Chapter 5: First Offense

4K 149 0
                                    

Bumalik ako sa training room hanggang sumapit ang madaling araw. Di ko na nagawang maka tulog sa nangyari kagabi.

2:30 am

Tinitingnan ko lang ang reflection ko sa espadang hawak ko na sobra nang kintab sa kapupunas ko.

Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto.

Pumasok si Gray Head... Kita ko ang reflection niya sa espada kong hawak.

"San ka nanggaling?" I asked him in a serious tone not bothering to look at him straight face.

"May pinuntahan lang." sagot niya.

Binaba ko yung espada. At tumingin sa orasang naka sabit sa pader.

2:35

"Gray Head." tawag ko sabay baba nung hawak kong espada.

"Po?"

"Kunin mo nga yung wooden shield na naka sabit sa pader." utos ko sa kaniya. Kahit na naka talikod ako sa kaniya alam ko na kumilos na siya para kunin yung kahoy na shield na naka sabit sa pader. Sa loob ng room meron akong 20 pirasong iba't ibang klase ng shield, yung dalawang kahoy ay parehong naka sabit sa pinto na kaniyang pinasukan kailangan lang ay mabilis siya dahil –

*swwooosh!*

Sa gilid ng aking kinauupuan may mga throwing stars (yung pang ninja) na naka helera. Kanina ko pa iyon pinaglalaruan pero walang thrill eh, kaya since na may violation siya ngayong umaga naisipan kong magpraktis ng aking throwing skills sa real life human target.

*Hit!*

Ang bilis ng reflex nya ha.. Nai-sangga agad niya ang shield. I'm impressed.

"Hey! Para san naman yon?!" gulat niyang sabi, still, holding the shield.

"I'm sure I made myself clear nung sinabi ko na ayaw ko ng late sa mga butler ko."

"Late?! It's freaking 2:35 in the morning?! Madaling araw pa lang!"

I smiled evily throwing another towards him. He blocked it, luckily. "Late kasi dapat bago ako magising-" di naman niya alam na natulog ako. "- ay nan dito ka na o di kaya ay nakikita na kita."

"Wow! Grabe ha! Gusto mo ba bantayan kita pati pagtulog mo para sa ganon di ako ma-late?" hindi ako umimik at dumampot pa ng isa.

*throw!*

*hit!*

"Ah! So yon nga ang gusto mong mangyari? Alam ko namang irresistable ako eh!" at aba! Ang taas ng pride!

*throw!*

*wwooosshh!*

*Hit!*

"Gusto mo bang espada ang ibato ko sa 'yo?!" galit na sambit ko.

"Bakit namumula ka? Magsabi ka lang kung gusto mo ng kasama sa pagtulog–"

*shoot!*

"What the–!"

*hit!*

"Akala ko ba espada?! Bakit palakol!"

(AN: Like Astrid Hofferson when mad!)

"Nagbago isip ko! Lumabas ka na nga! Naiinis lang ako sa pagmumukha mo ngayong umaga!" nag-iinit kong bulyaw sa kaniya.

"Masusunod!" masaya pa niyang sabi bago ibaba yung shield at pandalas na lumabas ng pinto.

Grei's POV:

Hhhhaaaayyy...

Napa sandal ako sa may pinto pagka labas sabay hinga ng maluwag. Nakaka inis yong babae na 'yon! Agang-aga sasabihin late na ako! Grabe sya! Mga tao nga naman hindi mo maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak!

"Mr. Grei!" napalingon ako sa boses babae na tumawag sa akin.

Sa may dulo ng hallway nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Chelsie, ang kapatid ni Miss Premadona. Kasunod ang dalawang katulong.

"Morning pogi! Aga mo naman." bati niya nong maka lapit sa akin. "Tell me, did my sister already kicked you out?"

"Ah. Hindi naman." sagot ko.

"By the looks on your face, nagalit siya sayo noh? Kapag nagagalit pa naman yon sa butler niya grabe ang kaparusahang kaniyang ginagawa..." monster nga siya di ba? Siguro may lahi din siyang demon? "... Kawawa ka naman at kabago-bago mo lang dito sa trabaho pahihirapan ka agad ng sister ko..." I can handle myself, kung pwede nga lang magsabi sa kaniya.

"Ok lang ako sa trabaho ko." maiksi kong sagot.

"May gagawin ka ba?"

"Ah... Wala sa ngayon. Pero baka may iutos sa akin si Miss Axelle eh."

"Grabe! Ang sama talaga ni sis! Ang aga-aga pa naman!" I want to change master kung pwede lang. Mas mabait itong si Miss Chelsie kesa kay Demon Queen. "Do you want to come with me to the cafe? Pupunta ako don sa friend ko, who owns a cafe, tara! Give yourself a break."

"Um... I think–"

*door opens!*

Lumabas si Miss Axelle with her piercing death glare na talaga namang nagbabaga.

"Grey Head. I will break your neck kapag di mo pa kinuha yong pinapakuha ko sayo."

What? May pinapakuha siya?

"Ah... Hindi ko naman..."

*death glare...*

"Ah! Oo nga! Nakalimutan ko! Sige una na ako!"

Axelle's POV:

Grabe! May time pa siyang makipag flirt sa step sister ko ha! At sa labas lang ng pintuan ko! Nag-iinit ako! Init na init ng sobra ang ulo ko! Dumagdag pa nang makaharap ko ngayong umaga itong si Chelsie!

"You know sis, kung ayaw mo dyan sa bago mong butler, I can offer you an exchange. Hahanap ako ng mas-"

*door closes.*

*bang!*

Wala akong pake sa offer niya. Kapareho din niya iyon, palpak. At himala, nag OFFER?

Time Skip...

Kumakain ako MAG-ISA sa back garden ng mansion and as usual solo ko nanaman ang bahay. My step dad already left para sa kaniyang business meeting sa Japan and will be back after two weeks, my step sister? Umalis din siya papunta sa sirkus... Joke!

Pano ba naman kasi mukhang payaso sa kapal ng make-up. Papunta siya sa party na host ng isa sa kaniyang 'friend' and after that maghapong galaan nanaman. Haayyy... Sana di na sila bumalik!

"Miss Axelle, mukhang malalim iniisip nyo ah? Kelan po ba ako pwedeng magpahinga?"

Singit nitong si Gray Head na naka tayo malapit don sa fountain habang naga balance ng mga libro sa kaniyang dalawang kamay at ulo tapos para may exitement may naka pulopot pa sa kaniyang yellow piton na ahas. Thrill di ba? Boring na kasi itong alaga kong si Killer sa kaniyang kulungan kaya nilabas ko muna.

"Pagkatapos kong kumain." simpleng sagot ko. Well... Bahala kang maghintay, I am taking my time.

"Nice snakey..." kita ko pang sinabi niya don sa ahas habang lumalapit ang ulo nito sa mukha niya. "Anong pangalan niya?" halata namang baka mamaya maihi na sya sa takot.

"Killer." sagot ko.

"K-Kill-er???"

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now