemed like na stuck yung pinto. Nilingon ko ang bawat sides ng rest house para sa bukas ng bintana pero lahat sealed. "Pano ka ba napadpad dyan?" tanong ko sa kaniya habang pilit binubuksan yong pinto.

"Hindi ko rin alam eh... Para nga akong nahimatay ng di ko alam ang nangyari. Please tulungan mo akong makalabas." paliwanag niya.

"Umatras ka muna sa may pinto." I will break this door kung ayaw niyang magpabukas. In one!... Two!... Three!!!

*door breaking!*

"Axelle!" sabay yakap sa akin ni Imy nang mahigpit.

"Oh... Teka. Anong nangyari? Bakit parang takot ka?" nag-aalala kong tanong.

"Umalis na tayo dito Axelle. Please. Kung pwede sa dorm nalang tayo mag-usap." napa tango nalang ako sa sinabi niya sabay umalis na rin kami. I looked back at the old rest house. Para bang may something inside na nakaka-curious but at the same time deadly.

Grei's POV:

Pagkatapos ng encounter namin sa demon don sa may third floor nagdesisyon kaming bumalik nalang muna sa may gym where I found out na nawawala si Axelle.

"Bakit mo sya iniwan?" tanong ko kay Jessica.

"Hindi ko naman sya iniwan ng basta lang, sinabi ko sa kaniya na maghintay lang sya dito sa may bench, hindi ko naman inaasahan na maglilibot pa rin sya."

Tama. Hindi ko dapat sisihin si Jessica. Knowing Axelle siguradong maglilibot yon. Hindi ko dapat siya iniwan lalo nang may dalawang malakas na demon ang umaaligid.

"Don't worry Grei, we'll find her." assure sa akin ni Denver.

"Looking for something?" papalapit na tanong sa amin ni Chelsie, kasunod niya sa likod niya ang tatlong mga babae.

"Rather someone. Nakita mo ba si Axelle?" tanong ni Jessica imbis na ako.

"Axelle? I think I saw her walk out of the gym a while-" hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya. I got my information kaya naman humakbang na rin ako palabas ng gym. Next time... Wag nang iiwan si Axelle ng walang kasama, mahirap na baka sa kung anong trouble pa siya mapatungtong.

Sakto namang paglabas ko ng gym nakita ko na siyang naglalakad papunta sa sakayan ng mini bus papunta sa dorm with someone. Binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa maabutan ko siya.

"Axelle. San ka galing?" tanong ko at napalingon siya sa akin.

"Gray Head? bakit ikaw? San ka ba galing?"

"I'm asking you first."

"Grei... Sinundo lang ako ni Axelle." sagot ni Imy mula sa may likuran ni Axelle.

"Pasaan nanaman kayo ngayon?" I asked facing Axelle straight.

"Gusto lang bumalik ni Imy sa dorm nya. Total pwede na rin namang bumalik kasi bukas pa daw ang klase. Tara na Imy." sabay pasok niya sa loob ng bus kasunod si Imy.

Axelle's POV:

I don't want to waste any time with Gray Head. Sya pa 'tong may ganang magalit eh sya nga yung unang nag-iwan. 'Butler'? Ha! Mukhang hindi naman. A real butler must look out for his master not leave her out of sight!

Padabog akong naupo sa may dulong upuan at sa tingin ko kami lang ang unang estudyanteng maagang babalik sa may dorm. Sabay nagulat nalang ako ng bigla nang may naupo sa tabing upuan ko. Nong una akala ko si Imy pero si Gray Head pala and I saw Imy na naupo sa opposite naming upuan.

"Hey... Sorry. OK?" Psh! Sorry mo mukha mo. Nanahimik sya nang saglit bago nagsalita ulit. "Axelle... Sorry."

"Manong driver, shall we go?" tanong ko dun sa driver bago nakita ko siyang tumango at pinaandar yung bus. I grab my phone and my headset from my bag at nagpatugtog nalang. I don't want to talk to Gray Head right now and I surely don't want to hear his voice.

Sa hindi pa man kami nakakalayo sa main building ng school nakita ko ulit yung babae kanina na nagsabi sa akin kung nasan si Imy. Nakatayo siya sa ilalim ng isang puno habang sa tingin ko ay naka sunod sa amin ang kaniyang mga mata. Ngumiti ako bago tuluyan na siyang natalikuran ng bus.

Pagkarating sa may entrance ng dorm bumaba agad ako pero I am not daring to talk to Gray Head. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa makarating kami sa harapan ng dorm ni Imy.

"Imy... Ano ba talaga ang nanagyari kanina?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Ano ba ang nangyari kanina?" singit ni Gray Head mula sa likuran namin.

Imy faced us. "I heard voices at bigla nalang may nagpakita sa aking isang babae... Hindi siya ordinaryong tao alam ko iyon, kasi naka lutang siya sa sahig."

"Where did you see her?" singit na tanong ni Gray Head na mukhang naging interesado. I rolled my eyes. Kelan ba sya aalis?

"Sa may lumang rest house sa dulo ng mini forest." sagot ni Imy. "Pero sa tingin ko dapat sa loob nalang ako magkwento." tumango ako at hinayaan na buksan niya yung pintuan. Pinapasok niya kami sabay sinara ulit yung pinto.

"Can you continue?" it looks like Gray Head is as interested as I am.

"Hindi niya sinabi kung ano ang pangalan nya, kundi paulit-ulit nalang siya sa isang salita habang papalapit sa akin... 'Demon'. Akala ko papatayin niya ako pero bigla nalang siyang nawala at narinig ko yung boses ni Axelle."

Grei's POV:

Pagkatapos marinig yong mga sinabi ni Imy I concluded that it is deffinetly a lost spirit. At yong lost spirit na iyon ay walang duda na may alam tungkol sa mga demons dito sa school. Di bale... Mamaya ko nalang sasabihin sa iba.

"Imy, I think you need to rest. I will go on ahead." sabi ni Axelle sabay lakad papunta sa may pinto. Nagpaalam na rin ako na lalabas na bago sumunod kay Axelle. I really don't know kung bakit ganon ang naging reaction ko kanina pero I really need to appologize to her and I am not stopping unless she accepts it.

"Axelle, can we talk? Please?" tanong ko habang nakasunod sa kaniya.

"Go back to your dorm Gray head." naiinis niyang sagot.

*door closes*

*Bang!*

Ito siguro yung first time na may isang babaeng sinarahan ako ng pinto with a bang! Just because na nagso-sorry ako. I don't get it. Back in the accademy isang sorry ko lang bati na agad the minute after, pero dito sa babaeng ito? Aabutin ata ng next year. Argh... Bakit ba dito ako binagsak ng langit?!

"OMG! Aaahhhh!! Ayun sya girls!" napalingon ako bigla don sa sumigaw sa may hallway.

WTH?!!

Stampede ng mga babae! At siguradong sira nanaman itong style ko mamaya!

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now