Chapter 68: A Nice Play 3

1.1K 46 0
                                    

Third Person's POV:

Patuloy pa rin sa paglalakad sa mahaba at medyo madilim na tunnel sina Denver at Grei when they heard a metal clingging sound echoing. Madali nilang sinundan ang pinagmumulan nung tunog at nakita sina Jiena at Chelsie. Gising si Jiena samantalang si Chelsie naman ay unconcious. Once Jiena saw them she immediately stood up at akmang tatakbo pa sana papunta sa direksyon nina Grei but she was held back by the chains.

"Don't worry, we'll get you out." Grei assured sabay ginamitan niya ng kaniyang espada yung sa may pinto ng selda para mabuksan ito. In just a second nakapasok na silang dalawa at kinakalasan na sina Jiena. Denver tried waking up Chelsie pero hindi siya naga respond.

"What happened to her?" tanong ni Denver.

Nang maka-alis sa pagkakatali ay agad tumayo si Jiena at pinagpagan ang kaniyang sarili sa mga alikabok. "Wala siyang soul, her body is sleeping right now."

"Nasan na yung iba?" tanong ni Grei sa kaniya.

"Hindi ako sure, pero ang alam ko Ella is also somewhere dito sa dungeon and Azcar took Imy." paliwanag ni Jiena. "Also... Roshae was killed by one of the demon."

"And Axelle?" tanong ni Grei.

"She... She's working with the demons now."

"What–?"

Pagkasagot niya non ay may malakas na dagungdong ang nagmula sa may itaas kasabay nito ang pagyanig ng lupa. Para bang may sumabog at may nangyayaring engkwentro sa taas and it caught their attention.

"We need to go." sabi ni Grei, alarmed.

"Go on ahead. Hahanapin ko lang si Ella." sabi naman ni Denver at tumakbo papunta sa may kabilang tunnel to look for Ella. Grei carried the unconcious Chelsie in his arms bago madali din nilang hinanap ang daan palabas ng underground. Pero bigo silang mahanap iyon. It seemed like they're going around in circles.

"Jiena, hold on to me. Susubukan kong mag teleport." sabi ni Grei at immediately Jiena does what he instructed.

Grei tried his powers of teleportation pero may naka block sa kaniyang isang force and he cannot teleport.

"Anong meron?" tanong ni Jiena.

"I can't use my powers. Something is blocking it." sagot ni Grei. "We need to try some other way." dugsong pa niya.

May mga debri nang bumabagsak mula sa kisame ng kanilang dinaraanan at alam na rin nila sa sarili nila na kailangan na nilang magmadaling makahanap ng daan palabas. Sakto namang pagkaliko nila sa kabilang tunnel ay nakasalubong nila si Denver carrying Ella in his arms.

May mga sugat pa rin sa katawan ni Ella pero halos lahat ay humihilom na. She may be a healer pero kapag masyado nang weak ang katawan ng healer di niya kakayaning gamutin ang sarili niya, the energy will be wasted.

"Wala nang lagusan don." sabi ni Grei.

"Then we try another way." sagot ni Denver. "Magteleport ka kaya?"

"Something is blocking me, kaya di ko magawa." sagot naman ni Grei. Another 'Boom!' sounded from above. At biglang nagcrack yung kisame sa ibabaw nila sabay nahulog ang malaking tipak ng pinaghalong simento at bato.

Meanwhile...

Jess and Tory are still trapped inside the room. Maraming sunod-sunod na pagsabog din silang napapakinggan, no doubt galing sa labas. Pareho silang naghahanap ng pwedeng madaanan palabas nang matumba bigla yung isang box sa di malamang dahilan.

"What the hell." napabulong nalang si Tory bigla nang lumabas ang isang shadow demon mula sa loob. Kasunod non ay isa-isa nang nagtumbahan at nagsisilabasan ang mga shadow demons mula sa mga box.

"Mukhang mapapasabak tayo bes." sabi ni Jess aiming one if her arrow sa paparating na demon sabay release. The demon burst in the air like bubble.

"Oo nga eh." sagot naman ni Tory sabay tinawag ang white tiger beast nya.

May sumugod na isang demon papunta sa direksyon ni Tory at tinalon ito ng kaniyang tiger sabay dinali niya ng kaniyang staff ang sumunod na dumating. Jessica used her icy arrows para i-freeze ang mga demon bago ito tuluyan tapusin. Pero mukhang di man lang nababawasan ang kanilang mga kalaban. They kept on coming at them.

"This won't do. Parami lang sila ng parami." puna ni Jess shooting another arrow at the target.

"We need to find the source." sagot ni Tory. Habang patagal nang patagal masmabilis ding dumarami ang kanilang mga kalaban na para bang langgam na binulabog sa kanilang bahay.

Just then napansin ulit ni Jessica yung mga boxes na nagkalat sa gitna ng room kung saan lumalabas yung mga demons.

"Let's break those boxes!" sabay turo niya don sa mga kahon. Tory replied with a nod and they give their idea a shot. Binasag ni Jessica ang isa sa mga box pero it reassemble ulit. Pareho nilang ikinagulat iyon.

"Hindi yan yung source." sabi ni Tory.

"I have an idea." singit naman ni Jessica.

Samantala, sa kusina sa likod Ivan and Vanessa are still stuck inside the room now kinakalaban ang mga plato, lutuan, kutsara, tinidor at mga kutsilyong naglilipadan sa ere. Someone is controling it at kapag di sila nag-ingat maaaring sa balat nila bumaon yung mga kutsilyo na panay ang dating. Nakalutang paikot sa kanila ang mga utensils habang umiikot ito ng mabilis kaya di malaman kung saan manggagaling ang unang atake. Ivan can't use his powers fully, baka kasi matupok ng apoy ang mansion at bigla nalang magiba, more importantly di nya alam kung nakalabas na ba yung iba o di kaya ay may kinakalaban din dito sa loob.

"You look out the ones on the left and I on the right." sabi ni Vanessa and they both back-faced each other.

May kumawalang ilang kutsilyo both their side but they successfully defended themselves from it. Another blow of attack comes in their way. So sudden hindi naging handa si Vanessa kaya nadaplisan siya ng isang kutsilyo sa kanang balikat sabay nagdugo din ito kaagad. Another set of attacks came flying their way, pero naiwasan nila lahat iyon.

"Ivan..." pagtawag ni Vanessa. Lumingon si Ivan sa direksyon niya at nakita ang nagdurugong sugat niya sa balikat. "I can't move my right arm."

"What?"

"Paralisado. Be careful of the flying things, if you get cut, papasok yung lason sa parte ng katawan mo."

"No need to repeat. I already know. And I had just about enough of this play." pagkasabi nya non ay agad siyang gumawa ng isang malaking circle of fire pakot nilang dalawa melting and burning the utensils away tsaka mistulang kumalma ang lahat. "Let's hunt some demons." pagkatapos non ay lumabas na sila ng kitchen area to look for demons na pinapaikot lang sila sa loob ng bahay.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now